Chapter 6 (Enrollment)

78 35 27
                                    


Enrollment

Sat's POV

Saan ba yung guidance? Andami namang tao dito. Nakakainis tas wala man lang akong kilala. Mukhang hindi na nga talaga ako sasamahan ni Zha.

Kanina pa ko paikot ikot dito pero di ko pa din mahanap yung guidance.

"Hi miss nawawala ka ba?" Napalingon ako sa nagsalita at may lalaki na taas baba yung kilay.

Familiar yung mukha niya. Parang nakita ko na siya somewhere eh.

"Oo, saan ba yung guidance kuya? Mageenroll ako as transferee." Tanong ko at tinuro yung mga papel na hawak ko.

Kumunot ang noo niya at parang nainis.

"Bakit kuya? Mukha na ba akong matanda?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya nagsorry agad ako.

"Hala sorry, syempre hindi pa kita kilala eh." Sabi ko at nagpeace sign.

"Samahan na kita sa may guidance. I'm Gino btw." Sabi niya at nakipagshake hands sakin.

Gino? Parang narinig ko na talaga yun kung saan man.

"I'm S--" Diko na natuloy dahil pinutol niya sasabihin ko.

"Sat right?" Nanlaki yung mata ko dahil alam niya pangalan ko.

Ohmygod don't tell me stalker siya?! Medyo dumistansya na ako ng onti at tatakbo na dapat pero bigla niya kong hinila kaya napayakap ako sa kanya.

Di ko alam pero niyakap niya talaga ako at nagstay kami ng ilang seconds na magkayakap ng biglang may humila sa akin.

"What are you doing?!" Nakita ko si Zha na nakakunot habang nakatingin kay Gino.

"Chill. Pinigilan ko lang siyang umalis hahahaha. Gino nga pala Sat kaibigan ni Zha. Nakwekwento ka kasi niya sa akin kaya kilala kita." Sabi niya at inabot ulit yung kamay niya sakin. Nakwekwento ako ni Zha? Ahh! Siya pala yun. Yung pinagtanungan namin ni tito.

"Ahh. Nice to meet you! Sorry ha. Tatakbo na sana ako eh hahaha." Sabi ko sabay abot ng kamay ko.

"Sorry din. Baka kasi mahulog ka kanina, mahulog sa akin." Natawa ako sa sinabi niya at pinalo siya sa braso.

"May pagbanat agad." Sabi ko at tumawa nalang.

Tinignan ko si Zha at ang sama ng tingin niya kay Gino.

"Tara samahan ka na namin sa Guidance. Binilin ka din sa amin ni tita Zia eh." Tumango naman ako at nilead niya yung way.

Di ko namalayan na nahawak pa din sa braso ko si Zha. Para akong bata.

"Uhm Zha ay Zhaled yung kamay ko." Sabi ko at nginuso yung kamay ko.

Bigla niyang inalis yung kamay niya at dumiretso ng tingin. Nakarating na din kami sa may guidance at tinulungan nila ako magenroll.

"Wow ayos to ah! Magkakaklase tayo! Sama ka na sa tropa namin." Sabi ni Gino at inakbayan ako.

Ngumit naman ako at inalis yung pagkakaakbay niya. Ang bigat eh!

"Tara hanapin natin room natin!" Masiglang sabi niya habang kami dito sumusunod lang sa kanya.

Habang naglalakad kami may nakasalubong kami na babae.

"Hey Claire." Nakangiting bati ni Gino sa nakasalubong namin.

"Uy Gino, Zha magkakaklase tayo." Sabi niya at tumalon pa.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon