Chapter 22 (As the sun sets the moon will be there)

40 18 0
                                    

As the sun sets , the moon will be there.

Sat's POV

Ramdam ko yung pagtulo ng dugo sa ulo ko. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa lakas ng pagkakabangga ng truck sa kotse ko.

"Pa.." Sabi ko sa kawalan.

"Oliver! Tama na! Ako na mag-da drive."

"Ako na! Di ka marunooooong! Hik."

"Lasing na lasing ka pre. Nandyan anak mo. Please hayaan mo na ako." Namukhaan ko ang sumisigaw. Ito ay si papa.

Kinukuha ng isang lalaki yung manibela kay papa. Pinipigilan siya ni papa pero pinipilit pa din ng lalaki na kunin ang manibela.

"Hin-di ka ma-runo ong hik." Sabi ng lalaki at siniko ng napakalakas si papa.

"Papa! Hayaan mo na si tito!" Sigaw ng babae na nasa tabi ko.

"Makakauwi na tayo anak hik." Sabi ng lalaki.

Sinapak ng lalaki ang papa ko kaya bigla akong napasigaw.

"Papa!" Sigaw ko.

Napalingon sa akin si papa. At tuluyan ng nakuha ng lalaki ang manibela. At kasabay nun ang pag-bangga ng kotse sa isang truck. Yumuko ako sa sobrang takot at pagkamulat ko ay duguan ang aking ulo.

Nakita ko ang nasa tabi kong babae na nahimatay kaya't niyugyog ko siya.

"Ate Andi.." Sabi ko hanggang sa magising siya.

"Hmm.." Sabi niya at minulat ng kaunti ang mata.

Duguan na din ang kanyang ulo pero nakayanan niya pa din gumising.

"Anong nangyari?" Sabi nito at tinignan ako ng maigi.

"Ate And-i tulong tayo, hingi tulong pa-pa! Ospital." Sabi ko daw sa kanya.

"Pupunta tayo ospital? Pero paano? Tignan mo sobrang lala ng sitwasyon ng mga tatay natin." Sabi nung babae na nasa tabi ko na di ko pa din maaninag ang mukha.

"Pa-ano pa pa at pa pa mo." Sagot ko daw sa kanya.

"Kailangan lang natin humingi ng tulong." Sabi ng babae at may kinuha siya sa pocket ng papa niya.

Cellphone ata at may tinawagan ito.

"Ma-ma.. naaks-idente ka-mi." Sabi niya ngunit di ko marinig ang sinasabi ng nas akabilang linya.

Nakita ko siyang tumingin sa may front seat at tinignan niya ata kung sino ang nagdadrive.

"Ma? Si tito po ang nagdadrive." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya at sasabihin sana na hindi si papa ang nagdadrive kung hin--

"Pero.. jaidhsvaishsbskdoaa." Di ko na maintindihan dahil bigla nalang akong hindi makahinga.

"Use this inhaler, go! Hinihika ka na ata." Sabi sa akin ng babaeng katabi ko.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon