Chapter 11 (Zha and Gino)

83 31 11
                                    

Zha and Gino

Sat's POV

"Nak gumising ka na dyan." Narinig kong sabi ni mama sa may pinto ng kwarto ko.

Kanina po ko gising pero parang ayoko bumangon. Ayoko pumasok.

"Ma.. Ansakit ng ulo ko *cough." Pag-ubo ko kunwari.

Nakakatamad pumasok. Ayoko muna makita si Zha. Kaso pano ko di makikita yung lalaking yun eh magkatabi kami? Hays.

"Sat ano ba nangyayari sayo. Patingin nga." Sabi ni mama sabay hawak sa noo ko.

"Oh di ka naman mainit." Sabi ni mama.

"Nilamig ata ako ma kahapon. Sobra sobra sakit ng ulo ko." Pagdadahilan ko.

"Ay baka lumala pa yan wag ka na pumasok." Sabi ni mama. Yes gumagana plano ko.

"Pero ma andami kong mamimissed ngayong araw." Pag acting ko kunwari.

"Nako wag mo na alalahanin yun. Matulog ka nalang muna dyan." Sabi ni mama.

Ngumiti naman ako nung nakaalis na siya.

Bait talaga ni mama. Pero first time ko talaga tong umabsent ng walang sakit. Meron pala yung puso ko. Bakit ba kasi nagkagusto ako sa kanya? Eh ang cold cold niya minsan sakin. Paano? Maiintindihan ko pa kung nagkagusto ako sa kanya nung dating siya pa yung ugali niya. Pero yung ngayon? Hindi ko maisip kung paano.

Napatitig nalang akp sa kisame at nagisip ng napakalalim. Dami kong tanong. Paano kung magising na si Sofie? Kakayanin ko bang makita silang magkasama? Nagmamahalan?

Lalayo na ba ko ngayon para maprevent kong mahulog sa kanya ng tuluyan?

Ilang oras na din ata akong nagiisip dito pero naiirita lang ako sa sarili ko.

Paano ba? Nababaliw na ako dito.

"Uh! Nakakabaliw!" Sigaw ko sa kwarto ko.

"Ang alin?" Nanlaki mata ko at napatingin sa may pinto.

"Zha?!" Napatayo ako bigla.

"Oh? Ok ka lang?" Tanong niya sakin.

"Bat ka nandito?" Tanong ko.

Zha's POV

"So good morning class." Bati bg teacher namin.

Tumingin ako sa upuan na bakante sa tabi ko. Bakit wala siya?

"Uy, absent si Sat?" Tanong ni Claire sa akin.

"Nakikita mo ba siya?" Tanong ko.

"Hindi hehe. Bakit kaya siya absent?" Nagkibit balikat nalang ako kasi di ko naman talaga alam.

*beep

From: Tita Venus

Hi Zha! I want to inform u na di makakapasok si Sat kasi may sakit siya. Nalamigan daw kahapon? Update her nalang about the lessons thank you.

"Ahh may sakit pala siya?" Napatingin naman ako kay Vlaire na nagbabasa ng message ko.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinago cellphone ko.

"Uy Gino kaya pala abse--" Hinawakan ko yung kamay ni Claire at pinisil. Umiling ako na parang sinasabi na wag niya munang sabihin.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon