Chapter 8 (Ferris Wheel)

65 32 12
                                    

Ferris Wheel

Sat's POV

Napakagood-mood ko ngayon dahil sa nangyari kahapon. Nandito kami ngayon sa may canteen kasi breaktime na.

Kasama ko si Claire, Kami lang dalawa kasi may gagawin sila Zha.

"Uy grabe makangiti ah. Kwento naman dyan." Sabi ni Claire na parang inaasar ako.

"Wala masaya lang ako hahaha." Nakangiting sabi ko.

"Weh maniwala ako? Pero sige sabi mo eh." Sabi niya.

"Hi girls!" Biglang may bumati samin. And si Chaser pala.

"Hello!" Bati ko sa kanya.

"Ginagawa mo dito?" Tinaasan siya ng kilay ni Claire.

"Ang sungit naman nito. Buti pa si Sat." Sabi ni Chaser.

"Pwede ba Chaser? Hindi mo makukuha si Sat. Di mo din siya maloloko!" Sigaw ni Claire na parang naiinis.

"Ikaw nga nakuha ko eh." Sabi niya tas nagwink kay Claire.

Hmm may bagay ata akong di alam ah. Tinignan ko si Claire na parang nangaasar.

"What? It's not what you think! And ang tagal na nun Chaser. Di ka pa din nakakamove on?" Tanong niya na naiinis.

"Baka ikaw ang di pa nakakamove on." Pangaasar ni Chaser.

"Kapal ng mukha mo babaero ka." Naiinis na sabi ni Claire.

Okay naoout of place na ako. Ano ba pinaguusapan nila?

"Matink lang sa chicks nakipagbreak agad? Yun ba yung mahal?" Natatawang tanong ni Chaser.

"Well I guess? Hindi yata kita minahal?" Sabi ni Claire at nagroll eyes pa.

"Ouch naman." Sabi ni Chaser.

"Ano ba meron? Di ako makarelate sa inyo." Singit ko kasi baka maging awkward yung atmosphere.

"Wala!"

"She's my ex." Sabay pa nilang sabi.

Di naman ako nagulat kasi inassume ko na din.

"Oww.. Ang sad naman nun." Sabi ko.

"Kaya ikaw Sat. Wag ka papauto sa mga lalaki. Mga manloloko yan. Papasok sa relasyon may mahal pa palang iba." Sabi ni Claire at umiling iling pa.

"Nako ikaw lang masasaktan Sat. Pumili ka ng tao na wala kang kaagaw!" Pag tuloy ni Claire.

"Wala naman akong mahal na iba. Ikaw lang talaga yung bumitaw." Seryosong sabi na ni Chaser.

"Uy ano ba kayo hahahaha. Past na yun maging friends ulit kayo." Natatawang sabi ko.

"Friends my ass hmp." Sagot ni Claire.

"Chaser sabay ka na samin kumain oh." Pagyaya ko sa kanya.

Umupo naman siya agad sa tabi ni Claire. Nagkwentuhan lang kami and after that sabay sabay na kaming pumasok sa room.

Pagdating namin nandun na sila Zha. Umupo na ako sa tabi niya kasi magkatabi kami.

Bat ganun di pa din niya ako kinakausap? Akala ko ok na kami.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon