Under Arrest
Sat's POV
"Mrs. Guerrero you're under arrest sa kasong pagkakabangga kay Sofie Alcantara. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsa walang kibo.." Madami pa silang sinabi pero hindi ko na narinig dahil kinuha nila ang kamay ni mama Pinosasan nila si mama kaya napabitaw na ako ng tuluyan kay mama.
Napapikit nalang ako ng makita si mama na kunin ng mga pulis. Tinignan ko si Zha at nakita ko na may hinahanap siya sa phone niya. Sumunod akong tumingin kay Andi at tumango sa kanya. Dali dali naman na umalis si Andi.
"Gino, paready ng kotse." Sabi ko at umakyat na sa taas upang kunin ang mga kailangan namin.
Pagkababa ko hinawakan ako ni Claire at tinignan sa mata na punong puno ng pag-aalala.
"Are you fine?" Tanong niya.
Tumango naman ako at tinawag na si Zha.
"Nakita mo na?" Tanong ko.
"Yes. Buti na lang at di ko pa nadedelete." Sabi niya.
Di ko naman inaasahan na sa mismong Christmas niya to gagawin. Sumakay na kami ng kotse ni Zha habang si Gino at Claire nasa harapan.
Napapikit na lang ako at nag-sigh. Christmas na christmas tapos ganto mangyayari? Pero sana matapos na din to.
"Sat? Bakit inarrest si tita dahil sa pagkabangga ni Sofie?" Tanong niya sa akin.
"A-h?" Oo nga pala hindi pa nila alam yung nangyari kay mama at Sofie.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya dahil sobrang titig niya sa mga mata ko na parang dinadoubt niya ako. Nakita ko din na napalingon si Gino at parang inaantay niya din ang sagot.
"Tita did not kill Sofie." Sabi ni Zha.
Napatingin ako sa kanya pati kela Claire. Kumunot ang noo ni Claire na parang nag-tataka siya. Dahil hindi naman sinagot ni Zha yung tanong niya. Nanatili nalang kaming tahimik at wala ng nag-salita.
Hinawakan ni Zha ang kamay ko, naramdaman ko ang init ng kamay niya.
Third Person's POV
"Buti na lang at nadala niyo siya dito ng maayos? Akala ko ay mag-eeskandalo pa yan." Sabi ni Sandy ng makita niyang nakaupo si Venus sa prisinto.
"Mrs. Sandoval." Sabi ni Venus.
"Hi dear. Akala mo nakalimutan ko na? Akala mo nakalimutan ko na namatay ang anak ko?" Sabi nito at sinampal si Venus.
"Kulang pa yan! Kulang pa yan sa buhay ng anak ko!" Sabi niya at sinabunutan na ito.
Imawat na siya ng mga police pero hindi pa din siya nag-paawat kaya nasugatan na si Venus dahil sa mga kalmot.
"Lahat nalang pinatay mo! Lahat nalang pinatay niyo.."
"Wa-la na k-ayong tinira sa akin! Tingin mo mananahimik pa ako ha?! P-inalagpas ko lahat! Pinag-lagpas ko ang pa-gdurusa ng mga anak ko, Ang pag-durusa nila na ma-walan ng ama! Ang h-indi maram-daman ang ya-kap ng kanilang ama! Ang kutyain sila dahil sa pagiging sira ng pamilya namin! Pinalagpas ko lahat ng yun! Pe-ro dahil sa'yo nawala pa ang anak ko! Pinatay niyo din ang asawa ko.."
Nagtaka si Venus sa mga huling katagang sinabi ni Sandy. Napatingin siya dito at tinanong kung ano ang kasalanan niya sa asawa ni Sandy.
"A-no?" Tanong ni Venus.
BINABASA MO ANG
Tangled Destiny, Sat And Zha
Teen Fictionchildhood friends named Saturn and Zhaled needs to seperate because of Saturn's health condition. after how many years they reunited but Zhaled changed so much, and she already have a girlfriend who was involved in an accident and ends up being in c...