Chapter 40

23 6 0
                                    

Nang mabigay na nila ang mga bata, umalis na si Zack kasama ang mga kasamahan niya.

Lahat ng nakikita kong rogue, they shifted and charged at me at the same time.

Nagpalit ako ng anyo. I recieved their attacks while in my wolf form. Masyado silang agresibo.

Isa-isa ko sila kinakagat at tinatapon ngunit para silang mga langgam.

I howled in pain. Naramdaman ko ang pagcrack ng lupa rason upang mapaatras sila. The old guy charged at me.

Bago pa ito mauna, agad kong inatake ang leeg nito at nag-iinit ang katawan na muli itong inatake. Sa kabila ng mga pag-atake ng iba sa'kin, ipinukos ko lang ang mga mata ko sa ama ng lalakeng pinatay ko.

Sunod-sunod na labanan na hindi ko pinaghandaan.

I sucked his blood out of him until his last breath.

I looked at everyone with hatred.

'From now on, I despise every living wolf.'

'I despise their rules, and I despise all the things about them.'

Walang humpay ko silang pinag-aatake at hindi na inisip ang pagprotekta sa sarili ko. Hindi ko na rin namalayan kung kailan ko inatake sila Justin at Max.

It was a massacre. Made by me.

I didn't hear a snap. Hindi ako nawalan ng kontrol o kusang gumalaw ang sarili ko.
Pumatay lang ako nang dahil sa trato nila sa'kin.

Masyado yatang pulupot ang tadhana ko. Sa pagiging anak ng isang bampira, pati siguro ang Moon Goddess ay kinakasuklaman ako.

Napatingin ako sa bilog na buwan.

"I despise Moon Goddess."

Nanghihina akong umalis sa teritoryo kung saan naranasaan ko ang sunod-sunod na labanan at sunod-sunod na pagpatay.

"Peace maker my ass."

Nagtungo ako sa Devil's Path. Wala akong ibang maisip na mapuntahan. Ayaw kong pumunta sa sarili kong pack dahil masakit man isipin, sila ang pinakahuling lobo na dapat akong traydorin.
My energy was drained.

Umakyat ako sa tree house na pinagawa ni Jayson.

Wala pa ring pinagbago ang disensyo sa loob. May dalawang telescope, may isang mesa, at kaliitang espasyo na mauupuan.

Pabagsak akong umupo at nagpakawala ng hininga.

Sinubukan kong mag-isip-isip habang binibigyan ang kawatan ko ng pagkakataon na makahinga.

Napatingin ako sa kisame.

'Kung ayaw sa'kin ng Moon Goddess, dapat ginawang tao nalang ako. Mas magugustuhan ko pa ang buhay ko.'

Tears escaped from my eyes as I let myself imagine the things that I could do, only if I am a human.

Niyakap ko ang tuhod ko at inipikit ang mga mata ko.

'Sana lang kunin ako dito ni Jayson. Gusto ko nang maging tao ulit, kahit pansamantala lang.'
Weeks passed. I didn't mind the time. My bite-mark is itchy for so long, added to that is my need for blood.

Puro ensayo at paghahanap ng dugo lang ang ginawa ko. Ramdam ko ang pagbabago ng katawan ko, sanay sa mabigat na gawain. Kaya ko na rin ang makipaglaban kahit abutin pa ng dalawang araw na walang tigil. But this bite-mark is getting into my nerves.

'This is horrible.'

Nanghuli na ako ng mga hayop ngunit hindi iyon sapat para makuntento ako. Nagiging marumi na rin ang paligid dahil sa mga lobong ginawa kong pagkain at hindi man lang sila nagkaroon ng pagkakataon para umuwi.

'For werewolves, this place is haunted.'

'Mga takot naman pala, malakas lang sila kapag sama-sama.'

Wala nang nangyayaring labanan dito at wala ring Jayson sa sumundo sa'kin.

I stand up. Being bored of these things.

Nag-inat-inat ako, mamamatay ako dito kung hindi ako maghahanap ng makakain ko. Nahihirapan din ako dahil sa bite-mark ko. May hinahanap-hanap ako, kinicrave ko.

Nasa pack siya ng Alphang tumaboy sa'kin. Wala akong sapat na lakas upang kunin siya ro'n. I need him... so badly.

"I hate this love-potion-thing," walang emosyong bulong ko at tinakpan ng tela ang bite-mark ko upang matigil ang nakakarinding pagtawag nito sa'kin.

"Time to go."

Nagtungo ako sa Middle Land. Kumuha ako ng mga damit sa unang sampayan na nakita ko.
Nararamdaman ko na ang pag-iba ng kulay ng mata ko sa bawat leeg ng mga taong dumadaan na nakikita ko. Umiling ako at pinilit na hindi mawala sa katinuan.

Nagtungo ako sa eskwelahan at agad na pinigilan sa gate nito.

"Card?" hingi ng guard.

Wala akong dalawang card, kahit na uniform ay hindi ko suot . Wala rin akong balak na pumasok pa ulit.

"Nakalimutan ko," namamaos na ani ko.

"Pangalan?" muli niyang tanong at itinagilid ang ulo nito upang tignan kung ba't ko tinatakpan ng buhok ang kalahati ng mukha ko. Napaiwas ito nang blangko ko itong tinignan.

"Xiera Devon."

Pilit kong iniiklian ang mga sagot ko. Masiyado na akong nagpipigil. Hindi makakatulong kung hindi ko sinasadyang mapatay ang guard.

'He's not my enemy.'

Sa mga nakalipas na linggo, napagtanto kong hindi ko kailangang mag-aral. Inimbento lang ang pag-aaral upang may maaksayahan ng oras ang mga taong walang magawa sa buhay nila. 

Buhay na hindi kagaya ng sa'kin.

Hindi ako titigilan ng sinuman kung hindi ako magiging malakas. I need to rule.

Nakapasok ako at nagtungo sa pinapakay ko sa kabila ng mga tingin ng mga estudyante.

Taas kilay akong tinanggap ng babaeng malamanika ngunit hindi na ito nagsalita at pinapasok ako sa pamilyar na kwarto. Dahil sa'kin kung bakit siya nasaktan, masyado akong mahina sa mga panahong iyon.

Umalis na ang babae at isinara ang pinto.

Nasa harapan ko ngayon ang lalakeng madaming naitulong sa'kin. Naglagay ito ng pulang likido sa dalawang baso habang nakaharap sa counter.

"It's been four months, I was wondering if you're still able to get enough blood," rinig ko sa maamong boses ng isang lalake. Bakas man sa boses nito ang kasiyahan, pormal pa rin ang galaw nito.

Humarap ito sa'kin. Nagtama ang mga tingin namin. Kagaya ng dati, malalim pa rin ang itim na mga mata nito.

Nawala ang ngiti nito nang makita niya ang itsura ko.

"My Queen."

Marahan kong iginilid ang buhok ko upang mabigyan siya ng sapat na tingin sa mukha ko.

"Long time no see, Royal Prince," blangkong bati ko dito.

MixedWhere stories live. Discover now