28 | Know Thy Discretion

76 5 0
                                    

AYA'S POV

"Kailangan pa ba nating talagang pumunta doon, baka wala namang kwenta ang sasabihin nila!" Pagmamaktol ni Missha habang naglalakad kami papuntang auditorium.

"Alangan! Meeting nga e, general meeting na mukhang mahalaga naman talaga ang sasabihin." Pagpapaliwanag ko kay Missha.

Actually, alas-otso pa lang ng Wednesday ng umaga ay tirik na ang araw. Hindi pa s'ya nagdala ng payong kaya ito kami, naglalakad sa kainitan.

Todo takip kami ng sarili naming palad sa bunbunan namin, as if naman na hindi kami matagusan ng araw. Biglang nagkaroon ng lilim sa amin at nakita ko na natakluban kami ng payong ni Missha.

"Next time, bring your umbrella so you don't need to use your palm." Turan ni Timothy na pinayungan pala kami kaya nawala ang sinag ng araw sa amin.

"Salamat! Ito kasing si Missha, hindi dinala 'yung payong n'ya, iniwan sa bahay!" Pagpapaliwanag ko naman. Napa-ismid na lang si Missha.

"I'm you're mighty savior!" Masayang bati ni Timothy. Tumawa naman kaming tatlo.

Pagdating namin sa auditorium ay marami ng estuyante ang naka-upo sa monoblock chairs. Naghanap kaming tatlo ng upuan at nakakita kami ng upuan sa may bandang unahan.

"Uy, hinahanap mo si Basti 'no?" Pagtatanong ni Missha nang mapansin na sumisipat-sipat ako sa paligid.

"Huh? Hindi a!" Pagtanggi ko. Umukit naman sa mukha ni Missha ang nakakalokong ngiti. Halatang niloloko na naman n'ya ako.

Hindi ko na s'ya pinansin at nauna nang umupo si Timothy mula sa dulo. Sinundan ko naman s'ya at tumabi sa akin si Missha na nakakaloko pa rin 'yung ngiti.

Nakita ko na sa may stage si Ali. Hindi naman n'ya ako napansin dahil abala s'ya sa unahan at sa gitna din kami nakupo.

Hindi din naman ako makakibo dito dahil katabi ko si Timothy. I have that feeling when I am close to him. Parang napakasikip ng paligid. I know, mabait at masiyahin s'yang tao, pero may percent lang sa akin na parang uncomfortable kapag katabi s'ya.

"Aya, can I ask you something?" Pagtatanong sa akin ni Timothy. Napatingin naman ako sa kanya.

"Yah, ano 'yun?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Pwede bang 'wag ka munang—O, nevermind!" Hindi n'ya tinapos 'yung sasabihin n'ya. Nagulat naman ako dahil hindi n'ya tinapos 'yung sasabihin n'ya.

"Ano nga 'yun? Isa!" Utos ko sa kanya. Natatawa na lang s'ya at mukhang nahihiya pa.

"Just don't mind it." He said then he giggles.

"Luh? Ano nga, bakit nga ano ba 'yung sasabihin mo?" Pangngulit ko sa kanya.

"I'm afraid to tell you, ganyan ka din dati e, when we where grade five, I told you that I made pee on my shorts and then you said it loudly so our classmates tease me!" Natatawa n'yang pagkukwento. Shocks! Tanda n'ya pa pala 'yung nangyari noong grade five kami.

"Hala! Kainaman, tanda mo pa 'yun!" Medyo nahihiya kong tanong. Ang clumsy ko talaga noong araw na 'yun.

"Hoy, sinabi ko naman sa'yo a, na-shock lang ako kaya nasabi ko ng malakas." Pagpapaliwanag ko. Natatawa naman s'ya na animo'y hindi naniniwala.

Tinatawanan n'ya lang ako at dahil doon, hinampas ko s'ya ng marahan sa braso. Pero wala, tumatawa lang s'ya.

"E ba't ikaw, sinabi mo kay Alfread na crush ko s'ya kahit si Missha naman talaga ang may crush doon!" Pag-sisisi ko ulit ko sa kanya.

Nagulat naman ang mukha n'ya at sa tingin ko, naaalala n'ya pa 'yun.

"Oh, but Missha said that you're the one who has crush on him." Pagtatanggol ni Timothy sa sarili n'ya.

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon