20 | Turn Of Fate

76 5 0
                                    

AYA'S POV

Malapit ng mag-six ng gabi at ito ako ngayon, hila-hila ni Basti sa kung saan. Grabe naman si Timothy, umuwi man lang ng hindi nag-papaalam. May tampo kaya 'yun sa akin? Tanungin ko na nga lang sa Lunes. Sabi ni Basti, nag-paalam na lang sa kanya na uuwi na pero sa akin hindi, hays!

Hindi ko alam pero hindi ganun kadami ang tao ngayon dito. Expected ko kasi marami dahil din sa mga kinu-kwento ng mga kaklase ko dati. But now, hindi ganun kadami. Hindi naman Friday the 13 ngayon.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Pagtatanong ko kay Basti habang hila-hila pa rin ako sa kung saan. Hawak n'ya ang kanang pulso ko at nauuna s'yang maglakad. Tiningnan n'ya ako at ngumiti s'ya.

"Basta, gusto ko mag-relax ka lang!" Isang malambing na sabi n'ya. Huh? Relax, e halos mabanat na nga 'yung kamay ko dahil sa hila n'ya sa akin.

Ilang saglit lang ay inihinto ako ni Basti. Tumingin s'ya sa akin at nakangiti. Bigla na lang kaming tumigil sa isang gilid. Humarap na s'ya sa akin at magkaharapan na kami.

"Ano ang tawag sa saging na nakatuhog sa stick?" Pagtatanong sa akin ni Basti. Luh? Nakuha n'ya pa talagang mag-joke ngayon?

"Banana que?" Isinagot ko na sa kanya 'yun kahit hindi ko sure. Mukha kasing kalokohan ang sagot sa tanong ng taong 'to.

"Tama!" Ang saya-saya naman n'ya dahil nasagot ko 'yung tanong n'ya. Jusko, banana que lang naman 'yung sagot ko.

"E ano naman 'yung tawag sa baboy na nakatuhog sa stick?" Pagtatanong sa akin ni Basti. Ito na naman may follow-up question pa s'ya.

"Gutom ka na ba?" Pagtatanong ko sa kanya. Napasimangot naman s'ya at ipinadyak ang kanan paa n'ya na parang bata.

"Ugh! Dali na, sagutin mo na!" Sabi n'ya sa akin at nag-mamakaawa na parang bata. I chuckled dahil sa ginagawa n'ya.

"Oo na, oo na! Barbeque?" Nag-aalangang sagot ko kay Basti. Napangiti naman s'ya sa akin at tumango.

"Ito last na, ano ang tawag sa kabayong nakatuhog sa stick?" Pagtatanong ulit sa akin ni Basti. Ngayon ay mas lalo akong nagtaka? Kabayo na nakatuhog sa stick?

"Kabayo? Sirit na, ang hirap, parang wala naman!" Sagot ko naman kay Basti. Napataas naman ang kilay ni Basti.

"Dali na, just a guess!" Sabi sa akin ni Basti. A, talagang makulit ang isang 'to a!

"Uhmm—Kabayo Que?" Natatawa kong sagot sa kanya. Natawa naman din s'ya dahil sa sagot at kahit ako din ay natawa. Umiling naman s'ya habang natatawa.

"Sirit na?" Pagtatanong n'ya ulit at tumango na lang ako. Natatawa na s'ya at alam kong mukha 'tong kalokohan.

"E 'di—Carousel!" Isang masigla n'yang sagot at sabay turo sa carousel na nasa harapan namin. Ayun, hindi ko napansin na nakatigil kami sa tapat ng carousel. Jusko, carousel lang pala!

"Tatawa na ako?" Sarcastic kong tanong sa kanya. Nginitian n'ya lang ako at alam kong na-corny-an din s'ya sa joke n'ya. Baduy!

Masaya s'yang nakatingin sa akin at hinawakan ang kaliwang pulso ko. Hinila n'ya ako medyo papalapit sa carousel. Ang sasaya ng mga batang nakasakay sa carousel ng makalapit kami.

"You know what? Ang sasaya ko talaga 'pag nakakakita ako ng carousel." Biglang nagsalita si Basti pero patuloy pa rin s'yang nakatingin sa carousel.

"Natatandaan ko pa, umiiyak pa ako noon 'pag napunta kami ng amusement park then hindi ako papayagan ni Dad. Pero syempre, malakas ako kay Mom kaya s'ya na ang bahala kay Dad at nakakasakay ako." Masayang pagku-kwento n'ya habang nakatingin lang sa naikot na carousel.

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon