Goodbye?
Sat's POV
FLASHBACK
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin iha?" Tanong ni Tita Sandy sa akin.
"Ano po kailangan niyo?" Tanong ko.
Ngumiti siya sa akin na nagpatindig ng balahibo ko.
"Well wala ka talagang balak papasukin ako so I'll be straightforward." Sabi niya.
"Ano nga po kai--"
"Layuan mo si Zha." Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko.
"Umalis na po kayo." Sabi ko at aalis na sana.
"Kinakausap pa kita. Ganyan ka ba talaga pinalaki ng nanay mo? Bastos!" Sabi niya kaya napalingon ako.
"Pinalaki ako ng maayos ng nanay ko kaya nagtitimpi pa din ako hanggang ngayon." Sabi ko.
"Break up with him and I promise na hindi ko na kayo guguluhin." Tita Sandy.
"Kahit anong sabihin niyo umalis na kayo dahil wala po kayong mapapala sa akin." Sabi ko.
"Getting a footage illegally is a crime right baby girl?" Napatingin ako sa sinabi niya.
"At alam mo naman siguro. Na kinuha ni Zha ng walang pahintulot ang cctv footage. I told them not to show others but he bribed the guard.."
"Ano bang kaso ang pwedeng isampa sa kanya? Bribery? Taking a footage illegally? Mamili ka nga iha." Tita Sandy.
"Uh? Bakit natameme ka ata dyan? I'm giving you the choice. Both nalang kaya? Mas mabigat mas matagal."
"Ano bang gusto mo?" Hindi na ako nakapagtimpi at di ko na ata kaya siyang galangin.
"Simple lang naman diba? Layuan mo si Zha." Pinipigilan ko ang sarili ko na mag-burst out.
"At pag hindi ko ginawa?" Tanong ko.
"He'll rot in jail. Tutal siya din ang may kasalanan ng pagkamatay ng anak ko."
"So what's your decision baby?" Napalunok ako at di ko alam ang isasagot ko.
"Wag na wag mong gagalawin si Zha." Sat.
"Then do your job darling. Stay away from Zha. Hindi ko hahayaan na magkaron kayo ng happy ending?" Sabi niya at tumawa ng malakas.
"I'll take that as a yes."
END OF FLASHBACK
Nakaupo na kami dito sa classroom dahil this is our first day as college students. Hindi ko kasama sila Gino at Claire dahil iba ang course nila. Sandamakmak na concealer ang ginamit ko para mawala ang maga ng mata ko pero napansin pa din nila. Ang sinabi ko nalang ay napuyat ako kagabi. Pero ang totoo ilang weeks na akong umiiyak. Di ko na din nakausap si Zha simula nung araw na yun.
Pero ang masaklap ay classmate ko si Zha. Wala pa si Zha ngayon kaya good thing yun.
"Good Morning everyone. I am Mrs. Florentino. And I'll be adviser this school year." Sabi ni ma'am at nilagay ang pangalan niya sa board. Tumingin ako sa paligid at wala pa din si Zha. Mukhang hindi siya papasok sa first day.
"So may I get the attendance first? Uhm Alvarez?" Sabi ni ma'am at kinukuha na ang attendance.
Ano kaya ang nangyari kay Zha? Wala naman siguro siyang ginawa sa sarili niya diba? Wala naman siguro?

BINABASA MO ANG
Tangled Destiny, Sat And Zha
Novela Juvenilchildhood friends named Saturn and Zhaled needs to seperate because of Saturn's health condition. after how many years they reunited but Zhaled changed so much, and she already have a girlfriend who was involved in an accident and ends up being in c...