AYA'S POV
Pagkatapos naming ayusin ang mga pagkain sa kusina ay agad na kaming lumabas. Tamang-tama lang ang timpla ng araw ngayon, hindi ganun kainit at hindi gaano kakulimlim.
"Ano? Tagu-taguan muna tayo!" Suggest ni Missha. Nagkatinginan naman kaming lahat at mukhang agree sa una n'yang naisip na laro.
Nakakatawa lang kaming panoorin na para kaming mga bata pero ang lalaki na namin.
Una muna naming ginawa ay nag-maiba taya muna kami. Ayun, buena mano agad si Roberta. Humarap na s'ya sa may pader kung nasaan ang doorbell namin.
"Wala sa harap, wala sa likod-" Nang marinig namin ang pagkanta ni Roberta ay para kaming mga engot na nataranta sa paghahanapan ng tataguan.
Papunta na sana ako sa may poste pero hinawakan ako ni Basti at hinila papalapit sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya.
"Sumama ka sa akin, ayokong nalalayo ka, baka hapuin ka!" Sabi sa akin ni Basti. Dahil nasa ika-lima na si Roberta ay sumama na ako kay Basti.
Nagtago kami sa likod ng van ng kapitbahay namin tatlong bahay ang layo mula sa amin.
"Hinahapo ka ba?" Pagtatanong sa akin ni Basti. Binatukan ko naman s'ya dahil sa pago-overthink n'ya.
"OA ka talaga, hinahapo e hindi pa nga ako pinagpapawisan!" Sabi ko naman sa kanya at napangiti s'ya.
"Mga baklaaaa!" Sigaw ni Roberta at natawa kami sa pagsigaw n'ya. Parang stress na stress s'ya sa tono ng boses n'ya.
Nakikita namin s'ya sa may kalayuan at natatawa kami habang pinapanood s'ya na magkanda-hilo sa paghahanap sa amin.
"Boom Timothy!" Sigaw n'ya ng makita n'ya si Timothy sa may likod ng poste na dapat kong pagtataguan.
"Pasan ka sa akin dali!" Sigaw ni Basti at agad akong pumasan sa likod n'ya. Kailangan namin makarating sa may pader ng doorbell at makapag-save.
Mabilis na tumakbo si Basti at agad naming narating ang pader at nakasigaw kami ng save! Huli na ng makita kami ni Roberta at nakapag-save na din sila Missha at Shannara.
"Ayun, may pagpasan!" Pang-aasar sa amin ni Roberta. Nagtawanan naman kaming lahat.
"Ayun, may pag-mantika!" Sabi ni Timothy sabay sundot sa tagiliran ni Roberta. Mas lalo naman kaming natawa dahil sa sinabi n'ya.
Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Timothy. Medyo malusog kasi si Roberta at may kaitiman, pero kahit ganun, athlete s'ya ng university namin,volleyball-spiker ang position n'ya!
Hinampas n'ya sa balikat si Timothy at mas lalong lumakas ang tawanan namin.
"Hoy, taya ka kaya! Ano masakit ba hampas ng spiker?" Pagtataray ni Roberta kay Timothy. Halata naman sa mukha ni Timothy na masakit ang hampas sa kanya.
Matapos naming magtawanan ay nagpatuloy na kami sa paglalaro. Dalawang beses din akong naging taya hanggang sa makapag-decide kami na ibang laro naman.
Uminom muna kami ng juice bago kami nagakapag-isip na patintero na lang ang laruin. Ayun, boys versus girls ang laban at sadly, naghuhumirintado si Roberta at sa team boys daw s'ya.
"Luh, ba't ako nasa team boys e mas mukha namang lalaki sa akin si Missha." Sabi ni Roberta at tinapik n'ya pa ng likod ng palad n'ya ang baba ni Missha.
"Hoy, mahiya ka bakla-sino kaya sa atin ang naka-brief!" Ayun, lalo kaming nagtawanan dahil sa banat ni Missha. Naghampasan muna sila bago sila tumigil at nagumpisa na kami ng laro.
BINABASA MO ANG
Daylight Through The Nightfall
Fanfic[Wattys 2021 Shortlist] --- There is an old idiom saying that people's life begins at fourties. However, what if your existence is only limited to the legal age and after that - you'll meet the end of your life? Eighteen's Circulatory System Failure...