Chapter 19 (Allergy?)

56 20 0
                                    

Allergy?

Claire's POV

Nakatitig lang ako magdamag sa kisame simula pa kaninang umaga. Iniisip ko yung sinabi ni Diane. Kung totoo naman kasi yun bakit hindi nagexplain sakin si Chase. Did you even let him explain? Hindi. Hindi ko siya pinakinggan.

Hanggang ngayon hindi ko pa din siya pinapakinggan. Kinuha ko yung phone ko at tinype yung number niya baka sakaling yun pa din number niya.

Nakakahiya naman kung bigla bigla nalang ako tatawag diba. Oo nakakahiya. Binitawan ko yung phone ko at tinakpan ng unan yung mukha ko.

"Uh! Tapos na yun! Bakit kailangan mo pa balikan?" Sigaw ko.

Tumayo na ko at naglakad lakad muna sa may labas baka sakaling makalimutan ko yun.

Habang naglalakad ako nakita ko si Andi sa may pababa papuntang park. Sino kausap nun? Lalapit sana ako pero naout of balance ako.

"AHHHHHHH!" Sigaw ko pero naramdaman ko yung paghawak ng isang tao sa wrist ko bago ako mahulog.

Hinila niya ako kaya napayakap ako sa kanya. Tumingin ako sa kanya.

"Ok ka lang?" Tanong niya.

Tumulo nalang bigla yung luha ko kaya agad ko yun pinunasan.

"Oo.." Sabi ko.

Bigla siyang bumitaw sakin at tumango.

"Sorry.. napadaan lang ako at nakita kita na madudulas. Di na kita ulit hahawakan." Sabi niya at dumistansya ng onti sa akin.

Mas lalo tuloy akong naguilty sa sinabi niya.

"U-h.. Cha--"

"Sige mauna na ko." Sabi niya at tumalikod na.

Palayo na siya ng palayo pero di ko pa din mabuka yung bibig ko.

"Chase--"

"Claire?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Andi.

"Andi." Sabi ko at ngumiti ng tipid.

Nakatingin pa din ako kay Chaser na sobrang layo na.

"Sino tinitignan mo? Yun ba ex mo?" Sabi niya kaya nanlaki mata ko.

"EX! HEY EX! LINGON KA HERE!" Sigaw ni Andi kaya nagulat ako.

Nakita kong lumingon si Chase samin at nagtaka.

"HALIKA DITO EX! MAY SASABIHIN SI CLAIRE!" Sigaw ulit ni Andi kaya pinalo ko siya.

"Eto oh kinikilig na namamalo na!" Sabi niya pa.

Bumalik si Chase at tumingin sa amin.

"Ano? Ano uhm." Sabi ko dahil di ko naman alam sasabihin ko.

"Alis na ako ah! Bye Claire." Sabi niya at naglakad na palayo.

"Andi!" Sigaw ko pero di siya lumingon. Tumingin ako kay Chase at parang nagaantay siya ng sasabihin ko.

"Uhm.. ganto kasi." Sabi ko.

Nauutal ako kasi sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ano?" Tanong niya.

"Ma-y iki-c-lear la-ng san-a ako.." Halos di na ko makahinga sa mga sinasabi ko.

"Hmm? Ano yun?" Sabi niya.

"Diba kasi ano hindi maayos yung break up natin." Sabi ko.

"Hmm oo pero ok lang matagal na din yun." Sabi niya at ngumiti.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon