Chapter 30 (Merry Christmas)

43 17 0
                                    


Merry Christmas

Sat's POV

"Merry Christmas!" Sabi ni mama at nag-toast kami ng wine.

Kami lang dalawa ni mama dito sa bahay nag-cecelebrate, yung mga relatives kasi namin nasa probinsya.

"Kung nandito lang sana papa mo sabay sabay sana tayong nag-cecelebrate." Sabi ni mama.

"Ano ka ba ma! Papa is always with us no matter what!" Sabi ko para gumaan yung atmosphere.

Nag-pamusic na din ako para di naman sobrang tahimik.

"Exchange gifts na tayo?" Sabi ko kay mama.

Tumango si mama at nagpunta kami sa may sala. Kukunin ko na sana yung regalo ko kay mama ng may kumatok.

"Ako na." Sabi ni mama at pumunta sa may pinto.

"Merry Christmas tita!" Nagulat ako at napatingin sa may pintuan.

"Uy bat kayo nandito?" Tanong ko.

"Syempre nga diba mas madami mas masaya. Tsaka nakakaurat naman kung kami kami lang nila mama nasa bahay kaya sinama na din namin sila." Sabi ni Claire.

"Nako baka hindi mag-kasya ang pagkain." Sabi ni mama.

"No worries tita may dala akong pasta and chicken." Sabi niya at tinaas ang pagkain na hawak niya.

"Ako naman tita may cake, ice cream, and leche flan." Sabi naman ni Gino.

"May carbonara tsaka pancit ako bes." Sabi naman ni Tita Zia.

"May dala po akong drinks."

"Andi!" Sabi ko at niyakap siya.

"Ay siya lang ang niyakap?" Sabi ni Claire.

"Uy thank you sa inyong lahat ah! Pasok na kayo kasya na yan sa atin." Sabi ko at nagive way na para makapasok sila.

"Napakatahimik ng pasko dito sa village eh, Tayo na ang mag-paingay." Sabi ni Tita Clarisse, mama ni Claire.

"Oo dumaan ako dyan sa may likod nako parang walang katao tao. Pati na rin sa may village namin wala ding ganap, eto naman si Chaser niyaya daw ni Claire kaya sinama na kami." Sabi naman ni Tita Alex, mama ni Chase.

Iniwan ko na sila sa may kithen at umupo kasama sila Claire. Tumabi ako kay Zha at nginitian siya.

"Merry Christmas." Nakangiting sabi ko.

"Merry Christmas din." Sagot niya.

"Oy oy kami din batiin niyo." Sabi ni Gino.

"Merry Christmas sa inyo!" Sabi ko.

"Sayo din Andi!" Natuwa ako ng makita ko si Andi kanina. Nakapag-usap kami last week but then di na ulit kami nakapagusap after that.

"May regalo nga pala ako sa inyo." Sabi ni Andi at may kinuha na mga nakabalot.

Binigay niya sa amin isa isa at binuksan namin sabay sabay.

"Wow! Panyo!" Sabi ni Claire.

Ang cute nung panyo na niregalo niya based on favorite color namin.

"Thank you Ands." Sabi namin.

Nag-bigayan na kami ng regalo at natapos na din after ilang minutes. Nag-sikainan na kami at tumambay muna ako sa may labas.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon