Epilogue

142 3 0
                                    

AYA'S POV

"Mali ka, itinadhana tayo pero sa panandaliang panahon lang."

Sa buhay natin, may mga bagay na dumadating na nagbibigay sa ating ng iba't ibang pakiramdam.

Mga bagay na magpapasaya sa atin, magpapalungkot sa atin o hindi naman kaya ay magpapakilig sa akin.

Pero totoo, mas mahirap kalimutan ang mga bagay na nagpasakit sa atin. 'Yung mga bagay na nagbigay sa atin ng matinding sakit.

"Mamanatili kang buwan na aking magsisilbing ilaw sa buhay ko! Babaunin ko lahat ng masasaya nating alaala pati na rin ang pagmamahal ko sa'yo!"

Isang kaway ng pamamaalam ang ginawa n'ya at nag-sign s'ya ng rock 'n roll.

"Paalam Aya, mahal ko, hanggang sa sususnod na habang-buhay, mahal na mahal kita!"

Ngumuso s'ya hanggang mailapit n'ya ng todo ang nguso n'ya sa camera at doon-tumigil na ang video.

"Aya, handa ka na ba?" Pagtatanong sa akin ng nanay ko noong pumasok s'ya sa kwarto ko.

Napatingin s'ya sa laptop ko at muling tumingin sa akin. Lumapit s'ya sa kama ko at umupo rin.

"Ilang beses mo na ba 'yang napanood sa loob ng pitong taong nakalipas? Halos araw-araw ata anak a?" Ngumiti ang ina ko pero alam kong hindi 'yun totoo.

"Mom, alam kong dapat ko nang alisin sa isip ko 'yun at tigilan na ang pagluluksa. Pero, parang ang hirap kalimutan ng taong nagmahal sa akin ng tunay Mom!" Sabi ko sa nanay ko at ngumiti.

"Anak, wala akong sinabing kalimutan mo s'ya, ang sinasabi ko-hindi ba't masyado nang matagal para ipagluksa pa s'ya, it's been seven years!" Wika sa akin ng nanay ko.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Missha na halata ang pagkatuwa sa tono ng boses n'ya.

"Best, baka mahuli tayo!" Sabi sa akin ni Missha at hinawakan na ako sa pulso. Sumunod namang pumasok si Ali at lumapit sa amin.

"Babe, baka hindi pa s'ya tapos mag-ayos! Ikaw naman, palibhasa full package ka na!" Sabi sa kanya ni Ali at hinila s'ya papalayo sa akin.

"Okay na 'yan, ikaw naman parang sandali lang ako nawala, miss mo na ako!" Wika ni Missha at niyakap n'ya si Ali.

"Hindi naman!" Sagot ni Ali at naglandian pa sila sa harapan ko, ang sarap sarguhin ng mga mukha.

"Tara na, baka nga mahuli pa tayo!" Tipid akong ngumiti at nauna na akong lumabas ng kwarto ko.

Nasa sasakyan na kami at malayo pa ang byahe. Nakatangla ako sa labas at tinatanaw ang mga naglalakihang establishimento.

"Oo anak, papunta na kami!" Narinig ko na may kausap si Mommy sa telepono. Matapos kong tumingin sa kanya ay ibinaling ko ng muli ang paningin ko sa labas.

Naisip kong kinun ang cellphone ko at agad kong 'tong binuksan. Parang hinahanap ng sistema ko ang pagbabalik-tanaw.

Agad kong binuksan ang gallery ko at pinindot ang folder ng Memories without you!

Naroon, isa-isa kong tiningnan ang mga litrato namin noong eighteenth birthday ko. Ang saya-saya namin. Bawat mga lalaking nakasayaw ko ay may litrato ako lalo na sa aking lakan noong kabing 'yun, ang aking ama.

Hindi naman siguro bago 'yun, ang ama ang maging escort sa debut mo! Hindi naman kailangan na iba, you don't need to be banality.

Matapos ang mga debut pictures ko ay 'yung graduation pictures ko. Halos lahat ng litrato ay kasama ko sila Missha, Ali, Shannara, Timothy, at Roberta. Kita sa mukha naman na nabawi lahat ng pagod sa buong Senior High life.

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon