Chapter 3 (Zhaled Not Zha)

103 36 20
                                    


Zhaled Not Zha

Zha's POV

Hindi ko alam kung gaano ko sinisisi sarili ko. Kung hinatid ko lang sana sya hindi sana ito mangyayari.

"Nak kumain ka naman oh. Magkakasakit ka niyan eh." Tumingin ako kay mama at umiling.

"Di ko kayang kumain ngayong nasa coma si Sofie dahil sakin." Sabi ko at humiga ulit sa kama.

"Zha bakit mo lagi sinisisi sarili mo? Wala kang kasalanan." Sabi ni mama at tumabi sakin.

"Then sino?! Sino?! Ni hindi nga mahanap sino nakabangga sa kanya!" Sigaw ko dahil mapapatay ko kung sino man nakabangga sakanya.

"Nak everyone, no, everything happens for a reason. Kaya please stop. Hindi magugustuhan ni Sofie na makita kang ganyan." Tumalikod nalang ako.

"Mas ok na to sana macoma din ako para parehas na ka--"

"Zha! How dare you?!" Hinila ako ni mama para maharap sa kanya.

"Just get out." Sabi ko.

Tinitigan ako ni mama pero pinikit ko nalang ang mata ko.

Umalis na ata si mama kaya payapa na siguro ako. Ano oras na ba? Pupunta ako ospital mamayang alas tres ako na magbabantay kay Sofie.

Patayo na ko di na naman siguro ako guguluhin ni mama. Nagulat ako ng may kumatok kaya napahiga nalang ulit ako.

Nagkunwari akong tulog para di na ko istorbohin.

"Zha?" Nanlaki mata ko at napaupo bigla.

Tinignan ko siya ng masama.

"Why are you here?" Tanong ko.

Hindi ko alam pero naiinis ako pag nakikita ko siya. Wala naman siyang ginagawa pero yung ginawa niyang pagiwan sakin dati di ko malilimutan.

"Sabi ko sayo I'm your friend diba. Kaya nandito lang ako para alalayan ka." Lies. All lies. We even promise na hindi kami maghihiwalay pero ano nangyari?

Tsaka hindi din naman siya safe pag ako kasama niya. I can't even protect her that day.

"Ano ba Zha! Bakit ka ba ganyan! Hindi maman kita iniwan eh. Kaya nga andito ako eh." Sabi niya at tumabi sakin.

"Zha please ngayon mo kailangan ng kaibigan wag mo naman ako itaboy." Pagpilit niya sakin.

"I don't need you. I need Sofie." Sabi ko.

"Therefore kumain ka na. Hindi ka macocoma dahil sa hindi pagkain. Mamatay ka nun." Sabi niya at pinilosopo pa ko.

"Bumaba ka na. At wag mo na papaiyakin yung nanay mo.." Sabi niya at tumalikod na sakin.

Papaiyakin? Umiyak si mama? Tumayo ako kahit ayoko at wala akong gana. Pero isa sin si mama sa pinakaimportante sakin kaya di ko kayang nasasaktan sya.

Bumaba na ako at nakaupo sa dining si Saturn na parang inaantay ako. Lumingon siya sakin at ngumisi. Umiwas nalang ako ng tingin dahil naiinis ako sa kanya.

Sat's POV

Napangiti ako ng makita siya bumaba para kumain. Umupo siya sa tapat ko. Tinitigan ko lang sya habang kumukuha siya ng pagkain.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon