Chapter 26

17 9 0
                                    

Katahimikan ang lumamon sa'min. Marahan kong itinaas ang paningin ko at nakita ang mapait na ngiti sa'kin ng Alpha. Akmang bubuka na ang bibig nito ngunit hindi ito natuloy.

"Hindi! Anak kita, magulang mo ako!" sigaw ng babae mula sa kakabukas lang na pinto ng library. Nagmamadali ako nitong hinila patayo mula sa inuupuan ko at pilit na tinutungo ako palabas ng silid. Nilingon kong muli ang Alpha at nakita ang pagtango nito. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagsara ng pinto kung saan naro'n ang Alpha.

Sa pagsarado ng pinto ay agad akong pinaharap ng Luna sa kanya. Napaawang ang bibig ko nang makaramdam ako ng hapdi sa kaliwang pisngi ko.

Ang unang sampal ng aking ina.

"Wala kang karapatang tanungin ang Alpha, naiintindihan mo?! Hindi mo kailangang malaman ang lahat!" nagpipigil galit na saad ng aking ina. "Magulang mo ako, kami! Tapos ang usapan!" dugtong nito.


"Tunay na magulang?" marahang tanong ko habang nakayuko.

"Ako, tunay na magulang mo ako. 'Wag kanang lalapit sa Alpha. Pasalamat pa tayo at tinanggap niya tayo. Itatak mo yan sa kukute mo," sagot nito at umalis na.

Naguluhan ako lalo sa sinabi niya. Dapat magpasalamat kami dahil tinanggap pa kami? Nasabi rin na isa akong pagkakamali.

Hindi maproseso ng utak ko kung ano ba talagang nangyayare. Napaupo nalang ako at napahagulgol.

Napakagulo ng mundong ginagalawan ko. Pinaalaga nila ako sa isang mortal para sa normal na buhay dahil sa hindi ako nakakapagpalit anyo. Inakala kong isa akong taong lobo buong buhay ko ngunit bampira pala ako. Tapos sasabihin ng aking ina na anak niya ako pero wala akong karapatang tanungin ang ama ko.

Kanino ako lalapit?

Kahit si Drake ay hindi ko mahagilap, nadadamay rin siya sa mga problema ko. Hindi ko naman matanong si Hector dahil sa malaki ang respeto niya na huwag silang pangunahan.

Napahilamos nalang ako at pinilit na tumayo.

Kung hindi nila ako sasagutin, ako na maghahanap ng sagot.

Tumungo na ako sa kwarto ko. Nag-impake ako at nagpaalam kay Lola Eva na sa kaklase ko muna ako magpapalipas ng maikling bakasyon.

Sana naman, sa simpleng research ay masagot ang mga katanungan ko.

Nagtungo ako sa gate ng eskwelahan bitbit ang may kalakihang bag. Hindi ko naman iniinda ang bigat ng dala ko, ngunit para hindi mapagmalisyahan, ibinaba ko nalang ito.

Tanghali na at nagsisilabasan na rin ang mga guro sa eskwelahan. Tinatapunan din nila ako ng kakaibang titig dahil sa itsura ko.

Nakalipas na ang ilang minuto at sa wakas ay sumulpot na rin ang taong inaantay ko.

Nakapamulsa ito at may earphones na nakalagay sa magkabilang tainga. Agad kong inagaw ang pansin nito.

"Miss me babe?" ngising salubong sakin nito.

Pinilit ko nalang na tumango kesa naman ikwento ko sa kanya ang nangyari sa'kin. "Ito na nga gamit ko. Makikitulog muna sana ako sainyo," nahihiyang asal ko.

Bumakas ang pagkamangha sa mukha nito nang dahil sa naging sagot ko at mas lumapad ang ngisi nito sabay kuha ng bag ko.

"Sure, I'll let you see the heaven. Not just once, twice or thrice."

Siniko ko naman ito dahilan ng malakas na pagtawa nito.

