Chapter 12

23 6 0
                                    

"Ate, gising po."

"Ate."

Napamulat ako nang dahil sa boses ng babae at agad na napatakip ng mata sa biglaang pagsalubong sa'kin ng liwanag. Agad na nagpokus ang paningin ko sa babaeng nakaupo sa gilid ko.

Isang inosenteng mukha at halatang mas bata sa'kin. Nadakip ng mga mata ko ang tela na nakapulupot sa leeg niya na nagpabalik sa'kin sa kung anong nangyari bago ako mawalan ng malay.

"I-ikaw yung kinagat ng bampira kanina!"

Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit dahil sa biglaan kong pag-upo. Narinig ko ang pagtawa nito na parang nakakatawa ang sinabi ko. Bakas sa mukha ko ang takot nang pinakita nito ang kagat sa leeg niya na ngayon ay wala na ang dugo.

"Bampira kana?" 'di makapaniwalang tanong ko 'dito.

Ngumiti ito sa'kin at tinulungan akong tumayo at inalalayan akong pumunta sa may kubo nang makapag-usap kami ng maayos. Mainit pa at nahalata niya sigurong nasisilaw ako.

"Oo at hindi," sagot nito sa'kin. Nagkunwari itong kakagatin ako at nahalata kong wala itong mga pangil at hindi rin mapula ang mga mata nito. Kahit papa'no ay nakahinga ako ngunit bakas pa rin sa'kin ang pagtataka.

"Ako nga pala si Shiela," pakilala nito at nagbuntong hininga. "'Wag mo 'tong sasabihin kahit kanino ah," tumango ako.

Inayos nito ang pagkakaupo at tinakpan na ang kagat sa leeg niya para 'di ako gaanong madistract.

"Nakagat ako ng bampira at natural lang 'yon, ilang beses na akong nakagat. Siguro dalawang beses sa isang linggo. At halos lahat ng kumakagat sa'kin eh yung mga naninibago palang sa senses nila," paliwanag nito sa'kin. Hindi ako kumibo at halatang gusto kong ipagpatuloy niya.

"Vampire slave ako. So natural na dapat magbigay ako ng dugo sa kanila, mataas ang bayad at binibigyan naman nila ako ng mga kailangang nutrisyon ng katawan ko at tatlong araw na pahinga para 'di ako mamatay sa kakulangan ng dugo," ani nito ng nakangiti.

Pinagmasdan ko ito ng mabuti at hindi nga mataba o payat. Tama lang ang katawan nito at halatang malusog.


Siya pala ang sagot sa katanungan ko.

Kung isang bampira ako. Para magkaroom ng kapayapaan, ang dapat lang na gawin ay magkaroon ng vampire slave. Walang mamamatay at isa pa ay nakakatulong psa 'di lang sa pamilya o pampaaral niya kung 'di pati na rin sa nutrisyon na kailangan ng katawan niya dahil bampira na ang bahala. Win to win situation.

"At hindi. Hindi ako bampira, kasi nasa mga bampira ang desisyon. Hindi din nila pwedeng gawin 'yon dahil mabait siya," ani nito at ngumiti.

"Sinong siya?" kunot noong tanong ko dito.

Tumawa na naman ito na parang hiwalay na naman sa katawan ko ang sinabi ko.

"'Di mo matandaan? Swerte ka nga kasi natikman mo dugo niya eh. 'Lam mo bang 'di 'yon nakikipag-usap sa iba o nagpapahawak ng basta. Pero kahit ganun 'yon, sobrang tino no'n," ani nito.

Napayuko ako nang matandaan ang ginawa ko sa lalake. 

"Edi bampira na ako?" tanong ko sa kaniya.

"Anong bampira kana? Simula palang bampira kana talaga, nanibago ka lang sa senses mo. Wala ka ngang kagat o peklat man lang sa leeg mo," ani nito.

