BASTI'S POV
Akala ko noong gabing 'yun, all the things was ended with that night.
Totoo, minahal ko s'ya ng higit sa lahat. Halos iniisip ko s'ya gabi-gabi at halos parang gawin ko s'yang mundo ko.
Nagkakilala kami sa school noong mga Grade Nine pa lang kami. Una ko s'yang nakilala noong nanood ako ng laro ng volleball. She was so beautiful that day, when her hair was flying when she will do the spike moves. Also having wet face because of her sweat aads on her perfect and athlete aura.
Ayun, na-smash n'ya 'yung puso ko. Kaya pagkatapos ng game, itinulak ako ng mga kaibigan ko sa kanya at doon, nagkakilala kami.
Niligawan ko din s'ya for almost three months at finally, sinagot n'ya ako sa ulanan pa. Tandang-tanda ko pa noong niyakap n'ya ako at sinabi n'ya na Basti, sinasagot na kita! Pumapayag na akong maging girlfriend mo.
Pakiramdam ko naging akin na ang mundo. Parang s'ya ang kukumpleto ng mundo ko. Naging advance ang isip ko at nai-imagine ko na tatagal kami at magpapakasal kami. Magiging masaya kami at magmamahalan kami.
But things turn into opposite when days passed. 'Yung babaeng minahal ko na mabait, maalalahanin, mabuti sa kapwa at magalang, she was opposite of that.
Habang tumatagal, nagiging cold na s'ya sa akin. Parang ginagawa n'ya na lang 'yung mga bagay ay dahil obligasyon n'ya at walang halong pagmamahal.
Isang beses pa nga, kahit nasa tabi n'ya ako nakita ko kung ano 'yung ginawa n'ya doon sa pulubi. Nanghihingi lang naman ng limos 'yung matandang babae at nagulat na lang ako ng itulak n'ya. I can't believe na ganun ang ugali n'ya.
At isang gabi, nalaman ko na lang na she has relationship with another guy. Nahuli ko s'ya na may kausap sa phone at tinawag n'yang babe.
Ayun! Nag-away kami, nagkasagutan, hanggang sa humantong sa break-up. At ang ikinagulat ko noon, s'ya pa ang may ganang magalit sa akin.
Halos gumuho ang mundo ko noon, itinapon n'ya lang ang seven months of relationship namin para sa isang guys na hindi ko man lang nakilala.
Kaya hindi ako makapaniwala na nandito s'ya ngayon, nakatayo sa harapan ng maraming tao at nagpapakilala bilang fiancée ko.
"Anak, tara dito sa unahan at samahan mo kami." Wika sa akin ng tatay ko. Lahat naman sila ay napatingin sa akin at masayang nakangiti.
Napatingin naman ako kay Aya na gulat na gulat sa nangyayari. Tumingin muli ako kay Daddy na gusto na akong papuntahin sa unahan.
Agad kong hinawakan ang kamay ni Aya at naglakad kami papunta sa harapan.
Kitang-kita ko naman ang reaksyon ng mga tao na gulat na gulat sila sa dahil kahawak ko ng kamay si Aya at naglalakad na kami papunta sa unahan.
Pagakadating namin sa unahan, gulat na gulat ang itsura ni Daddy pati na rin si Shannara.
"Dad, ano 'tong kasalan na 'to?" Mahina kong pagtatanong kay Daddy. Ngumiti muna s'ya sa mga tao bago tumingin ulit sa akin.
"Can you please just go with the flow?" Mahinahon pero madiin na pagkakasabi ni Dad.
Halos magpanting ang tenga ko dahil sa binitawang salita ni Dad. Hindi ba s'ya nagbibiro? Ipapapakasal n'ya na lang ako ng wala akong kaalam-alam?
Kinuha ko ang microphone na hawak ni Dad at humarap sa mga tao. Halata naman sa mukha nila na naguguluhan sila sa nangyayari.
"Clarification everyone! There's no such events as wedding! Hindi po ako magpapakasal dahil iisa lang ang taong gusto kong mahalin habang-buhay! At s'ya po si Aya!" Wika ko at tumingin ako kay Aya. Hinawakan ko naman ng mas mahigpit ang kamay ni Aya.
BINABASA MO ANG
Daylight Through The Nightfall
Fanfiction[Wattys 2021 Shortlist] --- There is an old idiom saying that people's life begins at fourties. However, what if your existence is only limited to the legal age and after that - you'll meet the end of your life? Eighteen's Circulatory System Failure...