"Sorry, I didn't bother to buy a gift. Akala ko kasi one week akong makakatipid dahil 'di tayo magkikita," ngisi nito at tinignan ang magiging reaksyon ko.

Napabusangot ako dito na nagpatawa lalo sa kanya.

Inilagay niya na ang bag ko sa backseat. At nagtungo na kami sa bahay nila.

'Sana hanggang bibig lang si Jayson.''

Nakarating na kami sa bahay niya at napag-usapan namin sa biyahe na isang linggo akong mamamalagi dito sa bahay niya. Siya lang mag-isa kaya wala naman daw problema. Nagdrive-thru na rin kami para kakain nalang pagdating dito.

Itinuro niya sa'kin kung saan ang guest room. Nagtungo na ako do'n habang siya naman ay nagpaalam na ihahanda niya ang mga kailangan namin bago kumain.

Pinagmasdan ko ang bahay niya. Tamang laki lang para sa mayaman na kagaya ni Jayson ngunit nagsilbing malawak na mansyon dahil sa mag-isa lang siya.

May dalawang guest room. Pareho lang naman ang pagkakadisenyo ng dalawa kaya yung mas malapit sa sala ang pinili ko. Nasa first floor ang sala, kusina, dining room, at may pool din sa may likod. Sa taas siguro ang kwarto ni Jayson.

Inilapag ko na ang gamit ko sa ibabaw ng kama at nagtungo sa sala. Nando'n na si Jayson, nanonood ito ng kung anong movie habang nakaangat ang dalawang paa nito sa mesa.

Kahit mukhang makalat ang galaw ni Jayson, nahalata kong malinis siya sa paligid niya. Kahit do'n sa puno na naging hide out namin, wala akong nakita kahit ipis man lang.

Umupo ako sa sofa kung saan siya nakaupo ngunit sinigurado kong may isang metro kaming distansya.

Sinaluhan ko siya sa iba't ibang pagkain na pinagbibili namin. May pizza, chicken, burger and fries.

Tinitigan ko ito habang halatang tutok na tutok ito sa flat screen tv na nasa harapan niya. Wala sa'min ang iba't ibang teknolohiya na nakikita ko dito sa bahay niya. Meron din siyang malarobot na naglilinis ng kalat sa sahig. Kaya siguro 'di problema sa kanya kahit maghapon siyang nasa eskwelahan.

Nanood na rin ako at sa maghapong panonood namin, may nahalata ako dito.

"Mahilig ka pala sa supernatural? At patayan? " tanong ko sa kaniya nang tinigil na namin ang panonood dahil antok na raw siya.

"I despise it," sagot nito na nagpakunot ng noo ko.

"'Di ba interesado ka sa vampire and werewolves? Tsaka pagnagpapatayan sila?" gulong-gulo na tanong ko.

"I just wanna know their weaknesses, para naman mapagtanggol ko ang sarili ko..."

"Ah, ha?" pagpapaulit ko sa sinabi niya dahil may ibinulong pa siya. Hindi ko nalang pinilit dahil baka mapaghalataan niyang masyadong matalas ang pandinig ko. Pati sinasabi ng utak niya kulang nalang marinig ko.

Tumayo na ito at nag-inat. Pinagmasdan ko ang mga kinainan namin. Halatang pagod na rin siya kaya kusa na akong nagligpit ng mga ito. Sinarado ko na rin ang mga ilaw dahil sa matutulog na rin lang kami.

Hindi ko masisisi si Jayson. Malakas pala siya, kahit nag-iisa sa isang bahay kayang-kaya niya. Nasusustentuhan naman siya ng pamilya niya ngunit masasabi kong mas masaya kapag kasama ang pamilya, kadugo man o hindi.

Kaya siguro mahilig si Jayson sa mga kakaibang bagay, dahil wala naman siyang mapagsayangan ng oras.

MixedWhere stories live. Discover now