AYA'S POV
"We are doing this activity para malaman natin ang inyong pinagmulan. We are tracking the foremost in your life." Pagpapaliwanag ni Prof. Alvaro.
Ngayon ay katatapos lang ng activity namin sa Understanding Culture, Society, and Politics. 'Yung activity na about sa family which is ipapaliwanag mo 'yung lolo at lola mo sa both parents side hanggang sa henerasyon namin. Tapos pinaggawa pa kami ng genogram. Sus, as if naman, gusto lang ata nitong chumismis ng buhay namin.
"Based sa mga narinig ko sa inyo, mas mukhang nakilala ko kayo ng malalim." Pagpapatuloy ng Prof. Alvaro
Tsk! You know them better except me. Only one-fourth pa lang ang nalalaman mo sa buhay ko. Sabi din kasi sa activity, you need to tell something about your personal life. Nagsabi naman ako, except in one thing in my life, my disease.
Yes! Meron akong sakit na kung tawagin ay Eighteen's Circulatory System Failure Disease o mas kilala sa tawag na E-Disease.
Sa buong mundo, .3 sa bawat 10 na ipinapanganak lamang ang nagkakaroon ng ganitong sakit. Nagkakaroon lamang ng sakit na ganito ang isang tao dahil sa pagkakaroon ng isang rare type of blood. My blood is not within the blood na alam natin. My blood is a very rare type which is blood -Pd.
First na nagkaroon ng ganitong case ng blood type sa Macedonia in Europe, and the scientists there are still conducting further research kung saan at paano ba nagkaroon ng ganito.
Wala kang makikitang sintomas o komplikasyon sa isang taong mayroon nito. Pero pagdating ng mga taong ganito sa edad na 18 years old, ang kanilang puso ay hindi na magfa-function at sila'y mamamatay.
Dahil ang dugo namin ay 'di normal, 'di rin normal ang aming puso. We have heart that can only function with the blood -Pd. Kahit pa palitan ng blood ang katawan ko, I will just die because hindi ito tatanggapin ng puso ko. Pinag-aaralan pa sa bansang Macedonia kung bakit at saan nagmula ito.
Pero ang initial report na natanggap namin mula sa doctor ko mula sa Macedonia na kasama sa research ay may specific lamang na life span ang puso ng mga kagaya kong may E-Disease at ang range lang ng life span ng heart namin ay hanggang 18 years old. So it means, hanggang edad na 18 lang life ng heart namin at ang pag-function ng dugo rito at mamamatay na kami.
Pero sabi ng mga doktor tungkol sa kaso na ito, hindi pa rin maipaliwanag ang pinagmulan ng sakit na ito at hindi ito sakit na namamana mula sa magulang. Sa ngayon, patuloy nilang pinag-aaralan ang pinagmulan ng sakit na ito.
"So class, we're done for today!" Prof. Alavaro said and lumabas na s'ya. Agad namang nag-tayuan ang mga kaklase ko at 'yung iba ay lumabas na.
"Tara na Best! Punta na tayong canteen." Pag-aanyaya sa akin ni Missha. Si Missha na ang naging bestfriend ko since elementary pa lang kami.
Nakilala ko s'ya 'nung grade three pa lang kami. At sa isa lang s'ya kaunting tao na nakakaalam ng kondisyon ko.
I don't want to tell my case to anyone kasi ayokong kaawaan nila ako at hindi kaya ay mas ma-attached pa sila sa akin. Kaya din siguro binuhay ako ng mga magulang na layo sa mga tao.
Yes! They make my life revolve in a small world. School then bahay and repeat! 'Yun lang ang naging buhay ko simula pa lang 'nung magkamuwang ako.
They taught me that If you know that a thing has a limitation, why will you go to its limit if you know that you will hurt if it's gone. Hindi sila naniniwala sa Live your life to the fullest!
Ngayon ay naglalakad na kami ni Missha papuntang cafeteria. Pagpunta namin sa cafeteria ay agad kaming naghanap ng lamesa namin.
"O best, ako na lang ang bibili." Sabi ni Missha 'pag upo namin sa upuan. I just nodded.
