13 | Count On Him

85 3 0
                                    

AYA'S POV

8, 040 hours, 335 days!

'Yan na lang ang mga oras at araw na natitira sa akin. At isang buwan na din ang nakalipas nang makilala ko si Basti sa isang hindi inaasahang pangyayari.

Who knows na pwede pa lang maging kaibigan ang isang stranger. Hindi ko alam pero bakit ba ako nakipag-kaibigan kay Mokong e!

Thursday ngayon at bukas ay Friday na! Bukod sa last day na 'yun ng weekdays e uuwi din si Kate bukas. Hay naku, sa t'wing tatawag s'ya, lagi n'ya na lang ako kinukulit about kay Basti. Kung okay na daw kami? Kami na ba? Ano ng status namin? Jusko! Gusto n'ya talaga kami para sa isa't isa.

Sa sobrang tagal kong naka-tunganga dito sa upuan ko dahil mukhang hindi ata papasok ang next subject teacher namin. nakatingin lang ako sa librong binili ko 'nung linggo pa na hanggang ngayon ay hindi ko pa tapos basahin. At hindi din naman ako makapag-basa dahil sobrang ingay naman dito sa room. Bigla na lang may kumalabit sa likuran ko.

"Hello Misis ko!" Nakangiting bati ni Basti sa akin. Nakaupo si Basti sa upuan na nasa likod ko. Huh, Misis? Simula nang ikasal kami 'dun sa marriage booth, 'pag nati-tripan n'ya na tawagin akong misis, tatawagin n'ya ako. Tinaasan ko s'ya ng kilay.

"O, bakit?" Pagtatanong ko sa kanya. Nakangiti lang s'ya sa akin at nakatitig. Bigla n'yang pinagpatong ang dalawa n'yang  braso at ipinatong 'dun ang mukha n'ya tsaka ipinatong ito sa sandalan ng upuan ko. Bigla n'yang kinurap ang mga mata n'ya.

Nagpapa-cute ba s'ya? Para s'yang ewan e! Napapangiti na ako pero best, kalma lang! 'Wag kang magpadala sa pagpapa-cute nito. Bigla s'yang tumigil sa pagkukurap ng mata at—ngumuso s'ya!

Pereng tenge! Ano ba naman 'yang ginagawa n'ya at ayaw n'yang tumigil? Konti na lang, magtatatalon na ako dito. Bigla kong sinapo ng palad ko ang mukha n'ya at inilayo iyon sa sandalan ng upuan ko.

"Alam mo Basti, kung wala kang magawa, 'wag mo akong bwisitin!" Pagsusungit ko sa kanya. Nagsungit na lang ako para hindi n'ya mahalata na—oo na! Kinikilig na ako.

"Sungit e, tara, jack 'n poy!" Natatawa n'yang sagot sa akin. Tingnan mo, sa sobrang bored n'ya, naisip ba namang maglaro ng pambata?

"Guys, si Ma'am! Dali, ayos-ayos!" Bigla sigaw 'nung isa kong kaklase. Dahil sa sigaw n'ya, agad kaming nag-ayos ng upuan at inayos ang mga sarili namin. Bumalik naman si Basti sa tabi kong upuan. Kung saan-saan na lang 'to napunta e.

Ilang saglit lang ay pumasok na din si Mrs. Beethoven, teacher namin sa Oral Communication. Daming pagawa n'an e. Inilagay n'ya na ang mga gamit n'ya sa lamesa.

"Good morning everyone!" Bati n'ya sa amin at sumenyas s'ya na 'wag na kaming bumati pabalik. Kaya wala nang nag-abalang tumayo sa klase.

"I would glad to say na i-announce sa inyo na magkakaroon tayo ng stage play!" Nakangiting bati ni Mrs. Beethoven.

Dahil sa sinabi n'ya, 'yung mga kaklase ko, lalo na 'yung mga babae ay tuwang-tuwa sa nalaman nilang stage play. Actually, fan naman talaga ako ng mga stage play kahit sa YouTube lang ako nanonood ng Les Miserable, mga fairytale stories that was made as stage play.

"And the Senior High School Department was the assigned to make this stage play." Dagdag pa ni Ma'am.

Mas lalong natuwa ang mga babae at syempre, medyo bored 'yung mga kalalakihan, 'yung iba naman, walang reaksyon.

"And guess what kung anong kwento ang ie-stage play natin?" Sunod na sabi pa ni Ma'am. Sa dami ng alam kong kwento, marami na din akong alam na kwento, at siguro ang kwentong gagawain namin ay—

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon