Flashback
Zhaled's POV
"Ma ayoko nga sabi!" Sabi ko at nakakunot noo na dito habang kumakain.
"Ano ba Zha. Kaibigan mo yun,kababata mo. Walang kilala yung tao sa school niyo. Hahayaan mo ba siyang magisa?" Sabi ni mama. Ano naman kung mag-isa siya? Kaya na niya yan.
Di ako umimik kaya tinapik ako ni mama sa braso.
"For me Zha pleaseee." Sabi ni mama at nagcling pa sa braso ko.
"No." Sabi ko at inalis yung kamay niya.
"Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Sat? Parang dati lang di kayo magpahiwalay." Bakit nga ba? Bakit nga ba naiinis ako tuwing nandyan siya?
Isang pangyayari lang yun at matagal na pero bakit naghohold pa din ako ng grudge?
"Dati yun ma. Napaghiwalay nga kami diba so it's also possible na never na akong masasangkot sa kanya." Mahinang sabi ko.
"Hmp. Kawawa naman si Sat. Mag-isa siyang kakain, uuwi, maglulu--" Di ko na pinakinggan si mama at umaakyat na.
Napaisip ako sa sinabi ni mama. Bakit nga ba kinamumuhian ko siya? I just hate the fact na ang ayos ayos niya na bumalik dito while me? I waited for her tapos nung time na masaya na ko nadisgrasya yung taong mahal ko. Tapos bigla siyang bumalik. Naalala ko yung time na birthday ko. Yung time na akala ko babalik na siya pero di pala.
Flashback
5 years ago.
So birthday ko na! Mag-13 na ko. Finally teen na din ako. Masaya din ako ngayon kasi babalik na si Sat. Kababata ko pala si Sat. Maganda siya mabait at matalino. Kaya nga crush ko siya eh. Kahit andaming nagkakacrush sa school sakin binabalewala ko lang kasi may inaantay ako.
"Zha. Tara na andami ng bisita sa labas." Sabi ni mama pagkabukas niya ng pinto.
"Ma sila Sat po nandyan na?" Tanong ko at ngumiti ng malaki.
"Ang sabi ni Venus kahapon nagreready na sila. So baka parating na sila nak." Sabi ni mama at lumapit sakin.
Ngumiti ako ng napakalaki at niyakap siya.
"Makikita ko na ulit si Sat ma! After ilang years magkakasama na ulit kami hehe." Sabi ko ng hindi pa din nawawala yung ngiti sa labi ko.
"Masaya din ako para sayo Zha. Pati ako excited na din!" Sabi ni mama.
Niyaya na ko ni mama bumaba. At ang dami ngang tao mga classmate ko na dapat classmate dinni Sat.
"Ma! Pahiram naman cellphone. Itetext ko lang si Sat." Sabi ko at hinahanap sa bulsa ni mama yung phone.
Binigay naman ni mama agad yung phone. Dinial ko agad yung number ni tita Venus pero out of reach. Tinext ko nalang sila, makikita naman nila siguro to.
To: Venus
Hi tita! Si Zha po ito. Magbibirthday na po ako. Saan na po kayo ni Sat malapit na po ba kayo?
Sent
Binalik ko na yung phone kay mama para makipagusap na din sa mga kaklase ko. May isa lang akong tinuturing na bestfriend si Gino. Kaso may isa siyang bestfriend si Sofie. Ok lang naman may isa din naman akong bestfriend si Sat. Hindi ko pa namemeet si Sofie kasi taga ibang school siya.
BINABASA MO ANG
Tangled Destiny, Sat And Zha
Genç Kurguchildhood friends named Saturn and Zhaled needs to seperate because of Saturn's health condition. after how many years they reunited but Zhaled changed so much, and she already have a girlfriend who was involved in an accident and ends up being in c...