Chapter 31

1.2K 40 9
                                    

Third Person's Pov

Ngiting ngiti ang apat na lalaki habang pinagmamasdan ang babaeng nakuha nila. Matagumpay nilang naipasok ito sa van. Nagpupumiglas ito sa pagkakatali. Hindi naman makasigaw ito dahil nakatali ang bibig at nakatakpan naman ng tela ang mata.

"Hahaha! Ikaw naman kasi miss bakit ka nagmumuni muni sa dagat?" Maliit na boses ng lalaki. Inilagay neto ang kamay ng babae upang masigurong hindi sila nakikita neto.

"Hmmm!!" Sigaw ng babae na hindi maintindihan.

"Hoy tangina nyo! Baka naman pinakahigpitan nyo yung tali?" Bulong ng isa.

"Easy ka lang, masyado ka naman nagaalala! Hahaha!"

"Sakto lang yung higpit." Sagot din ng isa

"Siguraduhin nyo lang! Fuck bakit nyo nga ba ako napapayag dito?" Bulong neto at tumingin nalang sa daan. Kung saan tinatahak nila ang abandonadong bahay.

"Hmm hmm!"

"Babe.. wag ka magalala. Siguradong masisiyahan ka sa mangyayari hihi---"

"Don't fucking touch her or I'll going punch your ass here!"

"Oo na! Oo na! Makautos to.. jowa ka nya? Jowa ka nya!?"

"Tanginamo."

"Tangina mo din sagad."

"Shh! ingay nyong dalawa tangina nyo!"

Nanahimik na ang babae at pinapakinggan nalang ang paligid. Umiiyak sya ng tahimik habang iniisip ang maaaring mangyari sakanya. Paulit ulit nyang sinusubukan na kumawala sa pagkakatali sakanya ngunit nabibigo sya.

"We're here. Puro kayo tangina! Ang iingay nyo! Buhatin nyo na sya." Anang lalaking nasa driver seat.

"Arghhh! Hmmm!"

"Shhh wag ka din maingay! Mapapagalitan tayo kay boss." Sita ng lalaki sa babae

"Dahan dahan nyo lang syang buhatin!"

"Opo boss! Pota ka din sagad!"

Binuhat ng dahan dahan ng mga lalaki ang babae na nagpupumiglas na ulit. Nagmamakaawa na ito at umiiyak ngunit hindi sya naiintindihan ng mga to. Madilim ang paligid at malayo din sila sa kabahayan kaya walang nakakita sakanila.

"Sigurado kayong sya to? Bat parang lumaki sya?"

"Gago hahaha! Sya yan. Bilisan na natin nangangawit nako."

Pumasok sila sa isang kwarto na sobrang dilim. Inupo sa isang upuan ang babae na paulit ulit na nagmamakaawa ngunit bigo pa din.

"Holy shit! Ang dilim naman pota!"

"Pota! Sinong sumampal sakin?"

"Ang dilim! China chansingan nyo ko!"

"Tatanggalin naba yung tali nya?" Bulong ng lalaki sa nagdridrive kanina.

"Oo. Ayusin nyo dali!"

Lumapit ang lalaki sa babae at kinalagan ang tali neto pati ang tela sa bibig at mata.

"Relax kalang. Wag kang tatakbo kundi mahuhulog ka. Nasa bangin tayo. Wag ka din maingay kundi tutulak kita." Biro neto.

"Tangina mo panda!" Sigaw sakanya ng lalaki.

Sa takot ay tumahimik nalang ang babae. Wala itong makita dahil sobrang dilim at nanlalabo din ang mata nya. Tanging pagiyak nalang ang nagawa nya.

"Okay naba?" Boses ng isang babae.

"Okay na!"

"In the count of 3!"

"2!!"

"1!!!"







BOOK2: The Snob Gangster's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon