Chapter 33 (Date)

66 17 0
                                    

Date

Zha's POV

"Ready na ba lahat?" Tanong ko.

Tinignan ko ang buong rooftop at mukhang wala na namang kulang. Nag-lagay lang ako ng projector and bed for movies.

"Oo bro ok na naman lahat. Nandyan na din lahat ng pagkain sa may gilid." Sabi ni Gino.

"Di ko inakalang magiging ganto kaganda to." Sabi naman ni Chase.

Pati din ako namangha sa naprepare namin. Sana naman at magustuhan ni Sat.

"Tawagan niyo na si Sat dali." Sabi ko.

Tumango naman sila at tinawagan na si Sat. Ako naman niready ko na yung flower na ibibigay ko sa kanya.

Third Person's POV

Tinawagan na ni Gino si Sat at sinabing pumunta na sa rooftop dahil mag-sisimula na ang surprise para kay Claire. Hindi alam ni Sat na sa kanya pala ang surprise na ginawa nila.

Pag-kalabas niya ng bahay ay may sumundo sa kanyang blue na kotse kaya nag-taka siya. Sinabi ng driver ay pinapasundo daw siya nila Gino. Sumakay na agad si Sat at napabuntong hininga. Hindi pa din maalis sa isipan niya ang nangyari last week.

"Ma'am andito na po tayo." Sabi ng driver.

Bumaba na si Sat ng building ng may lumapit na mga bata sa kanya. Nagulat pero napangiti si Sat ng bigyan siya ng rose nito.

"Para sakin ba to?" Tanong ni Sat sa mga bata.

"Opo ate! You're the most beautiful girl in the world!" Sabi ng bata.

"Aba binola mo pa ako. Pero salamat ah. Bakit niyo pala ako binibigyan ng bulaklak?" Tanong ni Sat.

Hindi nag-salita ang mga bata at tinuro lamang ang rooftop. Biglang kinabahan si Sat ng nakakutob siya.

Dahan dahan na nag-lakad papasok si Sat at may sumalubong sa kanya na lalaki.

"Hunter?" Gulat na sabi ni Sat.

"Hi napakagandang binibini. Babawi lang ako sa kasungitan ko nung nasa batangas tayo. Ituturo ko na sayo yung daan." Sabi ni Hunter at nilead ang way. Natawa naman si Sat sa sinabi ni Hunter.

"Galing ka pang batangas?" Tanong ni Sat.

"Oo pero malakas yung nag-favor sa akin eh. Hintayin mo lang yung elevator tapos dyan ka pumasok." Sabi ni Hunter at umalis na.

Nag-antay lang si Sat ng mag-bukas na ang elevator. Pag-kabukas ng elevator ay nagulat siya ng makita sina Claire, Gino at Chaser.

"What? Nauna pa sa akin si Cl--"

"Shh. Manahimik ka nalang muna." Sabi ni Claire.

"Ang ganda mo ngayon Sat." Sabi ni Gino.

"Ano ba meron? Uy akala ko ba kay ano to?" Sabi ni Sat at nginuso si Claire.

"Bagay na bagay yung dress sayo Sat." Sabi ni Claire at hindi pinansin nag tanong ni Sat.

Wala naman nagawa si Sat kung hindi manahimik nalang. Alam niyang naflaflatter na siya pero kasabay nun ang kaba na nararamdaman niya.

"Sat. For you." Sabi ni Gino at binigay kay Sat ang bulaklak.

"Gusto ko lang mag-pasalamat na dumating ka sa buhay namin. Nung una kitang nakita sa school sobra akong nagandahan sayo. Hindi lang sa mukha mo kung hindi pati sa ugali mo. Matagal na akong nakakarinig tungkol sayo. Alam ko din na kababata ka ni Zha at hanggang dulo ikaw pa din ang pinili niya. Kaya Sat, ang hiling ko lang ay maging masaya kayo. Wag mo siyang susukuan kahit anong mangyari. Kasi Sat, pinag-laban ka niya. At alam kong ipaglalaban mo din siya." Nang marinig ni Sat ang mga katagang yun ay tumulo nalang ang luha niya. Parang sinaksak ang puso niya sa mga sinabi ni Gino pero alam niya sa sarili niya na wala siyang magagawa.

Tangled Destiny, Sat And ZhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon