Chapter 8

1.7K 38 7
                                    

Hiyang hiya ako kay jihyo sa pinakita nila jasper at jacob. Bakit ba ganon nalang sila makatingin kay jihyo na parang sobrang sama nyang tao?


"Kylie.. wag munang isipin yun. Pasmado talaga sya.." anya. Tumango ako at ngumiti kay jihyo. Di ko alam kung nakita nya ba ang tingin nila o nagbubulag bulagan lang sya.



"I know but its not right. Kakausapin ko sila--"



"Hayaan mo na kylie. Kung ayaw nila sakin I won't force them. Ako na mismo ang lalayo kylie.." anya. Tumingin ako ng ilang sandali sakanya.




Sa maikling panahon na nagkakilala kami ni jihyo ay hindi di ko aakalain magaan kaagad ang loob ko sakanya. At hindi ko inisip na kaya lumalapit saakin si jihyo ay dahil lang dun. He's so kind na hindi mahirap pakisamahan.



"Ehem. Mind If we sit here.." sumulpot sa gilid namin sila jacob. Nasa loob sila jasper at cheska kinakausap ang mommy ni jessa na mugtong mugto ang mga mata. Inaalalayan sya ng batang babae na hawig din ni jessa. I think she's 8 years younger.




"Sure bro.." ani jihyo at nakangiti ito. Sinamaan ko ng tingin ang tatlo. If they're here to insult jihyo hindi ako magpapaligoy ligoy na pagsasampalin sila.




"Ohh! Easy kylie! Makikiupo lang kami! Ito naman.." ani Ivan at nakipagapiran pa sakin. Pero diko sya pinansin.




"Yeah wala ng pwesto eh. Ito kasing si james ang arte, ayaw raw nyang masyadong nakikita ang mukha nya. Mukha lang naman paa." Ani jacob at umupo sa gilid ko. Ang mesa ay pabilog kaya kita ko sila. Nasa gilid ko din si jihyo na tahimik lang.




"Pakyo kayo. Ako na naman sinisisi nyo kayo lang naman mga gago--"





"Ahhh ano yan kylie!? Pahingi! Ahhhh!" Sigaw ni Ivan at ngumanganga na parang ewan. Napatingin naman ako sa kinakain kong kalamay. Nanliit mata ko bago sinubuan si Ivan na sarap na sarap. Seriously?




"Pahingi din ako kylie! Naiingit ako! Akk din! Ahhh..." binuka din ni jacob ang bibig nya. Di na siguro maitsura mukha ko.




"Ayy favorite ko yan!! Pahingi!!" At gumaya pa si james.




"Kumuha kaya kayo sa loob? Bakit saakin ang pinagdidiskihan nyo?" Irita kong sabi at sinubuan silang tatlo.




"Ehem." Umubo sa gilid ko si jihyo.



"Gusto mo din bro? Kylie si jihyo rin daw.." paepal na sabi ni ivan.




"H-ha? W-wala akong sinasabi ah.." namumulang sabi ni jihyo. Tumingin ako sa tatlo ng may masamang tingin, painosente naman sila.




"Pwede ba tumigil kayong tatlo? Tigilan nyo si jihyo." seryosong sabi ko.





"Wala kaming ginagawa kylie.. ano bang sinasabi mo?" Ani jacob at kinuha ang kutsara ko at sya na mismo sumubo ng kalamay sa plato ko.




"Oo nga kylie. Nabitin ako. Papasok ako sa loob kukuha akong kalamay.." ani james at tumayo pero napaupo ulit ng hilain sya ni Ivan paupo.




"Wag! Dito ka nalang! Ako na kukuha.." ani Ivan. Napatingin ako sa mga dumadating.. iba iba nakikita ko. May mga matatanda at mga estudyante.




"Sge bahala ka. Damihan mo ah! Mag tingin ka na din ng ibang pagkain. Nagugutom ako.." ani james



"Kung makautos ang gagong to kala mo nasa fastfood ang sira. Oo na!! Kung hindi lang talaga.." umismid si Ivan at bumulong ng kung ano kay jacob bago umalis.



BOOK2: The Snob Gangster's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon