Chapter 32 (Blue Dress)

47 18 0
                                    

Blue Dress

Sat's POV

Inabot sa akin ni Andi yung papeles at inabot ko agad yun sa mga pulis.

"Eto na po ang medical records ni Sofie. Hindi na po siguro kailangan umabot sa korte?" Tanong ko sa isang pulis.

Binuksan niya ang papeles at lumingon kay Tita Sandy.

"Ma'am kung magsasampa ho kayo ng kaso ay wala kayong laban. Kitang kita po na walang kasalanan si Mrs. Guerrero." Sabi ng pulis.

"Hindi pa ako tapos sa inyo. Babalik ako!" Sabi niya at nag-walk out na ng tuluyan.

Tinignan ko si mama at sinalo siya ng matumba siya.

"Ma ok ka lang?" Tanong ko.

Tumango siya sa akin at tumingin kay Andi. Lumapit siya kay Andi at hinawakan niya ito sa kamay.

"Ik-aw ba? Ikaw ang is-ang anak ni Oliver?" Tanong ni mama kay Andi.

Tumango naman si Andi at nagulat siya ng yakapin siya ni mama.

"Sorry.. sorry sa pag-kakamatay ng tatay mo. Sorry kung nag-drive ang asawa ko." Sabi ni mama at hinawakan sa kamay si Andi.

"Paano ako makakabawi sayo? Sabihin mo lang gagawin ko." Pahabol na sabi ni mama.

"Nako tita, I already remember what happened during the accident." Napatingin ako sa sinabi ni Andi.

"It was my father's fault. Inagw niya ang manibela kay tito. Kaya ako dapat ang mag-sorry tita." Sabi ni Andi at luluhod sana pero pinigilan siya ni mama.

"No. Wala kang kasalanan iha. Salamat pala sa pag-tulong mo sa anak ko. If ever kailangan mo ng tulong wag ka mahihiya mag sabi sa akin." Sabi ni mama.

Nang matapos na silang mag-usap ay sabay sabay na kaming umuwi para makapag-pahinga na.

Zha's POV

"Uy ano yan?" Tanong n Gino sa akin.

"Nag-hahanap ako ng pwede ibigay kay Sat. Mag-iisang taon na kami." Sabi ko habang nag-titingin sa online store.

"Ang bilis naman ng panahon parang kahapon nag-aaway pa kayo ah." Sabi ni Chaser.

"Bro dapat isurprise mo siya. Yung romantic." Sabi ni Gino kaya napatingin ako sa kanya.

"Romantic?" Tanong ko. Wala naman kasi akong alam sa mga ganun eh.

"Oo yung mapapanganga siya tapos maiiyak siya sa tuwa. Diba Chase?" Sabi ni Gino.

"Ano naman gagawin ko?" Tanong ko.

"Ikaw isipin mo yung pinakagusto ni Sat." Sabi niya sa akin.

"Ako pinakagusto niya." Sabi ko. Nakita kong nag-cringe sila kaya natawa ako.

"Seryoso kasi, mag-isip ka na. Kailan ba yan?" Tanong ni Gino.

"Next week pa naman." Sabi ko.

"Edi yun may time ka pa para mag-isip."

"Mag-isip ng?" Nagulat kami ng biglang sumulpot si Sat sa likod.

"Saturn!" Sabi ni Gino kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gulat na gulat Gino?" Natatawang tanong ni Sat.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon