Blame
Sat's POV
"Claire?" Tawag ko kay Claire pagkalabas ko.
"Sumama ka sa akin." Sabi niya at hinila ako.
"Saan mo ko dadalhin?" Tanong ko pero hinigit niya ako at tinakpan yung bibig ko.
Dinala niya ako sa kabilang CR kung saan wala na masyadong tao.
"Ano ba! Timothy!" Sigaw ko ng ilock niya ang pinto.
"Manahimik ka!" Sigaw niya.
"Bumalik na tayo dun! Ano ba nangyayari sayo?!" Sigaw ko pabalik.
Bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Claire na magingat ako sa kanya. Tinignan ko yung paligid ko pero wala atang pag-asa na makatakas ako dito.
"Bumalik? Wala ng balikan to. Sakin ka ngayong gabi." Nanlamig ako sa sinabi niya at pumunta sa may sulok.
"Ti-mothy.."
"Kung ano man iniisip mo wag mo na ituloy. Bumalik na tay--"
"AAAGH!" Sinapak niya ulit ako sa sikmura kaya napaupo ako.
"Manahimik ka na!"
"Tulong!"
"Wala ng makakaalam na nandito ka. Liblib tong lugar na to." Sabi niya at sinampal ako.
"Nakakadiri ka!" Sigaw ko.
"Palaban ang jowa ni Zhaled I like it!" Sabi niya.
"Maaw-a ka Timothy! P-lease!" Sigaw ko pero hinigit na niya yung kamay ko at nakapatong na siya sa akin.
"Plea-se! Stop!"
"Ay oo nga pala, Ako pala ang nambugbog kay Diane nung araw na nasa CR tayo. Mali ata kayo nang nahuli. Pero thank you na din nakaligtas ako HAHAHAHAHAHA!" Para siyang baliw na nagsasalita pero ni isa wala na akong maintindihan.
"At ikaw ang susunod ko! Ikaw ang magbabayad ng ginawa sa akin ni Zhaled!"
"Ikaw ang magbabayad ng paghihirap ko! Ikaw!--"
"WHAT THE FUCK AGH!" Sigaw niya ng tuhudin ko ang ano niya.
"Palaban ka talaga ah! Dito ka!" Sabi niya at binato ako sa may dinding.
Naramdaman ko ang pagdugo ng ulo ko kasabay nun ang pagbukas ng pinto.
"Itigil mo yan!" Sigaw ng isang lalaki at sinapak si Timothy.
"Walang hiya ka! Tao ka ba?! Animal ka!" Sabi neto at pinagsusuntok si Timothy.
"Hulihin niyo yan! At siguraduhin niyong hindi na yan makakalabas!" Sabi niya at lumapit sa akin. Lumapit sa akin si Hunter.
"Ok ka lang?" Tanong niya at hinawakan ako.
Wala akong magawa kung hindi umiyak kahit anong pigil ko. Hindi ko kayang pigilan.
"Nasan yung gagong yun?!" Sigaw ni Gino pagkadating niya dito.
"Wag ka na magaalala dinampot na siya ng mga pulis." Sabi ni Hunter.
"S-i Zh-a? Alam niya ba to? Baka sisihin niya sarili niya wag niyo sas--"
"Sat! Muntikan ka ng marape si Zha pa din? Alam niya! At papunta na siya dito!" Sigaw ni Gino sa akin kaya mas napaiyak ako.
BINABASA MO ANG
Tangled Destiny, Sat And Zha
Novela Juvenilchildhood friends named Saturn and Zhaled needs to seperate because of Saturn's health condition. after how many years they reunited but Zhaled changed so much, and she already have a girlfriend who was involved in an accident and ends up being in c...