The Truth
Zha's POV
"Nakuha ko na yung footage Sir." Sabi ng taong hinire namin ni mama para magimbestiga.
"Wait, Itago mo muna. I'll just make a call." Sabi ko at dumistansya na ng kaunti.
Tinawagan ko si Sat para papuntahin dito.
"Hello." Bati niya sa akin.
"I have the footage already. I'll wait for you." Sabi ko at binaba na yung call.
Bumalik ako Kuya Ten at sinabing ilagay na sa laptop. Tinawag ko na din si mama para mapanood na namin. Plinay na ni Kuya yung video habang kami nakatitig lang sa screen.
Nang matapos na yung video nagkatinginan kami ni mama.
Sat's POV
"Use this inhaler, go! Hinihika ka na ata." Sabi sa akin ng babaeng katabi ko.
Umiiyak na ako at hawak hawak lang ng babae yung kamay ko. Tapos..
Uh. Bakit di ko na talaga maalala. Tumawag kasi si Zha eh kaya nawala sa isip ko.
"Ma aalis lang ako." Sabi ko kay mama.
"Oh! Bawal umalis, may pupuntahan tayo nakasched na yun ngayon." Sabi ni mama.
"Saan naman ma?" Tanong ko.
"Diba gusto mo sa bar mag debut? Magpapareserve na tayo." Nakangiti na sabi ni mama.
"Ma importante to. Pwede ba yan ipagpaliban?" Tanong ko.
"Aba ano ka ba next week na ang debut mo tapos wala pang ganap? Nako hindi, sasama ka sa akin." Sabi ni mama at hinila ako paakyat.
"Magbihis ka na ha. Aalis na tayo." Sabi ni mama kaya wala na din akong nagawa.
Tinawagan ko nalang ulit si Zha.
"Zha! Di pala ako pwede ngayon. Isasama daw ako ni mama para magpareserve dun sa pagdedebuthan ko." Sabi ko at sumimangot.
"Then I think I'll shall go with you?" Tanong niya.
"Nako wag na. Baka maistorbo ka pa." Sabi ko.
"I'll be there in 10 minutes." Sabi niya at binaba na yung call.
Wala na din akong nagawa kaya nag bihis na din ako. Simpleng jeans and t-shirt lang tutal malayo layo yung pupuntahan namin. Dun ko nalang itutuloy panaginip ko sa kotse.
"Ma! Sasama daw si Zha!" Sigaw ko.
"Sige nak! Mag-aayos muna ako dito. Antayin niyo nalang ako sa may sala." Sagot ni mama.
Ilang minutes lang ay dumating na din si Zha kasabay ng paglabas ni mama sa kwarto niya.
Lumabas na kami at nakita ko na nandun pa din yung driver ni mama. Kaya pala biglang kumuha ng driver si mama nun kasi siya yung nakabangga kay Sofie, I mean maaring nakabangga kay Sofie.
Sumakay na kami sa kotse at nasa likod kaming dalawa ni Zha. Sinandal na ako ni Zha sa balikat niya pero bigla prumeno yung kotse kaya napasubsob kami.
"Kuya ano ba!" Galit na sabi ni mama.
"Mag-ingat ka please!" Sigaw niya.
"Ma." Sabi ko at parang pinapakalma siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/209851805-288-k818092.jpg)
BINABASA MO ANG
Tangled Destiny, Sat And Zha
Dla nastolatkówchildhood friends named Saturn and Zhaled needs to seperate because of Saturn's health condition. after how many years they reunited but Zhaled changed so much, and she already have a girlfriend who was involved in an accident and ends up being in c...