Nilingon ko ang lugar kung saan ako nakarinig ng pagkaputol ng sanga at nakita ro'n ang isang pigura.
"Isang ingay lang pala tumba kana agad kahit wala pa akong ginagawa," ani nito.
Nadakip ko ang paggalaw ng kanang kamay nito na parang may sinusubukan siyang ikontrol. Inayos ko ang sarili ko, baka may telekinesis siya at may bigla nalang dumating na kung ano mang nakakapanakit na bagay.
Itinigil nito ang ginagawa niya at pabagsak na binitawan ang halatang mamahalin nitong bag. Hindi problema ang sandal niya kahit na nasa kagubatan kami. Para pa rin siyang isang nabubuhay na manika.
"Anong kailangan mo?" salubong ko sa paglapit nito.
Marahan itong umupo sa may ugat ng puno, hindi iniisip na marurumihan ang kanyang suot. Tumingala ito sa'kin.
"Kinamusta ko lang kung kaya mong gawin ang kaya ko kaya gusto ka niya. Napakalayo ko pala sayo," ani ni Ayiesha na nagpakunot ng noo ko. Pinilit nitong ngumiti pero bakas pa rin ang inis sa mukha nito. "Tutulungan lang kita dahil kailangan ka namin in the future," patuloy nito.
"Sinusubukan kong gamitin ng tama ang kakayahan na wala ang normal na tao pero wala akong balak na makiisa sa inyo at makipaglaban," sagot ko rito.
Tumaas ang kaliwang kilay nito nang dahil sa sinabi ko. Sumilay ang ngisi sa labi nito at lumabas ang maikling tawa.
"Oh, you need to. You're our peace maker. Magkakagulo ang lahat kung hindi mo kayang itama ang mga pagkakamali dahil lang sa 'di mo kayang protektahan ang sarili mo," ani nito.
"Peace maker?" gulong-gulo kong tanong dito.
Inikutan lang ako nito ng mata at tumayo na.
"Kayang kaya ko yang gawin, but I'm not the chosen one. They chose a stupid one," ani nito. Tila ba naiinis siya sa mundo. Siguro kabuwanan nito.
"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo, pero may isa akong gusto kong malaman. Witch ka ba? Or may telekinesis?" tanong ko rito.
Halata sa ginawa niya do'n sa may pulang buhok nang 'di niya ito pinatayo no'ng una ko siyang nakita.
"I'm not and I don't have. It's the gift to me or blessing I guess. Hindi ako royal blood pero nagkaro'n ako ng kakayahang iparalisa ang katawan ng isang bampira. Sad to say, 'di ko 'yon kayang gawin sa royal blood and our peace maker," ani nito at matiim na tumingin sa'kin.
"Mabuti nga kaya mo silang kontrolin. Kung magkagulo man, mapapatigil mo agad sila," sagot ko sa kanya.
Nagkibit balikat nalang ito.
"If you're in your right mind, you'll be able to stop everyone," aniya.
"Let's stop the chit-chat and start your training," dagdag pa nito. Pinagpag nito ang kanyang damit at inayos pa ito.
"'Di mo kailangang tulungan ako," tanggi ko sa kanya. Tinaasan ako nito ng kilay.
"I'm not helping you. Utang na loob mo 'to para ikaw naman tumulong sa'kin pagkinailangan kita," sagot nito.
Pinatayo ako nito ng maayos.
"Stay focus. Pwede kang mawala sa konsentrasyon pero dapat alam mo pa rin ang ginagawa mo," ani nito.
Pinatakbo ako nito at sa tuwing gagawa siya ng tunog ay kailangan ko itong lingunin habang iniiwasan ang mga punong dinaraanan ko.
May mga minutong bumabangga ako ngunit nagpapatuloy ako dahil kapag tumitigil ako, nakakakuha ako ng isang sipa mula kay Ayiesha.
"It's a great pleasure for me," ani nito at tumawa sa 'di kalayuan habang nagpapatuloy sa pagpapatunog ng mga sanga.
Kailangan niya raw akong saktan para magkaroon ako ng disiplina. Once I focus on the pain that I have, it will get worse. Kailangan ko raw tiisin at 'wag isipin ang sakit ng katawan ko. May oras naman daw para sa pagpahinga basta 'wag lang bigyan ng chance si kamatayan na sunduin ka.
Ilang oras kaming nagpatuloy, kahit gabi na ay wala pa rin kaming tigil. Nabawasan na rin ang bilang ng pagbangga ko sa puno bawat oras habang hinahanap kung nasaan ang tunog. Tila ba alam ko na kung anong galaw ang ginagawa ni Ayiesha dahil sa paulit-ulit na tunog ng sanga.
Napalingon ako at muling bumangga sa isang puno nang makarinig ako ng bagong tunog. Pareho lang itong sanga, ngunit halata na 'di ito sinasadya. Inantay ko rin ang pagdating ng sipa ni Ayiesha dahil sa pagtigil ko ngunit wala akong naramdaman.
Nakarinig ako ng sunod na tunog at pumunta na ro'n. May mali talaga.
"Anong meron?" tanong ko kay Ayiesha nang makitang may tinitignan ito sa malayo.
"May stalker ka pala, you didn't told me, akala ko hapunan ko na. Gold card nga lang, I don't like their blood," ani nito.
"Stalker? Matagal na 'yan, akala ko hindi na 'yan sumusunod sa'kin," sagot ko na nagpalingon sa kanya.
Bakas ang pagtataka sa mukha nito ngunit pinalitan niya nalang ito ng pag-ikot ng mga mata niya na parang feeling famous ako.
'Baka yung lalake kanina ang sumunod sa'kin. Pero Malabo dahil naunang umalis 'yon kesa sa'ming magkakaibigan.'
"Just stay alert. Tinulungan lang kita para 'di ka naman ngumanga sa event na darating next month. Gotta go," ani nito at nawala na ito na parang bula.
Napakunot ang noo ko sa kawalan. Wala akong alam sa mga event ng school namin dahil hindi naman ako gaanong aktibo.
"Ang future pala na sinasabi niya ay isang event sa eskwelahan, akala ko kung ano na."
Napatingin ako sa damit ko. Basang-basa na ito ng pawis. Nagsisimula na rin akong lamunin ng sakit ng katawan kahit wala akong nakikitang sugat o pasa. Papagalitan din ako ni lola nito.
Napabuntong hininga nalang ako at hinanap na ang bag ko nang makauwi na.
Nagdaan na ang isang linggo. Isang linggong walang Drake na pumapansin sa'kin.
Nagkakasalubungan kami sa daan pero ni titig man lang wala itong ginagawa.
Nagtungo na ako sa kakahuyan ng school namin dahil inaantay na ako ni Hector. Mabigat sa pakiramdam na 'di pansinin, pero anong magagawa ko? Hindi masama si Jayson para palayuin ako ni Drake do'n.
Nang makita ko na ang pigura ni Hector ay agad ko itong inatake ng suntok. Napasimangot ako nang braso nito ang aking tinamaan. Kahit nakatalikod, sobrang alisto niya.
"Kahit isa lang," pabor ko.