Chapter 7

23 6 0
                                    


Gulong-gulo akong tumingin dito nang biglaan itong ngumisi. Napabuntong hininga nalang ako nang marinig na ang bell hudyat na tanghalian na. Agad naman akong hinila nina Joan at naglakad na palabas ng room.



'Nakakatuyo naman ng utak ang research namin. Isang date.'



"Anong mayro'n sa kan'ya?" tanong ko kina Kyla na tinutukoy si Jayson habang tinatahak namin ang daan papuntang Canteen.


"Pasensya kana, may sira din kasi sa utak 'yun. Gwapo nga pero masyadong imposible ang pinag-iisip, 'di ko kakayanin kung ako kapartner no'n," paumanhin ni Joan.


"Oo nga anu, research namin is 'date' raw."



Natawa nalang ang dalawa kong kasama.



"Mahirap nga kayanin," sang-ayon ni Kyla.



Tumango nalang ako at hinayaan na ang nangyari. Mukhang okay naman yung Jayson, may pagkaweird lang nga.


Napatigil kami nang makapasok kami sa pinto ng Canteen. Halos hindi ko alam kung magpapatuloy ba kami o hindi.



"H-hindi 'to nakakatuwa," mahinang sambit ni Kyla.



May kalakihan ang Canteen ngunit 'di pa rin maiiwasan na makaramdam kami ng kaba.


Nasa kanan namin ang may mga gold card na nakasabit sa bulsa ng damit nila, sa may kanang dibdib. Habang ang mga may red card naman sa kaliwa. Green ang nasa gitna at halata ang pagmamadali ng mga may green na card sa pag-oorder ng pagkain at nagmamadaling nagsisilabasan.


"Ang gulo naman tignan kahit ang linis ng canteen," mahinang reklamo ni Joan.



"Gutom na tayo. Wala tayong magagawa kung ganyan ang pagkaka-arrange," ani ko.


Akmang hihilahin ko na sana sila nang maramdaman ko ang paghila sa'kin ni Kyla. Marahan siyang umiling.



"D-di nalang ako kakain," sambit nito.



Nanlambot ang tingin ko sa kan'ya. Parang nakikita ko sa kanya 'yong naramdaman ko no'ng bata pa ako. Na hindi ako kabilang sa pack ng sariling pamilya ko, kaya mas okay lang kung sa labas ako, kesa sa loob.



Isinukbit ni Joan ang kanyang kamay sa braso ni Kyla at ngumiti ito.



"Ano ka ba, bibili lang naman tayo ng pagkain, hindi tayo makikipag-away," pagpapagaan ng loob ni Joan kay Kyla.


Marahang tumango si Kyla kaya pumasok na kami ng tuluyan at nag-order na. Pumili na kami ng gusto namin. Hininaan na namin ng sobra ang boses namin dahil masyadong nakakabingi ang katahimikan sa loob ng canteen. Parang walang may balak kumibo sa dalawang grupo.


Nahalata ko rin na ang mga mata ay nakatingin sa'kin ngunit iwinalang bahala ko ito. Malamang dahil sa ginawa ko kanina sa field. Kung ako naman talaga nasa posisyon nila, 'di ko makakalimutan ang taong parang sira-ulong tumatango tango sa field.


Pinauna ko ng kaunti ang dalawa kong kaklase dahil sa pag-aantay ko ng sukli.



Maya't maya pa ay nadakip ng mga mata ko ang biglaang paglapit sa'kin. Masyadong mabilis ang pangyayari at natuod ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang lalaking may mapupulang mga mata. Kaunti nalang ang distansya ng bibig nito sa leeg ko.


Nahalata ko rin ang isang lalakeng nakahawak sa balikat ng lalakeng lumapit sa'kin. Pareho silang nakared card.



Agad kong kinuha ang sukli ko gamit ang nanginginig kong mga kamay nang iabot ito ng nagtitinda.


"My apology. He's still new to his senses. I hope that you can let this go," paumanhin ng isang lalakeng may itim na mga mata. Ramdam ko ang pagpapaumanhin nito. Iniupo nito ang lalakeng nagtangkang umatake sa'kin kanina at hinatid niya ako sa pinto ng canteen. Hindi na ako nakakibo.



Parang natuyo ang laway ko gaya 'di gumagana lalamunan ko. Wala akong magawa kung 'di ang sumunod.



Nang makalabas ako ay tila ba nakalanghap ako ng hangin ng kalikasan at nakaalis sa lugar na kahit paghinga ay pinagbabawal sa kapal ng usok.


'Sucha gentleman do exist.' Isip ko nang bumalik na ang lalaking may itim na mgamata sa table niya.


"Oh, ba't tulala ka yata?" tanong ni Joan nanagpabalik sa'kin sa realidad.



Umiling nalang ako at nagtungo na kami sa isang bench at do'nkumain. Hindi ko naubos ang pagkain ko dahil sa pag-iisip kung anong nangyarisa loob.



Bukod sa pulang mga mata at biglaang pagdilaw ng mga mata ngmga lobo na malamang ay naalerto sa'min. Hindi ko maalis sa isipan ko ang paresng mga mata na tumatak sa'kin ngayon. Itim na mga mata.



Agad na natapos ang klase namin at umuwi na ako. Humiga ako sakama at napabuntong -hininga na lamang.


"Normal na araw lang 'to. 'Di naman sinasadya kaya okaylang," bulong ko.


Tumayo na ako at naghanap na ng masusuot, magkikita pa kami niJayson mamaya. Sana naman mas matino ang mangyayari sa research namin kesa sakaweirduhan ng lalakeng 'yon.




Bago mag-alas syete ng gabi ay nasa gate na ako ng eskwelahannamin. Nagpaalam naman ako kau Lola Eva. Wala rin problema sa kaniya dahil alamniya naman daw na mas ligtas sa Middle Land kung ikukumpara sa Left or RightWing.



Lumipas ang dalawang oras at napupuno na ako. Hindi sa'kinsinabi nina Joan na Filipino time pala ang lalakeng 'yon.



Magtagal pa ay nahagip ng mga mata ko ang isang anino.



"Wazzup Babes," bati sa'kin ni Jayson nang dumatingito sa gate ng school kung saan niya ako pinag-antay ng matagal.


"'Di na dapat ako papayagan ng lola ko dahil gabi na,buti nalang at napilit ko pa. Pero wala na yata tayong magagawang research,masyadong gabi na," pagsisinungaling ko rito.



Tanging street lights nalang dito sa labas ng eskwelahan angnagbibigay liwanag, pero mas agaw pansin ang bilog na buwan.


Umakbay sa'kin ang kasama ko na parang ayaw pa ata akongpauwiin. Mukhang mali ang inakala ni Lola Eva, o kaya nama'y ligtas nga yunglugar, pero ang lalakeng ito hindi.



"Ms. Devon, sorry that I'm late. I have strict parents,so I need to do some sh*t to scape, nakakahiya namang mag-antay ka hanggangumaga ng mag-isa," paumanhin nito. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Mag-antay mag-isa? Bakit naman ako magpapaabotumaga?" tanong ko sa kanya.


Sumilay na naman ang ngisi nito sa labi. 


"You'll see.Let's buy our food para 'di tayo magutom sa pagreresearch," sagot nito.

MixedWhere stories live. Discover now