"Sige best! Kung ano na lang 'yung sa'yo, ganun na lang din sa akin." I answered. Tinatamad akong mag-isip ng kakainin.
Agad na umalis si Missha at naiwan naman akong mag-isa sa lamesa. Pinunasan ko naman ang bibig ko gamit ang panyo ko at ipinatong ito sa lamesa.
Ilang saglit lang ay dumating na si Missha na may dalang dalawang sandwich at dalawang apple juice.
"Bet mo?" Pagtatanong ni Missha. Tumango naman ako. Ilang minuto din kaming nag-usap about anything. Biglang napa-tingin sa wrist watch si Missha.
"Best, anong oras ang time ng General Mathematics?" Pagtatanong ni Missha.
"10:30, bakit?" Pagtatanong ko.
"Best! Time na ng General Mathematics!" Sigaw ni Missha.
Agad ko namang kinuha ang bag ko at tumayo na. Ganun din naman si Missha. Agad kaming kumaripas ng takbo palabas ng cafeteria.
BASTI'S POV
"Okay, bumalik na lang kayo mga around eleven, ipagpapatuloy pa natin ang practice." Wika ng trainor namin na si Sir. Sillios.
Grabe, ilang araw na lang at laban na namin sa National University Press Assembly, ang prestigious na laban ng iba't ibang university on broadcasting.
Napakalaki ng expectation ng school namin na makukuha namin ang title. Not first or second, but to get as the Best University in TV Broadcasting.
I am Sebastian Natividad, isang kilalang TV Broadcaster sa aming university.
Nagmula ako sa mayamang pamilya. My father was the Governor of the Bulacan, kung nasaan kami ngayon. I have one little sibling, si Sophie. My mom was a businesswoman.
Bata pa lang ako, binuhay na ako sa expectation ng daddy ko. He taught to me that lahat dapat ng gagawin kong bagay ay hindi dapat best kundi best of the best.
Kaya ngayon, pressure ako sa gagawin naming laban. I need to bring home the bacon.
Agad kaming pumunta ng mga kasama ko sa cafeteria. Si Michaella, ang kasama kong news anchor, si David at Marco, ang technical director namin at si Suzy ang aming director.
Pagpasok namin ay may nakasalubong kaming dalawang babaeng natakbo, mukhang nagmamadali.
Madadanggil sana ako 'nung babae pero umiwas ako. Mukhang meron silang hinahabol na importante.
"Grabe naman 'yung mga 'yun!" Natatawang sabi ni Suzy.
Hindi na lang namin pinansin at pumasok na kami sa cafeteria. Umupo na lang ako 'dun sa lamesang malapit sa may pintuan.
"O anong gusto n'yo?" Pagtatanong ni David. Nakaupo na kaming lahat at nag-presinta sila ni Marco na sila na ang bibili.
"Kahit anong masarap!" Sagot ni Michaella. Napa-smirk naman silang dalawa.
"Hay naku! Bumili na lang kayo 'dun ng kung ano, basta walang lason." Pagtataboy ni Suzy.
Natatawa naman kami ni Michaella dahil nag-susungit na naman si Direk. Walang nagawa 'yung dalawa kundi umalis. Natatawa naman kami ngayon dahil nauto na naman namin 'yung dalawa.
"O Basti, nausuhan ka na pala ng panyo." Sabay turo ni Michaella sa panyo na nasa lamesa. Nagulat naman ako kung bakit mayroon nito dito. Hindi naman ako madalas nagpa-panyo.
"Hindi akin 'to." Pagpapaliwanag ko.
Kinuha ko 'yung panyo at inamoy ko, mukhang babae ang may-ari dahil mabango at pambabae ang amoy. Kinuha ko 'to at inilagay sa bulsa. Yahay! May panyo pa nga ako!
BINABASA MO ANG
Daylight Through The Nightfall
Fanfiction[Wattys 2021 Shortlist] --- There is an old idiom saying that people's life begins at fourties. However, what if your existence is only limited to the legal age and after that - you'll meet the end of your life? Eighteen's Circulatory System Failure...