24 | Rock 'N Roll

54 4 0
                                    

AYA'S POV

"Look what all you did Mr. Allen!" Isang malakas na hiyaw ni Ms. Antipara pagkatapos n'yang pumukpok sa table n'ya.

Kagagaling lang namin dito kanina pero nandito na naman kami ni Basti at kasama namin si Timothy. Pagkatapos akong hilahin ni Basti mula doon sa kaguluhan kanina, dinala n'ya ako sa Secret Garden. Nag-sorry s'ya na hinila n'ya ako papalayo doon. Ayaw n'ya din daw akong ma-pressure na sagutin ang tanong ni hilaw.

At ayun, simula noong makarating kay Ms. Antipara, pinatawag si Timothy at Basti pero dahil ako ang dahilan kung bakit nila nagawa 'yun, sumama din ako kay Basti.

Ito na ngayon ang set-up namin, nasa right chair sa may unahan ng table ni Ms. Antipara si Basti at sa kabila naman si Timothy at ako ay umupo lang doon sa may couch sa gilid.

"At ikaw Mr. Natividad, sumali ka pa!" Banggit ulit ni Ms. Antipara. Hindi s'ya nakaupo sa upuan n'ya at nakatayo lang s'ya habang pinapagalitan 'yung dalawa.

"Wala akong tutol sa mga pa-surprise at panliligaw n'yo, pero sana naman, don't do that in class hours! Tsaka nagkalat pa kayo!" Sermon ulit ni Ms. Antipara. Walang gustong mag-protesta sa kanilang dalawa at nakikinig lang sila.

"So now, even your family name is public figure, I need you to face the consequences so we will avoid the bias for everyone." Mas huminahon na ang boses ni Ms. Antipara kumpara kanina na mukhang dragon na nagbubuga ng apoy.

Nanlaki naman ang mata ng dalawa dahil sa sinabi ni Ms. Antipara. Para silang binuhusan ng malamig na tubig.

"Kalokohan pa more!" Sarcastic na sabi ni Ms. Antipara. Napadako ang tingin n'ya sa akin at may sarkastikong tingin sa akin.

"Ms. Buenavidez, you're so lucky at now, pwedeng-pwede ka nang magmaganda." Natatawang wika ni Ms. Antipara. Huh? Ano bang sinasabi n'ya?

"For your punishment—you need to clean the whole university right now, at walang kailangang malinis n'yo ng maayos!"

Halos malaglag ang panga ng dalawa nang marinig nila si Ms. Antipara na nagpataw ng punishment sa kanila. Pero bigla akong nag-alala kay Basti. Hindi pa ganung gumagaling 'yung sugat n'ya then maglilinis s'ya?

"So, you can now get out to my office and go to the janitors' ward and ge—"

"No Ms. Antipara, ako na lang po ang gagawa ng ipinagagawa n'yo kay Basti, he can't still do that." Matapang na pagsagot ko kay Ms. Antipara dahilan para mapatayo ako sa kinauupuan ko. Matalim na tumama ang tingin ni Ms. Antipara sa akin.

"A modern hero, huh? Well, baka naman sabihin n'yo na wala akong consideration, sige kung—"

"No Ma'am, ako ang gagawa, don't give the punishment to Aya!" Basti protested. Lahat naman kami ngayon ay nakatingin sa kanya.

"Hindi! You don't need to suffer nor Aya, ako na lang, I can do that." Pagpigil naman ni Timothy sa amin.

"Ano ba kayo? Ako ang dahilan kung bakit n'yo ginawa 'yun, I am the one who deserve with that punishment!"

"STOP!" Isang malakas na sigaw ni Ms. Antipara kasabay nang hampas sa table n'ya.

"Magdesisyon na kayo. I don't need unconscious desicions." Dagdag pa ni Ms. Antipara. Ngayon ay lumapit na ako sa kanila para magkaintindihan na kami.

Nagtitigan lang kaming tatlo na para bang nasa mga mukha namin ang sagot. Napahinga na lang ako ng malalim bago tumingin kay Ms. Antipara.

"O 'di ba, dito din tayo babagsak." Sabi ko na lang sa kawalan habang winawalis ang mga dahon na hindi maubos-ubos gamit ang tambo na may stick na mahaba.

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon