AYA'S POV
Ngayon ay na-byahe na kami ni Basti papuntang amusement park. Nakita ko naman na tahimik lang s'ya sa pag-mamaneho. Galit kaya 'to?
"Basti!" Tawag ko sa kanya. Sumulyap lang s'ya sa akin at tumingin na s'yang muli sa daan.
"Bakit Aya?" Pagtatanong n'ya sa akin. Seryoso naman s'yang nag-mamaneho.
"Galit ka ba?" Pagtatanong ko sa kanya. Nakuha ko naman ang atensyon n'ya at tumingin s'ya sa akin.
"Huh? Bakit naman ako magagalit sa'yo?" Natatawa n'yang sagot sa akin.
"E kasi, hinayaan kong sumama dito si Timothy sa gala natin e!" Pagpapaliwanag ko sa kanya. Tumingin s'yang muli sa akin.
"Sus, ano ka ba? Alam ko namang ginawa mo 'yun kasi gusto mo kaming magkasundo ni Timothy e. Okay lang sa akin!" Sagot n'ya sa akin. Papalit-palit naman ang tingin n'ya, sa daan tapos babalik sa akin.
"Sure ka?" Pagtatanong ko pang muli. Tumingin muli s'ya sa daan at ngumiti.
"Oo nga, para sa Misis ko, okay lang sa akin." Sabi n'ya pa at ngumisi ulit s'ya. Hinawakan ko 'yung tissue box na nasa kotse n'ya at ibinato ko 'yun sa kanya.
"Ayan! Feeling ka na naman! Misis." Medyo bwiset kong sagot sa kanya. Wala na s'yang isinagot at tumawa na lang s'ya. May matching palo pa sa hita n'ya. Aba! Tuwang-tuwa akong asarin, tsk!
Halos isang oras din mula Bulacan ay nakarating din kami dito sa amusement park. Isa 'tong sikat na amusement park na located sa Sta. Rosa, Laguna. Pagdating namin ay sumalubong agad sa amin ang isang malaking violet na magical creature na nakalagay sa gitna ng amusement park. Dati sa picture ko lang nakikita 'to pero ngayon, malapit na ako sa kanya.
Pagbaba namin sa kotse ay agad ako nagpunta sa harapan, tuwang-tuwa talaga ako nang makita ko s'ya ng malapitan.
"Gusto mo picturan kita?" Pagtatanong sa akin ni Basti. Tumango na lang ako at kinuha n'ya ang Instax n'ya.
"O, 'wag kang malikot, sayang film!" Sabi n'ya sa akin at tumawa s'ya. Tumabi naman ako kay Eldar The Wizard. Agad akong nag-smile at nag-peace sign.
"One, two, three!" Pagbibilang ni Basti at nag-captured na s'ya. Ilang saglit lang ay lumabas na 'yung polaroid at ipinaypay n'ya na nang marahan.
"Ang cute mo dito!" Sabi sa akin ni Basti at inabot n'ya sa akin 'yung polaroid. Nang kinuha ko naman 'yung polaroid tuwang-tuwa naman ako kasi ang ganda ng shoot ni Basti.
"Alam ko namang cute ako, matagal na!" Sabi ko kay Basti at nginitian ko s'ya ng nakaka-loko.
"O, so papasok na tayo?" Pagtatanong ni Timothy na kanina pa pala nasa likod namin.
"A, wait lang—" Sabi ni Basti at iniabot n'ya ang polaroid camera kay Timothy. Nagtataka naman si Timothy kung bakit inabot sa kanya 'yung camera.
"Picturan mo kami a, salamat!" Sabi ni Basti at hinawakn n'ya ako sa kaliwang pulso ko at hinila papalapit ulit kay Eldar The Wizard. Mukha namang gigil si Timothy pero hindi n'ya lang pinapahalata.
"Okay, one, two, three!" Sabi ni Timothy at clinick n'ya na 'yung button. Ilang saglit lang din ay lumabas na ang polaroid at kinuha 'yun ni Basti.
"Ang cute natin dito." Sabi sa akin ni Basti at tiningnan ko naman 'yung picture. Oo nga, ang cute. Nasa kanan ni Eldar The Wizard si Basti at ako naman nasa kanan. Tapos wala lang, nakangiti lang kami doon.
"Basti, can you take us—"
"Baka kasi maubos na 'yung film." Sagot naman ni Basti kaya hindi na natapos ni Timothy 'yung sasabihin n'ya.
BINABASA MO ANG
Daylight Through The Nightfall
Fanfiction[Wattys 2021 Shortlist] --- There is an old idiom saying that people's life begins at fourties. However, what if your existence is only limited to the legal age and after that - you'll meet the end of your life? Eighteen's Circulatory System Failure...