21 | He's Back

65 4 0
                                    

AYA'S POV

"Good morning!" Isang masaya kong bati sa sarili ko ng magising ako. Nakaupo na ako sa kama ko at natatamaan na ako ng sinag ng araw na tumatagos sa salamin na pinto ng kwarto kung nasaan ang veranda.

Agad akong tumayo at binuksan ang sliding door kong pinto. Grabe! Ang aga pa lang, nag-exert na agad ako ng malakas na force, Shocks! Pagdungaw ko sa labas ay nakita ko si Mia na nasa garden at nag-didilig. Morning person talaga ako kaya ang sasaya-saya ko talaga kapag umaga.

"Ay, good morning ganda!" Masayang bati sa akin ni Mia nang mapatingin s'ya sa taas ng veranda. Ngumiti lang ako sa kanya at binati s'ya pabalik.

"O, ikaw ay maligo na at for sure, nandito na mamaya si Basti para sunduin ka na naman." Sabi sa akin ni Mia. Bigla tuloy akong natauhan—oo nga pala, sinusundo na ako ni Basti palagi. Nag-paalam na ako sa kanya at agad akong pumasok. Napadaan ako sa calendar na nasa kwarto ko.

"276 days!" Walang gana kong sambit sa sarili ko. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Sa t'wing titingin ako sa petsa, lagi na lang bumubigat ang loob ko lalo na at binibilang ko 'to. Gustong kumawala ng mga luha ko pero pilit ko 'tong pinigilan. Ayokong umiyak dahil dito, hindi pa ba ako nasanay. I've used to it.

Pero bigla namang parang lumiwanag ang kaninang kumulilim na puso ko nang maalala ko na halos tatlong linggo na ring nanliligaw sa akin si Basti. Wew! Sa true lang, parang ang haba-haba ng hair ko sa t'wing may ginagawa sa akin si Basti—parang ang pangit namang pakinggan—I mean sa t'wing laging may ginagawa s'yang unexpected. At ewan ko ba sa lalaking 'yun, sa t'wing kasama ko si Timothy kung makaasta akala mo sinagot ko na s'ya.

Kaya naman na naalala ko na susunduin nga ako ni Basti ay agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Ewan ko ba, iba talaga ang nagagawa ng in love, 'yung mga bagay na hindi mo nakasanayan e nagagawa mo na lang out of nowhere. Dati, hindi naman ako naglalagay ng foundation, lip tint at kahit mag-curl ng eyelashes hindi ko naman ginagawa pero simula noong biglang dumating 'tong lalaking 'to sa buhay ko, parang bigla ko na lang 'tong ginagawa.

"Aya, nandyan na s'ya!" Isang matinis na sigaw ni Mia na kahit nakasara ang pinto ko ay alam kong s'ya 'yun at tagos na tagos sa pinto ko.

Agad ko nang inilagay sa shoulder bag ko 'yung pambaliktad ng kilay tsaka naglakad palabas ng pinto. Inayos ko muna 'yung neck tie ko bago ko pihitin ang doorknob ng pinto. Nagulat naman ako at masayang nakatayo sa si Mia sa tapat ng kwarto ko. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay at naglakad na ako pababa. Naabutan ko sa baba si Mommy na naglalagay ng pagkain sa lamesa katulong ang ibang kasambahay. Lumapit ako kay Mommy at nag-beso.

"Mommy, aalis na po ako." Sabi ko kay Mommy at ngumiti. Tumango lang si Mommy.

"O, nandyan na ba 'yung jowa mo?" Sabi ni Mommy at talaga namang madiin ang pagkakasabi n'ya sa jowa na word.

"Sus, si Mommy, ma-issue! Aalis na ako." Sabi ko kay Mommy at ngumiti. Pero bago ako tumalikod ay napatingin ako sa mga mata ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit biglang rumehistro ang mga linyang nag-papagulo sa isip ko noong isang araw pa.

"Pinapaalala ko lang sa'yo anak a! You will only have one year to live—Hindi permanente ang sayang nararamdaman mo ngayon."

Ewan ko ba pero parang biglang pumasok na lang sa utak ko ang mga sinabi ni Mommy noong araw na umuwi ako galing sa gala kasama si Basti. Patuloy pa rin akong binabagabag noon simula noong maalala ko 'yun.

Ngayon, mas naguguluhan ako kung dapat ko pa bang hayaan ang nararamdaman ko lalo na ang panliligaw ni Basti o itigil na lang 'to dahil alam ko namang masasaktan ako. Na ang lahat ng ito ay ipinahiram lang sa akin at ilang saglit lang ay babawiin na din 'to.

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon