Chapter 35 (Ending)

87 17 4
                                    

Ending

Sat's POV

"Saturn!" Sabi ng isang lalaki sa akin.

"Huh? Sino ka?" Tanong ko daw.

"Ako si Zhaled! Taga dyan lang ako oh!" Di ko siya pinansin at tumulala lang ulit.

"Balita ko.. yung papa mo.." Bigla akong napatingin sa kanya at sinamaan ng tingin.

"Ano?" Kunot noo na sabi ko.

"Wag ka na malungkot Saturn kahit wala na yung papa mo, may bago ka namang kaibigan." Sabi niya at tumabi sa akin.

"Di ko kailangan ng kaibigan." Sabi ko at tumayo na para umalis.

"Huy sa mga panahong ganto kailangan mo ng kaibigan! Andito lang ako!" Di ko siya pinansin at nag-patuloy lang ako sa pag-lalakad.

"Ouch!" Di ko nakita na may humps pala dun, natapilok ako.

Nakita ko ang anino niya sa gilid ko at nilabas niya ang palad niya. Nag-dalawang isip ako kung kukunin ko ito o hindi. Pero di nagtagal ay inabot ko ang kamay niya.

At yun ang unang beses na naramdaman ko na may kaibigan ako.

"Kaibigan na tayo ah!" Sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Oo! Saturn nga pala! Pero Sat nalang!" Masayang bati ko sa kanya.

"Ako Zha nalang! Tara laro tayo!" Sabi niya.

Napangiti ako ng sumagi sa isip ko ang unang beses naming pagkikita ni Zha.

Palaging sinisisi ni Zha ang sarili niya tuwing napapahamak ako pag kasama ko siya.

Ang hindi niya alam kapag napapahamak ako palagi siyang nandyan sa akin. Palagi siyang nakaprotekta kung ano man na masamang mangayri sa akin. Na hindi niya alam siya lagi ang nag-sasave sa mga katangahan ko.

Dahil ang totoo wala naman siyang kasalanan eh. Wala siyang kasalanan dahil ako ang gumagawa ng dahilan para mapahamak ko ang sarili ko. At sa mga panahon na nasa ganun ang sitwasyon. Palagi siyang dumadating. Palagi siya ang nandyan.

Sa perspective ng iba ay parang siya ang downfall ko pero para sa akin siya ang pumipigil sa pagkabagsak ko. Pero iba na ata ngayon. Wala siya ngayon sa tabi ko. Wala siya para palakasin ang loob ko.

Wala siya para hawakan ang kamay ko. Umalis na siya ng hindi ko man lang masasabi na mahal na mahl ko siya. Wala ng kasiguraduhan na magkikita kami pero di ko man lang naparamdam na mahal ko siya hanggang huli.

Zha's POV

"Zha! Yung flight mo!" Sigaw ni mama pero di ko siya pinansin. Hinawakan ko ang ticket ko at nilukot ito at tinapon sa nakita kong basurahan.

Dinial ko agad si Claire pero nakapatay na ang phone niya. Sumunod naman ay si tita pero hindi siya sumasagot.

Hindi ko alam kung saang ospital siya dinala pero eto ako nakasakay na sa kotse ko ng hindi alam kung saan ako pupunta.

Yung tibok ng puso ko ay mas mabilis pa sa paghinga ko. Tinawagan ko si Gino at di nagtgal ay sumagot din siya.

"Zh--"

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon