Fun Friends
Sat's POV
"HOY! GINO! AKIN NA YAN!" Sigaw ni Claire ng kunin ni Gino ang cellphone niya.
"Bakit? Ano ba meron dito ha?" Sabi niya at nagtakbuhan na silang dalawa.
"Gino! Isa!" Sigaw ni Claire pero parang di siya naririnig ni Gino.
"Wag ka kasi cellphone ng cellphone kaya nga tayo nandito eh." Sabi niya at nagpahabol pa kay Claire.
"Taya!" Sabi ko at hinawakan si Claire.
Lumingon siya at siningkitan kami. Inaantay lang namin ang response niya.
"Akala niyo hindi ako ang reyna ng habulan?" Sabi niya at hinabol si Chaser.
Naghabulan lang kami dito sa may buhangin. At si Gino na ang taya ngayon.
"Pagod ako!" Sigaw niya pero di kami tumigil.
"Aba! Pagkatapos mo kong pahabulin ng pagkalayo layo, mapapagod ka?" Sabi ni Claire.
Bigla namang tumingin sa akin si Gino at hinabol ako.
Takbo lang ako ng takbo ng maramdaman kong hinihingal ako. Napastop ako kaya napastop din sila.
"Are you okay?" Tanong ni Gino.
"U-h medyo nahilo lang ako." Sabi ko.
"Sure ka ba?" Tanong ni Claire.
Umoo ako at sinabi na tuloy lang nila paglalaro.
"Guys! Children!" Tawag ni mama sa amin.
Nag-silapitan kami sa kanya at kasama niya si Kuya Rusell at isa pang matandang lalaki.
"Gusto ko lang sana ipameet sainyo yung may ari ng resort na to. Si Mr. Maco." Sabi niya at tinuro yung matandang lalaki.
"Hello, sana nagenjoy or nageenjoy kayo ngayon sa aming resort." Sabi ni Mr. Maco. Ngumiti naman kami at cinomplement yung resort nila.
"Papakilala ko nga pala si, yung anak ko. Asan na ba yun Rusell?" Tanong niya at lumingon lingon sa paligid.
"Nandito lang po yun kanin-- Ayun! Hunter!" Sigaw niya sa isang lalaki.
Lumingon yung lalaki at lumapit sa amin. Naparolleyes yung mata ko nung nakita kong siya yung pinagtanungan ko saan yung CR.
"Eto nga pala si Hunter, anak ko." Pagpapakilala ni Mr. Maco.
Nakipag-kamay sila mama pero ako tinitigan ko lang siya.
"Napakagwapo naman ng anak mo Mr. Maco." Sabi ni mama.
"He's in the training para siya naman ang pumalit sa akin. Alam niyo naman matanda na ako." Sabi niya.
Tinignan ko si Hunter at parang wala naman siyang paki.
"Maari ko bang maiwan sainyo si Hunter? Para naman magkaroon siya ng bagong kaibigan." Sabi ni Mr. Maco at iniwan na kami.
Iniwan na din kami nila mama. Nakita kong umupo si Hunter dun sa may upuan. Nagsisunudan naman sila kaya sumunod na din ako.
"Ano name mo?" Tanong ni Claire.
"Ano age mo na?" Sabi naman ni Gino.
"Bakit nagtratraining ka na agad para dito? Tapos ka na ng college?" Sabi ni Chaser.
BINABASA MO ANG
Tangled Destiny, Sat And Zha
Ficção Adolescentechildhood friends named Saturn and Zhaled needs to seperate because of Saturn's health condition. after how many years they reunited but Zhaled changed so much, and she already have a girlfriend who was involved in an accident and ends up being in c...