Sa sinabi niyang 'yon, maraming katanungan ang agad na pumasok sa isip ko. Pa'no ako naging bampira kung nasa pack ako ng werewolves? At anak ako ng Luna? Pero may mate ako, pa'no si Drake? Niloloko niya lang ba ako? Pinagkakaisahan ba nila ako? Kaya ba hanggang ngayon 'di pa rin nagpapakita sa'kin ang Alpha namin at palagi akong pinapapunta dito sa Middle Land kasi hindi talaga ako isa sa kanila?

Naguguluhan ako masyado. Kailangan kong makausap yung lalake kanina. Kaya pala gano'n nalang ang reaksyon niya noon.

"Edi pwede na ba akong pumunta sa building ng mga bampira?" tanong ko rito. Parang nangangati ako sa kinauupuan ko at 'di ko na kayang maupo nalang.

Nagkibit balikat ito pero tumango pa rin. Nagtataka rin ata siya kung panong 'di ko alam na bampira ako. Tumingin ito sa orasan niya.

"Maya-maya uwian na, pagdating natin do'n di na tayo makakaabot," ani nito.

Napabuntong hininga ako, siguro bukas nalang. Naalala ko ang kailangan kong malaman para mahanap ang lalakeng 'yon.

"Ano pala ang pangalan ng lalake?"

"Wala ka talagang alam? Hector po, Hector ang pangalan no'n pero mas maigi kung tawagin mo siyang Prince dahil iinit ang mata ng maraming bampira sayo kung 'di mo siya gagalangin," sagot nito. "Ano pala pangalan mo?"

"Xiera Devon," tumango ito at nagpaalam na ako na 'di ako makakasabay sa kanya dahil nagmamadali ako.

Agad akong natumba nang tumama ako sa puno. Rinig ko naman ang pagsigaw sa'kin ni Shiela at tumakbo ito papunta sa'kin. Hinawakan ko ang ilong ko at nakitang dumudugo ito.

Nanlalaki ang mga mata ko nang makitang halos nakatiko na ang puno kung saan ako sumalpok. Malayo rin agad ako kay Shiela bagay na ipinagtaka ko. Kakatakbo ko palang ngunit ang layo ko na.

Hingal na lumapit sa'kin si Shiela.

"Ate naman eh. Nakalimutan ko palang sabihin na mag-iimprove ang paningin mo sa dilim kaya ka nasisilaw at bibilis ang takbo mo. Nakalimutan kong wala ka palang alam sa pagiging bampira," ani nito habang tinutulungan ulit akong tumayo habang naghahabol pa ng hininga. "Kailangan mo talagang hanapin yung Prince, para maayos yang galaw mo. Madaming makakahalata sayo."

Pinagpag nito ang suot ko at inayos ang buhok ko. Pinunas niya rin yung tela niya sa ilong ko.

"Aabot ka nga sa kanya pero sabog na niyan mukha mo," inis na sabi niya.

Parang nagkaroon ako ng lakas nang dahil sa sinabi niya. Ibigsabihin makakaabot ako. Siguro nag-improve rin ang katawan ko dahil 'di gaanong masakit, kaya matatagalan ko 'to.

Nagpasalamat ako sa pagtulong niya at muling nagpaalam. Ininda ko ang ilang beses na pagbunggo ko. Pinaka-importante ngayon ang makita ko siya. Magalit man siya o hindi.

'Dapat makaabot ako.

Ginawa ko na lahat lahat para lang makalabas sa gubat, nawala rin ako dahil sa 'di ko makita ng maayos dinaraanan ko sa bilis ng takbo ko. Nang makalabas naman ako sa gubat ay naglakad ako na kasing bagal ng pagond sap ag-iisip na isang pagkakamali ko ay mahuhuli nila ako na isa akong bampira. Baka bumunggo pa ako sa building at magkaroon ng malaking gastusin sa eskwelahan na 'to dahil sa maling pagkontrol sa bagong kakayahan ko.

MixedWhere stories live. Discover now