23 | Lisianthus

52 4 0
                                    

AYA'S POV

Paglabas namin ni Timothy ay nagtungo kami sa Secret Garden. Kung dati, ang ganda ng tingin ko dito pero ngayon, medyo ilang na para sa akin ang lugar na 'to. Parang bumalik sa akin 'yung pagkabaril kay Basti.

Hawak-hawak ko pa rin ang bulaklak na binigay sa akin ni Timothy. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong klaseng bulaklak 'to. Lavander 'yung kulay n'ya at nakalagay sa maganda at mukhang mamahaling papel na naka-cone shape.

"How about Basti, is he okay now?" Bigla na lang nagsalita si Timothy. Napatingin naman ako sa kanya pero nakatapon ang tingin niya diretso sa nilalakaran namin.

"A, okay lang s'ya, bullet graze lang ang natamo n'ya mula doon sa bumaril." Pagpapaliwanag ko kay Timothy. Napatango lang s'ya at tumingin sa akin.

"Mabuti naman, sorry pala hindi na ako nakasunod sa hospital due to my schedule." Pagpapaliwanag ni Timothy. Sinabi ko naman na Okay lang at ngumiti.

Napadako naman ang tingin namin sa isang bench na lagi naming inuupuan ni Basti. Niyaya n'ya ako na umupo doon at naglakad na kami papunta sa bench.

"Lisianthus. They said that when you give that flower to someone, it means that you're greatful on having them." Pagpapaliwanag ni Timothy ng makaupo kami. Napatingin naman ako sa flower bago tumingin kay Timothy.

"That flower blooms annually and it only last for couple of weeks when they cut from the stem so that's why it's expensive." Pagpapatuloy ni Timothy. Gosh! Mahal pala na bulaklak 'to.

"I ordered it on the exclusive flower shop that's organizing wide events. I hope you will love it." Turan ulit ni Timothy. Ngiti lang ang isinukli ko sa kanya at tango.

"Salamat pala dito at sorry din kung naiwan ko 'yung bulaklak na ibinigay mo sa akin. Hindi ko na 'yun napahalagahan gawa nang nangyari kay Basti kahapon." Pagpapaliwanag ko kay Timothy.

"Tsaka, thank you din sa paghatid sa bahay namin noong nahimatay ako. Sabi sa akin ni Mommy, ikaw daw ang naghatid sa akin." Dagdag ko pa. Ngumiti lang sa akin si Timothy at tumango.

"It's okay if you didn't get the flower I gave. Tsaka okay lang sa akin na ihatid kita sa bahay mo. Natuwa nga si Tita at dumalaw ako sa bahay n'yo." Nagulat naman ako at tinawag n'yang Tita si Mommy. Well, close na naman sila dati pa.

"But Aya, I gave you that flower because I want to say something. My concern is not about the price or the history of that flower thus you are my concern." Malambing na sabi sa akin ni Timothy. Hinawakan n'ya ang mga kamay ko.

"Aya, alam kong may nauna nang manligaw sa'yo. I know that Basti is courting you for these past few weeks. Pero hindi ba't ligaw lang naman 'yun?" Alam kong sa tono pa lang ng pananalita ni Timothy, may gusto na s'yang tumbukin. Hindi ako sumasagot at ayaw kong pangunahan s'ya sa lahat ng sasabihin n'ya.

"I know that I am too late for this, but Aya—can I also court you?" Tahasang sabi ni Timothy na diretsong-diretsong nakatingin sa mga mata ko. Napalunok na lang ako dahil sa sinabi n'ya sa akin. Wala s'yang kaabog-abog sa pagsasabi.

Halos ma-windang ako sa sinabi ni Timothy. Ganito ba talaga s'ya ka-expressive? Napatungo na lang ako dahil naiilang ako na tumingin sa kanya. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa mga sinasabi n'ya.

"Pero parang ang pangit naman kung magpapaligaw ako sa dalawang lalaki?" Sabi ko kay Timothy pero nakatingin pa rin ako sa baba. Hinawakan ni Timothy ang baba ko at pinatunghay ako.

"No, it's not bad! Ang masama at pangit, 'yung may karelasyon na pero nagpapaligaw pa rin sa iba. In your case, nililigawan ka pa lang naman ni Basti. At kung sakaling magpaligaw ka sa akin, you're only letting another option of love to come on your way." Pagpapaliwanag ni Timothy sa akin. Sa bagay, may point naman si Timothy sa sinasabi n'ya sa akin. Nagpapaligaw pa lang naman ako at wala namang masama kung magpaligaw ako.

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon