Chapter 13

21 6 0
                                    

Naglakad ako papasok sa building ng mga bampira, sabog ang mukha at may dumi na rin ng dugo at lupa ang damit ko nang dahil sa mga pinagdaanan ko. Panay tanong din ako sa ibang bampira at itinuturo naman ng iba kung saan ang tamang daan habang paakyat ako sa building. Ang iba ay nagtataka at ang iba naman ay naiinis ngunit wala akong oras para pagtuonan sila ng pansin.

Nasa first floor palang ako pero ganito na ang turing sa'kin, pa'no kaya pag-akyat ko.

"Nasa'n si Hector?" tanong ko pagkarating ko sa second floor. Agad na nagsilingunan sa'kin ang mga bampira na nasa labas ng kani-kanilang room.

Nahagip ng mata ko ang pag-akyat ng isang lalake sa hagdan papunta sa mas mataas na palapag ngunit wala akong balak na habulin ito dahil hindi siya ang pakay ko.

May lumapit sa'king lalake. Kulay pula ang buhok nito, chinito, matangos ang ilong at nakangiti ito. Ngiting hindi maganda ang binabalak.

"Bakit mo kailangang hanapin ang lalakeng nagngangalan na Hector kung 'di mo alam kung anong posisyon niya rito?" salubong na tanong nito sa'kin. Umikot ito sa'kin at bumulong. "Nandito naman ako, mas kaya kitang aliwin kesa sa bampirang ayaw magpahawak kahit sa pinakamagandang babae."

Akmang sasampalin ko ito nang dahil sa sinabi nito ngunit mabilis itong napaupo. Akala ko'y sinadya niyang umilag ngunit 'di na siya nakakaalis sa pagkakaupo niya. Kita ko ang pilit na paggalaw nito ngunit hanggang panginginig lang ng katawan ang kayang ipwersa nito. Bigla itong tumigil sa pagpupumilit na pagtayo na tila ba suko na ito.

Kumunot ang noo ko nang dahil sa nangyari at balak na tanungin kung anong nangyayari sa kanya nang bigla akong makarinig ng sunod sunod na palakpak.

Napalingon ako sa hagdan kung saan umakyat ang 'di pamilyar na lalake kanina. Agaw pansin sa'kin ang mala-manikang babae na bumababa sa hagdan habang pumapalakpak ito ng sunod-sunod. Nagtama ang paningin namin at sumilay ang ngisi nito sa mukha.

'Masyado ko yatang binibiro ang puwesto nung Hector. Mahirap harapin 'tong mga 'to at mauubos na oras ko.'

"Sa wakas, napansin mo rin ang lalakeng noon pa sunod ng sunod sayo," ani ng bagong dating na babae.

"Sino ka?" tanong ko sa babae.

Ngumiti ito sa'kin at inilipat ang paningin sa lalakeng pula ang buhok. Nadakip ko ang pagpitik ng daliri nito at bigla nalang nakawala ang lalake sa pwersang kanina niya pa pinipilit labanan. Bumalik sa'kin ang titig ng babae at inilahad nito ang kamay niya.

"Ayiesha Muffasa," pakilala nito. Nag-aalangan akong nakipagkamay sa kanya ngunit ginawa ko pa rin at winalang bahala ang nakita ko kanina.

Tumalikod na 'to sa'kin at sinabihan ako na sundan ko siya kung gusto kong makita ang lalakeng hinahanap ko. Walang sabi naman akong sumunod habang kinikilatis kung anong klaseng babae siya. 'Di ko pa nababalitaan na mayro'ng witch o isang klase ng tao na may mahika kaya 'di ko masasabi kung bampira siya o witch.

Nakarating ako sa fifth floor ng building na 'to at nahahalata kong may nakakakilala na sa'kin dahil ngumingiti na ang iba habang ang iba naman ay yumuyuko. Habang tumataas yata ang floor, mas mature o may alam ang mga pumapasok na bampira.

Nahalata ko rin na may mga nagtuturo rin sa bawat room at nakapokus lang sila sa loob ng klase, hindi nila pinapakialaman kung anong nangyayari sa labas ng mismong room nila. Siguro dahil sa takot na atakihin sila.

Muntik na akong mabunggo sa babaeng nagngangalang Ayiesha nang bigla itong tumigil. Sinilip ko mula sa likod niya kung ano ang tinititigan niya.

Naro'n, sa loob ng room. Sa pinakalikod na upuan ang lalakeng hinahanap ko.

"Royal Prince," rinig kong tawag ni Ayiesha at marahan itong yumuko bilang paggalang.

Lumingon ang lalake at nahalata niya yatang may tao sa likod ni Ayiesha, at ako 'yon dahilan para itagilid nito ang ulo nito.

"What is it?"

Halos mamula ako ng dahil sa boses nito. Na parang magtatapat ako ng nararamdaman ko. Umalis si Ayiesha sa unahan ko at agad na nagtama ang paningin naming dalawa ng lalake. Nailipat ko ang paningin ko sa leeg nito na may kaunting bakas ng kagat na malamang ay galing sa'kin. Ibinalik ko ang tingin ko sa itim niyang mga mata.

Para akong nilalamon ng mga mata niya. Maamo ang mukha nito ngunit napakalalim ng pares ng mata nito. Mukhang nalunok ko lahat ng mga katanungan ko dahil agad akong napayuko at nakalimutan ang dapat kong tanungin at sabihin.

"S-sorry," nahihiyang bulong ko.

Rinig ko ang pagtawa ng babaeng malapit sa'kin at mukhang natutuwa siya sa kahihiyan na ginagawa ko sa sarili ko. Kanina lang ay determinado na ako, ngunit ngayon para akong bulate na umaatras.

Tumalikod na ako at napapikit ng mariin nang dahil sa nagawa ko.

'Ano bang pumasok sa isip mo at nagpumilit kapa.' sermon ko sa sarili ko.

Napabuntong hininga ako at iminulat ang mga mata ko. Kasabay nito ang agad napanlalaki ng mga mata ko nang makitang nasa harapan ko na siya. Ngumiti itosa'kin. Ngiti na makakapaalis ng kaba o hiya ko.

"It's okay. I'm always free for you," ani nito.

Natikom ang bibig ko at nakalimutan ko na ang pakay ko.

'Wala na, nararamdaman ko ngayon kung ano ang nararamdaman ng mga babaeng nahuhumalingsa lalake.'

"Let's go," alok nito sabay hawak sa bewang ko para alalayan akopatungo sa isang room.


Hindi ko alam kung dapat ba akong maging komportable dahil mukhang hindi niyanatatandaan ang nangyari kanina. Nakakakaba lang, bawat galaw niya ay masyadongperpekto sa paningin ko.


Lumingon ako kay Ayiesha para humingi ng tulong ngunit laking gulat ko nangmakitang tulala lang ito sa kamay ni Hector na nakahawak sa bewang ko.

'Lagot na.'

Pumasok na kami sa isang room. Nangunot ang noo ko nang makitang isa itongmalatambayan na silid. May kulay pulang sofas, may center table, tv,refrigerator at iba pang mga kailangan sa paglilibang.

Para siguro 'to sa mga bisita para 'di sila mapressure dahil sa dami ng bampirasa labas ng komportableng kwartong ito.

MixedWhere stories live. Discover now