Chapter 10 (Do you like her?)

80 30 17
                                    

Do you like her?

Zha's POV

Sinundan ko si Sat but I saw her hugging other man. I saw her hugging Gino. Napahawak ako sa puso ko, napapadalas na ata yung pagsakit nito tuwing nakikita ko silang magkasama.

I just don't understand bakit sobrang affected niya sa mga sinasabi ng iba eh hindi naman totoo. And bakit si Gino hinahayaan niyang icomfort siya while me? Na kababata niya hindi.

Pumasok nalang ako sa loob dahil naiinis ako sa nakikita ko. Nakasalubong ko sila Claire pero di ko sila pinansin.

Claire's POV

"Uy Zha san si Sat.." Pahina na sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at dire-diretso lang siya.

"Anyari dun?" Tanong ko na nagtataka.

"Baka galit sayo. Lagot ka." Sinamaan ko ng tingin si Chaser.

Bakit ba ko nastuck sa lalaking to? Tsaka pwede naman akong umalis bakit nagstay ako. Hmp.

"Ha ha ha. Nakakatawa. Alis na nga ako." Sabi ko.

Papalayo na ako akala ko pipigilan niya ako pero hindi. Ni hindi man lang siya magaalok na ihatid ako?

Lumingon ako at tinignan siya ng masama.

"Sabi ko. Aalis. Na. Ako." Pagdiin ko sa sinabi ko.

"Oo nga, di naman kita pinipigilan ah?" Sabi niya habang nakatayo lang talaga dun.

"Oo nga sabi ko nga hmp." Bakit nga ba ako magpapahatid eh dala ko yung kotse ko?

Pero kahit na ang ungentleman naman niya. Insensitive amp. Nakakinis.

Nagulat ako ng may hunawak sa kamay ko.

"Gusto mo bang ihatid kita?" Tanong niya sa akin ng nakasmirk.

"Hindi ah. May dala akong kotse." Mataray na sabi ko.

"Ako wala akong dala. Ako nalang hatid mo?" Sabi niya at nagcling pa sa kamay ko.

Inalis ko agad yun kasi nandidiri ako.

"Wow may driver ka na? No way!" Sabi ko.

"Hala kawawa naman ako. Maiiwan ako mag-isa tapos mamaya di na ako makauwi--" Pinutol ko na siya dahil ang daldal niya.

"Pwede ba? Wala akong paki." Naiinis na sabi ko.

"Kahit mamatay ako?" Tanong niya.

"Maybe?" Sabi ko.

Binilisan ko na yung lakad ko pero sinusundan pa din niya ako. Naramdaman kong wala na siya kaya napalingon ako.

Wala na nga talaga siya buti naman. Sinilip silip ko siya pero wala na talaga siya. San na yun? Ang bilis naman mawala.

"Oh hinahanap mo din pala ako?" Napalingon ako at nasa likod ko na siya.

"Yuck never!" Sabi ko.

"Wag ka magaalala sasabay ako sayo." Biglang napatigil yung puso ko ng hawakan niya yung kamay ko.

Inalis ko to agad at naglakad ng mabilis papuntang parking.

Hanggang dun sinundan niya ako at pumasok pa talaga sa kotse ko.

"Bumaba ka diyan." Sabi ko.

"Ayoko nga." Pagmamatigas niya.

"Bahala ka. Manigas ka diyan." Sagot ko tas umupo sa may labas ng kotse ko.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon