Chapter 1 (Sat and Zha)

225 48 59
                                    


Sat and Zha

Venus' POV

"Sat! Duon tayo oh!" Sabi ni Zhaled habang tumatakbo papunta sa anak kong kababata niya.

Umupo sila dun sa may tabi ng duyan na nakatali sa puno. Nakakatuwa silang tignan ni hindi mapaghiwalay.

"Kailan niyo balak umalis bes? Bawal ba talaga dito magpagaling si Sat?" Tanong ni Zia, mama ni Zhaled.

"Next week na siguro. Sabi ng doctor mas better daw kung less pollution, kung nasa probinsya kami mas fresh ang hangin." Sabi ko habang tinitignan si Sat. Mahina kasi ang baga ng anak ko. Sabi ng doctor if hindi maagapan baka mag lead to pneumonia.

"Kung sabagay pero pano mo sasabihin kay Sat? Maiiwan niya kaya si Zha.."

Lumingon ako sa kanilang dalawa and nalungkot ako dahil mapapahiwalay nga sila sa isa't-isa. Pero para din naman ito sa ikakabuti ni Sat. Babalik din kami as much as possible.

Naghahanda na kami ng mga ginawa naming Sandwich para makakain na din sila.

Habang nag-hahanda kami parang may naamoy ako.

"Ano yun? Bat parang usok?" Tanong ko.

"Naamoy mo din?" Sabi niya at lumingon lingon.

"Ay ayun may nagsisiga pal--"

"Tita! Mama! Mama! Si Sat po!" Sigaw ni Zha kaya napalingon.

Bigla nalang akong napatakbo ng makita ko ang anak ko nakahiga sa braso ni Zha.

Kinuha ko si Sat at hinawakan ang pisnge

"Nak? Sat?!" Sabi ko habang niyuyogyog siya.

"Sat?! Bes tumawag ka ng taxi! Dalian mo!" Sabi ko habang hawak hawak yung anak kong nahihirapan ng huminga.

"Ma-a? Hin-di a-ko mak-ahinga.." Niyakap ko siya ng maluwag at kinuskos sa likod.

"Shhh.. Wag ka n-g mag-sali-ta.. nak." Di ko mapigilan ang hikbi ko sa nakikita kong itsura ng anak ko.

May dumating ng taxi at ang nakikita ko lang ang nakakaawang mukha ng anak ko hanggang makapunta kami ng ospital.

Napaupo nalang ako sa upuan dun at nagantay. Hindi pwedeng maulit sakanya yung nangyari sa papa niya. Hindi pwede. Hindi pwede.

Nakatulala lang ako dito. Iniisip ko na dapat hindi ko na siya hinahayaan kung saan saan. Dapat sa safe na lugar ko nalang siya dindala.

Niyakap ako ni Zia kaya mas lalo akong napahagulgol.

"Tita ok lang po ba.. si Sat?" Tanong ni Zhaled.

"Oo magiging ok din siya Zha. Pagpray mo lang siya ha?" Sabi ko kay Zhaled at hinawakan mga kamay niya.

"Kasalanan ko po ba?.. Sana hindi ko nalang siya niyaya dun edi sana di siya makakasinghot ng usok.." Umalis ako sa pagkakaupo at lumuhod para makaharap ko siya.

"Walang may kasalanan Zha. Wag mo sisihin sarili mo." Ngumiti ako at niyakap siya.

Mga ilang minuto na din lumipas ng lumabas na ang doctor.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon