Kylie's Pov
Pagkahatid sakin ni kuya sa school ay hindi nya na ko inimikan kahit nung umalis sya. Naninibago ako.. dati kasi iinisin nya pa ko.
Pumasok nalang ako sa school pero hindi ako pinapasok dahil wala daw akong maskara. Nakalimutan kong nakay cheska ang maskara. Tumunganga ako sa gilid habang dinadaan daanan ng mga taong nakamaskara. Hindi ko sila makilala kaya yumuko nalang ako. Ang weird lang nila.
"Kylie? Kylie!" May biglang humawak ng braso ko kaya nagulat ako. Hindi ko sila makilala dahil nakamaskara din pero nakilala ko din ng tanggalin nila saglit. Si jigson pala tska jasper. Imyerness bongga ng maskara nila bagay na bagay.
"Bakit?" Kunot noong sabi ko.
"Bakit wala kang maskara!?" Pabulong na sigaw ni jasper.
"Huh? Kailangan ba?" Nagtataka kong tanong
"Oo! Nakupo.. kararating mo lang ba?" Tanong ni jigson kaya tumango ako.
"Hayys mabuti naman! Nasan ba maskara mo? Halika rito!" Hinila nila ako sa madilim na parte sa labas ng school. Kahit nagtataka ay sumama nalang ako.
"Nakay cheska yung maskara ko. Nakita nyo ba sya?" Umiling sila.
"Teka ayun na yung kotse nya! Hintayin nyo ko rito. Jigson itago mo si kylie.." mabilis na umalis si jasper at iniwan kami ni jigson dito. Nagtataka akong tumingin kay jigson
"Ano bang nangyayare?"
"Sabi ko nga magtatanong ka. Okay ito na, pagkapasok dun sa loob bawal tayong makilala ng mga tao. Kailangan walang nakakakilala satin dibale na tayo dahil nakilala kita dahil wala kang maskara. Ang imfortante wala pa tayo sa loob. Gets mo?" Tumango nalang ako kahit hindi.
"So anong meron kung may makakilala sakin?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
"Yun ang hindi ko din alam. Maging ako nagtataka din. Nakikisabay sa trip ng principal."
Ang weird naman ng rules ng principal. Parang tanga lang.
Nakita naming papunta na sila jasper dito. Sa totoo lang, kung hindi ko nakita sila jasper kanina.. hindi ko sila makikilala.
"Beshy sorry I'm late!! Ohh suotin muna to.." binigay na nya sakin ang maskarang itim. Ang ganda ng design para tuloy ako yung bida sa barbie. Charr.. hehe
"Okay na ba? Tara pasok na tayo!" Ani jasper. Kaya sumunod na kami sakanya.
"Ganda mo sa outpit mo, chararat." Biglang bulong ni cheska. Ang weird lang bakit kailangan bumulong.
"Mama ko namili eh" bulong ko din.
Wala pa man kami sa loob ay rinig na rinig na ang malakas na tugtog sa gym. Paglakad mo sa field ay bongga na ang ayos. Parang magj JS ulit kame. Sa field palang ay pakalatkalat na ang mga taong nakamaskara na hindi mo talaga makikilala. Kulay green pastel din ang theme. Parang may naalala ako. Hmm..
"Guys dito tayo." Sabi ni jigson. Umupo kami sa isang malaking pabilog na lamesa. Lumingon lingon ako ng mapansing konti lang kami. Nasaan ang iba?
"Kung hinahanap mo yung iba, gaya ng sabi ko.. walang pwedeng makakilala satin." Bulong ni jigson na parang nabasa ang isip ko.
"Pero kaibigan naman natin sila ah?"
"Kahit na. Ayan lang naman table nila eh." Lumingon ako sa tinuro nya. Kumaway ang babaeng nakared na maskara at ngiting ngiti. Hula ko, si faith to. Ngiti palang eh.
"Oo nga. Ang daya naman non."
"Hahaha lalapit din mga yan mamaya." Tumango nalang ako kahit hindi ko maintindihan. Bat mamaya pa? Tss.
BINABASA MO ANG
BOOK2: The Snob Gangster's Secrets
Genç Kurgu(BOOK TWO) Kung gaano katagal bago naging sila, ganon kabilis silang nagkahiwalay. Everything's perfect, but why did it happen? What's wrong with mikaelle? Why the snob mikaelle keep hiding secrets from kylie? Ano ang meron at puntirya yata sya ng k...