Chapter 2 (Nice to meet you)

134 42 25
                                    

Nice to meet you

Zia's POV

"Mrs. Alcantara.. Nagmamakaawa kami. Hindi naman sinasadya ng kaibigan ko." Pakiusap ko sa mama ni Sofie.

"Hindi ko inaasahan na ganto ang magiging pagkikita natin Mrs. Sandoval." Sobrang seryoso ng itsura niya kaya napahawak sakin si Venus.

"Patawarin niyo ko. I'm so-rry.. Biglaan lahat ng nangyari. Kakauwi ko lang galing probinsya at wala pa akong tulog nun. Pata-wad.." Sabi ni Venus at lumuhod sa harap nila.

Umiwas ng tingin yung mama ni Sofie.

"Kahit anong gawin mo walang kapatawaran yung nagawa mo!" Sabi niya at tinulak si Venus.

"Wag naman po ganyan.." Sabi ko at tinulungan si Venus.

"Mrs. Sandoval! Girlfriend ng anak mo yung nabangga. Kung ikaw ang ina hindi ganun kadali lahat ng hinihiling niyo!" Sabi niya na halatang nagpipigil na sa galit.

"Kung hindi mo siya mapagbibigyan.." Masakit man at mali. Hindi ko kayang makitang nakakulong ang bestfriend ko. At mawalan ng ina ang inaanak ko.

"Mapipilitan akong palayuin si Zha kay Sofie. At pag nagising si Sofie.."

"Kamumuhian niya kayo dahil kayo ang dahilan kung bakit nawala sa kanya si Zha." Matigas na sabi ko pero nanginginig na ako. Dahil alam kong mali, Alam kong ako ang kamumuhian ng anak ko.

"Ano naman kung iwanan siya ni Zha? Ikakabuhay niya ba yun?! Ha?! Kaya pa bang mahalin si Zha pag patay na siya?!" Sigaw niya saamin.

"Parang awa mo na.. Ma-y anak din a-ko.. walang maiiwan s-a kanya." Lumuhod ulit si Venus na nagpakirot ng puso ko.

Tinakpan ni Mrs. Sandoval ang mukha niya at sumigaw.

"Ahhh! Bakit?! Ano bang nagawa ng anak ko?! Bakit siya pa?! Bakit?! Lord!" Sigaw niya sa kawalan.

Hinawakan ko sa kamay si Mrs. Sandoval at pinakalma.

"Isa si Zha sa pinakaimportante sa buhay ni Sofie.. Pagisipan mo muna." Pag kumbinsi ko ng dumanting ang doctor.

"Sino po ang guardian ng pasyente?" Tanong ng doctor.

"A-ko.. Kamusta siya doc?" Tanong ni Mrs. Sandoval.

"Mrs. Masyadong malakas ang pagkakabagsak ng ulo niya. Na nagcause ng coma sa kanya. Pwede siyang magising which is 50 percent. And if ever na magising siya wag na wag niyo siya istrestress at puro fun memories lang muna ang ipaalala niyo sa kanya." Sabi ng doctor kaya napatingin ako kay Mrs. Sandoval.

Naiiyak na siya at tumingin sa akin. Bigla nalang siya bumagsak at tinuro ako.

"Pag hindi nagising ang anak ko, sisiguraduhin kong makukulong ang kaibigan mo.." Sabi niya at nanghina na ng sobra.

"Itatago ko na siya ang nakabangga hanggang sa mamatay ako kung magigisng ang anak ko." Tumayo siya at naglakad na palayo.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon