Chapter 1: Welcome Back
Kylie's Pov
"~tulad ng mundong hindi tumitigil! Sa pagikot.. pag ibig di magbabago. Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag agos pag ibig di magbabago ohhh!!!🎵" kanta ng mga kaklase ko. Todo birit pa sila habang nagbebeat box.
Diko maiwasang matulala. Kahit na parang ang saya nila habang kumakanta ay diko maiwasan mag emo. Naaalala ko na naman kasi sya. Lakas ng loob nyang iwan ako ng walang dahilan.
"Nandyan na si Maam!!!" Sigaw ni Chester. Lahat kami ay umayos ng upo dahil parating na si maam shan na kilala bilang dragon. You know what I mean.
Pagkapasok nya palang ay sobrang taas na ng kilay nya samin. Kaagad naman namin syang binati pero inirapan nya lang kami.
"Walang good sa morning. Nabong tayo!" Tumayo kaagad si Madette na puro koloreta sa mukha.
"Ano maam?" Ngiting sabi nya. Pero alam kong gaya ng iba ay kabang kaba na sya.
"Ano din? Wag mo ko nginingiti ngiti dyan!! Ano ang pinagaralan natin kahapon!? Sagot!!" Sigaw ni maam. Dali dali kong kinuha ang notebook ko at pasimpleng binasa.
"Ehh maam.. nahihilo po ako. Wala po akong maalala--"
"Wag mo akong dinadramahan dyan! Puro pagpapaganda inaatupag mo! Kakamakeup mo yan! Nilalason na ang utak mo!!"
"Booooo!!! Wahahahaha!" Sigaw ng mga kaklase ko. Nakangisi lang ako sa ginagawa nila
"Wag kayong tatawa tawa dyan!! Get one fourth sheet of paper!"
- - - - -
Nakakapagod talaga ang buhay ng college student. Totoo nga ang sinasabi nilang ienjoy mo na ang high school life mo dahil titirisin ang utak mo pagdating ng college. Ayun kulang nalang iuntog ko ulo ko sa libro para lang maintindihan ko pinagaaralan ko. Sobrang bilis nga ng panahon at diko namamalayang patapos na ako sa pagaaral pero kabaligtaran ito ng nararamdaman ko.. dahil hanggang ngayon, damang dama ko pa din ang sakit na binigay nya.. na nakabaon na ata sa puso ko.
Nandito lang ako sa garden.. pinakatahimik na lugar dito sa university. Madalas mga taong gustong tumambay o kaya magbasabasa lang ang mga nandito, kagaya ko. Nakapoker face lang akong nakatingin sa kawalan. Simula ng iwan nya ko.. pakiramdam ko kinuha nya lahat saakin. Parang may kulang sakin na nasakanya..
"Kylie.. happy birthday and I'm breaking up with you."
Simula ng sinabi nya ang katagang yan. Hindi kaagad ako nakapagreact. Ni minsan, hindi ko naisip na sasabihin nya sakin ito. Hirap talagang magassum.. akala ko talaga kami ang magpapakatotoo sa forever na yan. Ngayon ko lang din naisip na wala naman talagang forever. Hindi sa bitter ako.. wala naman kasing panghabang buhay.. lahat tayo lilisanin ang mundong ibabaw. Nagkataon na wrong timing sya..
Napatingin ako sa lalaking nakatingin sakin hindi kalayuan. Natauhan yata at bigla nalang umalis. Pinagsawalang bahala ko nalang. Weird na lahat ng tao. Dimo na maintindihan ang motibo nila.
"Hi!! You're kylie right?" Biglang sabi babaeng umupo sa gilid ko. Tumango ako at tumulala ulit. Akala ko aalis na sya dahil diko sya trip kausap pero tibay ng baga nya.
"I'm Rossy. It just a-- may tanong lang ako sayo.. pwede ba?"
"Nagtatanong kana." Sabi ko ng hindi sya tinitignan. Bigla syang tumawa na parang baliw.
"Palabiro ka pala! Okay. No offense ah.. pero totoo bang hiwalay na kayo ni mikaelle stephen park?" Blanko akong tumingin sakanya
"Anong makukuha mo kapag sinagot ko tanong mo?" Diko natago ang pagkairita sa boses ko. Nakakainis naman kasi ang gaga. May nalalaman laman pa syang no offense.

BINABASA MO ANG
BOOK2: The Snob Gangster's Secrets
Novela Juvenil(BOOK TWO) Kung gaano katagal bago naging sila, ganon kabilis silang nagkahiwalay. Everything's perfect, but why did it happen? What's wrong with mikaelle? Why the snob mikaelle keep hiding secrets from kylie? Ano ang meron at puntirya yata sya ng k...