AYA'S POV
Medyo bangag paggising ko ngayon, kasi ba naman, si Kate nag-aya ng movie marathon. Syempre Saturday naman bukas, e 'di go ako.
Nanood kami ng mga romance movie, 'yung mga KathNiel movies at LizQuen. Pero 'nung horror na 'yung pinanood namin, takot na takot! Hanggang sa isinunod namin ay horror din, wala na, tinulugan na ako!
It's been 9:00 in the morning at medyo gusto ko pang matulog pero wala, my body alarm wakes me.
Ito ngayon sa tabi ko si Kate at nasa kasarapan pa rin ng pagtulog n'ya. Hindi kaya binangungot na 'to dahil sa horror kagabi?
Kawawa naman! HAHAHAHA!
Tumayo na ako para mag-almusal. Kinuha ko agad ang phone ko at nagbukas ng wi-fi. Gusto ko namang masulit ang Facebook, ngayon ko lang ata naranasan na magkaroon ng ganito.
Pagbukas ko ng Facebook, biglang may nag-pop up na chat head.
Teka, mukha 'to ni Basti a! Lumabas 'yung message n'ya katabi 'nung mukha n'ya.
"Good morning! Have your breakfast."
Ha? Have your breakfast? Ano kita nanay. Hindi ko pinansin 'yung chat n'ya at tumayo na ako sa kama para bumaba.
Ting!
Tumunog ulit 'yung phone ko. Pagkakita ko, nag-chat uli s'ya.
"Reply naman d'yan, inbox zone e!"
Naiinis na talaga ako dito e, wait ibo-bloc—
"Ngayon ka na nga lang naging malaya, pati ba naman feelings mo itatago mo pa rin hanggang ngayon."
Naiisip ko nang i-block s'ya pero biglang rumehistro sa utak ko 'yung sinabi ni Kate. Ano ba naman 'yan! Bakit ba ganito?
Biglang may kung ano sa kamay ko na pumindot ng chat head n'ya. Pinindot ko na 'yung type-an ng message para reply-an.
"O bakit? Kakain pa lang ako." Pagta-type ko. Nagpunta na ako sa kusina para kumain.
"Hello baby, have your breakfast." Bati sa akin ni Mommy. Agad naman akong umupo.
"O tulog pa si Kate?" Pagtatanong sa akin ni Mommy.
Tumango naman ako. Umalis naman si Mommy para kumuha ng makakain. Pagtingin ko sa phone ko, aba may reply na agad.
"Sige, 'wag papagutom." With matching smiley face pa.
Bakit ba ganito umasta 'to? Parang may iba 'tong nakain a.
Pinindot ko na lang 'yung like na emoji na nasa gilid. Pinatay ko na 'yung wi-fi at kumain.
Ilang saglit lang din ay natapos na din akong kumain. Umakyat na ako para gisingin si Kate. Pero habang paakyat ako, binuksan ko na 'yung wi-fi ng phone ko.
"Free ka ba ngayon?" Biglang lumbas ulit 'yung chat head n'ya at nag-pop up 'yung message n'ya. Bakit ba ako kinukilit nito?
Pinindot ko na ulit 'yung type box at nag-type ako ng "I don't have any money value!" Pambabara ko sa kanya.
Nagpatuloy na ako sa pag-akyat para puntahan si Kate. Nang makarating ako sa kwarto, binuksan ko na ito.
Pero pagtingin ko sa kama, wala nang nakahiga. Huh? Nasaan na kaya 'yun?
"BULAGA!"
Isang malakas na sigaw ang narinig ko kasabay ng malakas na sampal ng unan sa likuran ko.
"Ouch!" Sigaw ko.
Pagtingin ko sa likod, si Kate, hinampas ako ng unan at gising na.
"Luh? Ito naman nakabusangot agad." Pagbati sa akin ni Kate. Tuwang-tuwa naman s'ya at halos mamula na katatawa.
BINABASA MO ANG
Daylight Through The Nightfall
Fiksi Penggemar[Wattys 2021 Shortlist] --- There is an old idiom saying that people's life begins at fourties. However, what if your existence is only limited to the legal age and after that - you'll meet the end of your life? Eighteen's Circulatory System Failure...