30 | Dilemma

69 5 0
                                    

AYA'S POV

"Would you like to dance with me, lady?" Biglang may boses na nagsalita sa gilid ko.

Tumingin muna ako sa kamay na nakalahad sa kanang gilid ko.

Dug!Dug!
Dug!Dug!

This feeling! Itong pakiramdam na sa isang tao ko lang naramdaman. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at nakita ko kung sino ang taong nasa gilid ko.

Ang taong hindi ko inaasahang pumunta—si Basti.

"Akala ko hin—"

"Shh! Yes or no?" May sasabihin pa sana ako pero pinigilan na ako ni Basti. Tumango na lang ako.

Grabe, hindi ko agad s'ya nakilala. Ibang-iba ang Basti na nakikita ko ngayon at nakatayo sa harapan ko.

Nakasuot s'ya ng royal blue na coat. Take note, hindi lang basta coat, ang suot n'yang coat ay 'yung parang sa mga fairytale, 'yung pang-royal. 'Yung may badge pa sa gilid. Para s'yang 'yung bida sa Barbie cartoons, 'yung mga Prince doon.

Then his hair, naka-brush up 'yung buhok n'ya at kulay gray pa! Hanep, tapos nakasuot s'ya ng brown na contact lens. Shocks, ang gwapo ni Basti.

Kinuha ko ang palad n'ya at tinayo n'ya ako. Nakatulala pa rin ako sa ka-gwapuhan n'ya. Halos hindi ko s'ya makilala. Para s'yang royal blood, mga Dutch ang aura n'ya ngayon.

Hinawakan n'ya na ang bewang ko at hinawakan n'ya ang kaliwang kamay ko at itinaas na ito. Hahawakan ko na sana 'yung balikat n'ya pero kinuha n'ya ang kanang kamay ko at inilagay ito sa kanang dibdib n'ya.

"Misis ko, I'm your husband so don't be uncertain in holding my chest!" Sabi ni Basti na British accent.

"I am not floozy woman, Mister ko!" Sabi ko naman sa kanya. Nanlaki naman ang mata n'yang kulay brown ngayon.

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik

"Tama ba 'yung narinig ko, tinawag mo akong Mister?" Pagtatanong sa akin ni Basti. Patuloy lang kaming umiindayog sa kanta habang nag-uusap.

"Yes, you heard it right, Mister ko!" Malambing kong boses.

Shocks, imbes na ang gusto kong mangyari ay s'ya ang kiligin pero mukhang ako pa yata ang mas kinikilig e.

"Now you are calling me, Mister ko! Samantalang dati, ayaw mo." Pagmamaktol n'ya.

"Wala lang, para kasing ang ganda mo lang tawaging Mister ngayong gabi." Masaya kong wika.

"Sana hindi lang ngayong gabi." Sabi n'ya sa akin.

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin

Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid

Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib

"My lady, I just want to inform you that you're the worst at all of the women here this night." Seryosong wika ni Basti. Na-concious naman ako dahil sa sinabi n'ya kaya napakunot ang noo ko.

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon