Chapter 25

14 8 0
                                    

Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang pagkawala ng dalawa sa harapan ko.

Inilibot ko ang paningin ko at nakitang pilit na hinaharang ni Hector si Drake. Walang ginagawa si Drake kun'di ang lumapit papunta sa'kin ngunit napapabagal ito ni Hector.

Bumakas ang inis sa Alpha at inihagis nito si Hector. Nagtulungan na rin ang mga bampira para pagkaisahan ang Alpha ngunit gaya ng mga bampira, nakisali na rin ang mga taong lobo sa pagkampi sa Alpha nila.

Walang nakapigil. Kahit ako ay nakatayo lang, nanonood at naghihintay sa gagawin niya sa'kin habang labis na nagsisisi.

Malapit na ito sa'kin at handa na akong sunggaban nang may biglaang humila sa'kin.

"Kaya pa?" tanong sa'kin ni Ayiesha.

Biglang nawala si Ayiesha sa tabi ko nang ihagis din ito ng Alpha. Napahiga ako nang dahil sa hawak pa ni Ayiesha ang kamay ko nang hinagis siya dahilan ng panandaliang pagkawala ko ng balanse dahil sa biglaang pagbitaw.

Naramdaman ko ang pagdagan sa'kin ng Alpha. Unti-unti ay bumabalik ito sa pagiging tao.

Ramdam ko ang magkasabay na paghinga namin. Kapwa dibdib namin ay magkadikit. Ramdam ko ang pagtama ng hininga nito sa may kanang tainga ko. Sandali pa ay naramdaman ko ang pagkagat nito ng marahan sa tainga ko dahilan ng paninigas ng katawan ko.

"Hey," mahinang bulong nito sa'kin.

Nakadiin ang magkabilang siko nito sa lupa upang mabawasan ang bigat niya sa ibabaw ko. Tahimik ang paligid, nag-aantay ang lahat sa kung anong susunod na hakbang ng lalakeng nakadagan sa'kin.

"I thought you knew that I'll never h-hurt you," habol hininga nito.

Napatingin ako sa buhok nito nang maramdaman ang pagbigat ng dibdib ko.

'Bakit ko ba naisip na sasaktan niya ako?'

"S-sorr--" naputol ako ng magsalita ito.

"No, don't apologize. It's not your fault," ani nito. "At first, I thought you're a human," patuloy nito.

Bawat segundo ay mas bumibigat ang paghinga nito. Nagpakawala ito ng hininga na tila ba nahihirapan siya kahit sa simpleng paghinga.

"But why? W-Why did they make you a v-vampire?!" inis na sambit nito.

Napapikit ako nang suntukin ng kanang kamay nito ang lupa. Kasunod ng pagyugyog ng katawan nito at ang sunod-sunod na pagtulo ng luha nito sa leeg ko.

Isinubsob nito ang mukha sa leeg ko. Kasunod no'n ang sunod-sunod na pag-ungol ng mga taong lobo.

Napahawak ako sa likod niya. Gusto kong humingi ng paumanhin ngunit para nang tuyong-tuyo ang lalamunan ko.

Hinigpitan ko nalang ang pagkakayakap ko at kasunod ng pagpatak ng luha mula sa kaliwang mata ko.

Nang dahil sa pangyayari ay nawalan na ng gana ang mga kapwa ko manlalaro dahilan ng pagtigil ng laro.

Inilagay lang namin sa gitna ang bola habang hawak ito ng isang bampira at isang lobo.

Wala namang nagawa ang paaralan at tinapos na ang laro, bakas sa Dean ang pagkadismaya ngunit hindi na ito nagkomento.

Dahil sa maagang uwian at isang linggong walang pasok na anunsyo, napag-isipan naming umuwi muna.

Nandito ako ngayon sa pack namin. Ginagawa ang dati kong gawain. Kapag walang dumadaang taong lobo ay iniensayo ko ang sarili ko.

Umakyat ako sa isa sa mga puno na malapit sa boundary kung saan ko unang nakita si Drake. Napabuntong hininga ako nang wala akong makitang sinuman.

No'ng natapos ang laro, sinabi niya sa'kin na ang pagiging tao ko ay mahirap nang labagin ang golden rule. Pano pa kaya gayong bampira ako. But he said he will figure it out.

Ang pagiging bampira ko ang nagiging rason kung bakit nag-iisa ako lagi.

'Kung bampira ako, bakit nandito ako? Bakit winiwelcome nila ako kung kalaban pala ako? '

Napatalon ako mula sa sanga ng puno at agarang pumunta sa mansyon para hanapin ang magulang ko. O ang tinuturing na magulang ko dahil hindi ko alam kung anak ba talaga nila ako.

Pumasok ako sa mansiyon. Umakyat ako sa ikalawang palapag at nakita ang isang may kaedarang babae.

"Excuse me po. Alam mo po ba kung nasaan ang Luna?"


"Nasa library hija," sagot nito.

"Salamat po."

Nagtungo na ako sa library na hindi gaanong pamilyar sa akin. Ang malaking pinto nito na may nakaukit na mga taong lobo ang agaw pansin dito. Marahan ko itong binuksan.

Tumambad sa'kin ang napakaraming mga kabinet na may mga malalaking libro. Nakadikit ang mga ito sa magkabilang gilid habang sa unahan ay gawa sa salamin ang buong pader nito. Tama lang para makita ang kagubatan. Sa gitna naman ng silid ay may mga lamesa at upuan na tila ba maraming gumagamit nito. Wala ring alikabok na makikita at halatang alagang alaga ang silid na ito.

Inilibot ko ang paningin ko at wala akong nakitang ibang tao maliban sa lalakeng nakatayo habang nakatingin sa pader na gawa sa salamin. Isang lalaking may kaedaran ngunit hindi bakas ang katandaan nito nang dahil sa pangangatawan nito.

Agad akong napayuko nang magtama ang paningin namin. Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang lalakeng nasa harap ko.

"P-pasensya na po, m-maling pinto yata n-nabuksan ko, Alpha," paumanhin ko dito at dahan dahang umatras.

Akmang lalabas na ako nang marinig ko ang maawtoridad ngunit kalmadong boses nito.

"Alam ko kung ano ang pakay mo, kahit hindi ka sa'kin nagmula, basang basa kita," ani nito.

Naglakad ito palapit sa'kin at umupo sa isa sa mga upuan do'n. Sinenyasan ako nito na umupo na sinunod ko naman.

"Bibigyan kita ng pagkakataong magtanong, tatlong katanungan lang. Magsimula kana."

Ramdam ko man ang tension, sinubukan ko pa ringmagsalita. Ito na ang pagkakataon ko. Ngayon ko lang siya nakita, baka ito paang huling pagkikita namin na hindi ko man lang nakukuha ang mga kasagutang hinahanapko.

Yumuko ako at nagsimula ibuo sa utak ko ang mga itatanong ko.

"Sinabi mo po na hindi ako nagmula sayo," nanunubig ang mga mata napagsisimula ko.

Kahit naisip ko na posible talagang hindi nila ako anak, mabigat pa rin sadibdib. Yumuko ako dahil sa nanghihina ako ngayon. "Kung gano'n po, hindikayo ng Luna ang mga magulang ko?"

MixedWhere stories live. Discover now