"Where's your house?" Tanong ko kay jihyo. Nagulat pa yata sya dahil sobrang tahimik ng basagin ko ito.
"W-wag na, Magbubus nalang ako pauwi. Ayaw kitang maistorbo. Kahit na gusto pa kitang kasama.." Aniya
"Huh? No its okay. Gusto ko din makita kung saan ka nakatira.. pwede?"
"H-hindi mo magugustuhan bahay namin kylie. Maliit lang yun kumpara sa bahay nyong malaki--"
"So what? Hindi ako maarte jihyo. Ihahatid lang kita then uuwi na ako. Ganon lang." I said and smiled at him.
"Mas lalong hindi sila magtitiwala sakin kapag nalaman nilang dinala kita sa bahay namin. Mabuti ng makinig ka sa mga kaibigan mo kylie.. iniisip lang nila ang kapakanan mo." seryoso nyang sabi na nagpapawi ng ngiti ko. Tumikhim ako at tumingin sa daanan ng hindi na traffic
"You know jihyo.. its up to you. Kung lalayo ka saakin o kaya ay hahayaan mo silang husgaan ka. Kung wala silang tiwala sayo then let them feel you doesn't care hanggang sa magsawa sila. Beside I'm your friend not them.. so what's the matter? Diko to sinasabi pampalubag loob ah." Seryosong sabi ko.
"Aishhh. Ano pa bang magagawa ko? Hahahaha! Pakiramdam ko tuloy sinesermon ako ng mama ko. But thanks to your advice. Nakakahiya dahil ako itong lalaki ako pa nagpapahatid. Iliko mo sa eskinitang yon.." ginawa ko naman. Mabuti naman at pumayag syang ihatid ko sya.
Hindi pa ako nakakapunta sa lugar nato at sinusundan ko lang ang sinasabi nya habang sinasaulo ang mga nadadaanan. Bawat nadadaanan namin ay napapatingin sa kotse kong halos sakupin ang maliit na daanan. Mabuti nalang at tinted ito.
"Sa kaliwa naman tapos ihinto mo sa gate na pula." Pinark ko na ang kotse ko sa tapat ng gate. Pinatay ko na ang makina at tumingin sa paligid. Marami pa ding nakikiusyoso saamin na parang laking himala na may kotseng napadpad dito. Kinalas ko ang seat belt ko at tumingin kay jihyo na ganon rin ang ginawa
"Tara. Wag mong pansinin ang mga tao.." Aniya at lumabas ng kotse kaya sumunod ako.
Pagkalabas ko ng kotse ko ay binanewala ko ang mga taong nakatingin samin gaya ng sabi nya.
"Sino ang babaeng yan? Mukhang mayaman ha?"
"Oo nga at kasama pa sya ni dhain. Hindi kaya girlfriend nya yan?"
"Feeling ko nga rin. Aba nakajackpot ang binatang ito kung nagkataon. Paniguradong tuwang tuwa si Amelda nyan.."
Lumingon ako kay jihyo na napatimbagang sa narinig. Salubong ang kilay at parang ano mang oras ay manununtok sa galit. Tumikhim ako.
Ni lock ko na ang kotse kaya napatingin sya sakin. Hinawakan nya ang wrist ko at pumasok kami sa bahay nila. Hindi naman maliit ang bahay nila kumpara sa mga nadaanan namin. Simple lang ang disenyo at walang pintura ang bahay nila ngunit kahit ganon ay hindi madumi. Pinaupo nya ako sa kawayang upuan nila.
"K-kuya? Nandito ka na pala!" Nagulat ako ng may sumulpot na batang babae na edad sampo sa tabi namin. Sobrang gandang bata neto at mamula mula ang kutis. May nakasunod din na lalaking kamukha ni jihyo na edad 14 ata. Mga kapatid ni jihyo..
"Syempre naman.." Nakangiting sabi ni jihyo sa dalawa. Medyo nailang naman ako ng tignan ako ng dalawang bata. "Ehem. Kylie, sila nga pala mga kapatid ko.. Ito si dwain kasunod ko at si dhen na bunso namin. Dwain, dhen.. si ate kylie nyo. Kaibigan ko." Ngumiti naman ako sa dalawa
"Hello hehe.." nahihiyang bati ko. Ngumiti rin sila. Pansin kong may pagka snobero si dwain dahil tipid lang ang ngiti nito. May naalala tuloy ako..
"Hello ate kylie.. ang ganda nyo po. Akala ko po boyfriend mo si kuya.." humagikgik si dhen kaya napangiti ako
"Hindi ah.. magkaibigan lang kami. Tska mas maganda ka.."

BINABASA MO ANG
BOOK2: The Snob Gangster's Secrets
Dla nastolatków(BOOK TWO) Kung gaano katagal bago naging sila, ganon kabilis silang nagkahiwalay. Everything's perfect, but why did it happen? What's wrong with mikaelle? Why the snob mikaelle keep hiding secrets from kylie? Ano ang meron at puntirya yata sya ng k...