Chapter 29

1.2K 40 2
                                    

Kylie's Pov

Nang gabing yon ay pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pagkatapos naming magdinner ay umakyat kaagad ako upang magpahinga.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. 7am ako nagising palagay ko dahil namamahay ako. Hinahanap ko ang amoy ng unan at ni amber. Naabutan ko pa si alliah na mahimbing ang tulog. Pumasok ako sa banyo at mabilis naligo buti may hot shower.

Pagkatapos ay lumabas ako sa kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom. Dumiretso ako sa kusina at doon ay nadatnan ko sila Jacob at James na nagluluto. Naggigisa si jacob at naghihiwa naman si james. Nakita ko naman sila cheska at jasper sa sala na nanunuod habang nagkakape. Nasa high chair naman si Ivan na parang inaantok pa.

"Goodmorning kylie.." una akong napansin ni james sunod kay jacob.

"Morning.."

"Goodmorning." Nginitian ko sila.

"Umupo kana dyan. Matatapos nato," ani jacob. Umupo ako sa tabi ni Ivan na parang nagising ang diwa ng makita ako. "How's your sleep?" Biglang tanong ni jacob. Tinignan ko sya at ng makitang ako ang kausap ay tumango ako.

"Just fine. Pagod sa byahe kaya tuloy tuloy din ang tulog." Sagot ko. Nilapag ni james ang kape sa harap ko kaya nagpasalamat ako.

"Sana all nakatulog agad." Ani Ivan at humigop ng kanyang.. gatas? Tinignan nya ko ng mapansin nakatingin ako sa tasa nya. "Stop that look. Nagtataka ka kung gatas iniinom ko? Ayaw ko ng kape kasi masyadong matapang. Gusto ko sakto lang. Tsaka maacid yung kape nakakafats--"

"Maarte ka lang gago." Ani jacob na tinawanan ni james.

"Ohh come on. Kasalanan ko bang mahal ko ang sarili ko? Totoo naman talagang maacid ang kape. Isipin mo nalang yung mga taong umiinom non araw araw. Ang tataba nila diba? Eh ang gatas? May nutrients kapang nakukuha--"

"Stop that shit panda. Umiinom ako ng kape dalawang beses sa isang araw. Look at my body, wala namang binatbat katawan ko sa katawan mong buto buto. Bakasyon na lahat lahat pabida ka padin. Manahimik ka nalang dyan."

"Aba syempre kulang ako sa exercise! Wala ka namang abs ulol. Kaya ayaw kong nagsasalita eh. Nagsasayang lang ako ng laway hays.."

"Sayo pa talaga nanggaling yan ah.. ediwow."

Nagiripan silang dalawa. Tatawa tawa kaming dalawa ni james habang pinapanood sila. Mga isip bata.

"Kakain kayo jas?"

"Nope. Mamaya nalang siguro. Mauna na kayo."

Natapos na ang niluluto ni jacob. Adobo pala yon at fried rice. Bagamat di ako sanay kumakain ng kanin sa umaga ay kumain pa din ako, masasabi ko namang sulit dahil sobrang sarap. Diko akalain na may talento din si jacob sa pagluluto. Akala ko puro panghuhusga at pagmumura alam nya.

"Masarap pa din ako magluto," napaismid si jacob sa bulong ni Ivan.

"Edi wag ka kumain, gago." Bulong din ni jacob.

"Naguumpisa na naman kayo! Sge pagpatuloy nyo yan. Tignan nyo lang.." sinamaan ko ng tingin ang dalawa na yumuko nalang at nagpatuloy sa pagkain. Mabuti naman at nadadaan sa tingin ang mga to.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang sumulpot ang bagong gising na si alliah. Gulo gulo ang buhok at namumungay ang mata. Gulat na gulat sya ng makita kami at mabilis tumalikod. She still look cute. Samantala ako parang nakipagaway pagkagising ko. Unfair:<

"Alliah, sumabay kana samin kumain." Sabi ko.

"O-okay.. maghihilamos lang ako, nakakahiya." Tumakbo sya kaya di na namin nakita.

BOOK2: The Snob Gangster's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon