Chapter 44

844 28 6
                                    

Gumising ako sa panibagong araw. Maaga pa kaya naghilamos muna ako bago bumaba. Nakasalubong ko pa si kuya na nakangiti kaya nagtaka ako. Nakacooperate attire na sya at handa ng pumasok sa trabaho.


"Good morning kuya." Bati ko.

"Good morning. Breakfast kana." Aniya at naghahanda na paalis.


"Di ako breakfast kuya."

"Huh?" Nilingon nya ko at saglit na kumunot ang noo.

"Kidding, bye bye." I wave as goodbye and he give me light kiss on my forehead.

Good mood. Sanaol. Ako lang yata nagising ng badtrip. Ang sakit ng puson ko, nakakahigh blood.


Diko nalang inasar dahil mahirap na, mas asar pa sakin kagabi yan kaya mas okay ng masaya sya. Pumasok ako sa kusina at nakitang nagluluto si mama. Nginitian nya ko ang makita ako. Ngumiti nalang ako pabalik kahit nagtataka.


"Good morning nak. Hintayin mo itong niluluto ko, champorado."


"Goodmorning din, ma. Okay.."


"May pasok kapa? Hanggang kailan? Malapit na final exam mo! And then graduating na!" Humagikgik si mama.

"Yeah.. next week na po." Tipid na sagot ko.

Pinanggawa ako ni mama ng hot chocolate at pinagmasdan ako. Ngumiti lang ako sakanya. She sighed and touch my hair.


"You should be happy. What's the problem, sweetie?" Nagaalalang tanong ni mama.


"I.. don't want to work yet. And I don't think, I can pass the final exam. I'm not ready.. I can't do it."


Ni hindi ko nga magets ang math hanggang ngayon, papasa pa ako? Puro pasang awa binibigay sakin. Natatakot ako sa kalalabasan. I wish, I was smart enough.. pero bobo ako eh. Naaawa lang siguro mga teacher sakin. Okay pa naman ako sa ibang subjects.. di lang talaga kami bati ng math.


"Sweetie, look at me," mom hold my chin, "Not all the time, we're here to support you. We can't just stop the time and be your side forever. You need to be independent. Haharapin mo parin yan ng magisa. Atlis, we're here to support your decisions, right? Don't be scared. I know you can do it.."

"Thank you ma.."

"Welcome, sweetie. Wag mong kimkimin ang problema mo. I can listen to your whereabouts."


Hinalikan ni mama ang pisngi ko bago nagpasyang balikan ang niluluto. Natulala ako sa likod ni mama. Parang bigla nalang akong maiiyak sa naiisip.


Kumain kami ng sabay ni mama sa niluto nya. Umalis na si kuya at si papa nasa business trip, kaya maiiwan ulit si mama dito kagaya dati.


"How's your study, sweetie?"


Nabulunan ako sa tanong ni mama kaya dali dali akong uminom ng tubig. Hinawakan ni mama ang likod ko para kumalma sa ubo. Nakokonsensya nako!


"I-its fine, I guess.."


Natatakot ako na diko maexplain. Paano kung makaabot kay mama o kay papa mga pinaggagawa ko? Baka bigla nalang akong pahintuhin sa pagaaral dahil nagbubulakbol lang ako.

"You should be. Mahirap ng mangapa sa final exam mo. May award kaba nak? Magna Cum laude?" Biro ni mama. Parang nahiya naman ako bigla.

"Ma! Mahalaga pasado." Sagot ko nalang.

BOOK2: The Snob Gangster's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon