Chapter 20

15 7 0
                                    

 Nakarating na kami sa harap ng room ko at marahan niya akong ibinaba.

"Salamat, alis na kayo," ani ko na namamawis na ang kamay dahil late na ako.

"Would you like me to ope--"

Naputol ang sasabihin ni Drake nang tumigil sa tabi namin si Jayson at sinipa nito ang pinto na wala akong lakas ng loob para buksan. Lumingon ito sa'min ni Drake.

"It's class hours. Huwag masyadong magdikit, go to your respective buildings and classrooms," ani ni Jayson at pumasok na ng nakapamulsa.

Nag-igting ang panga ni Drake sa sinabi ni Jayson. Ayaw talaga ng mga Alpha na napagsasabihan.

Sumenyas ng tingin din ako sa kambal na paamuhin siya ngunit wala pa rin. Hanggang bantay nalang siguro sila.

"Sige na, alis na kayo," ani ko.

Halos mapangiwi ako nang tumingin ito sa akin. Ang talas ng tingin nito, kahit asul ang mga mata nito'y 'di ko na naiisip na mukhang anghel ang nasa harap ko.

"Stay away from that guy," sambit nito.

Napakunot ang noo ko.

"Kay Jayson?" sagot ko.

"Understand?"

"Pero partner ko siya sa rese--"

"Little wolf, don't make me repeat myself," rinig ko na ang paggamit nito ng awtoridad sa boses niya. Inikot pa nito ang ulo na parang iniinat ang leeg nito. Nakakastress siguro sa kaniya pagtinatanggihan. Seryoso na talaga siya.

Napabuntong hininga ako. Masyado naman siyang seloso, eh wala naman nga kaming matinong label.

'Dahil sa mate niya ako, kailangan sa kanya lang dapat ako lumapit?'

Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng inis sa kanya. Masyado niya akong pinagbabawalan.

Nahalata nito na wala akong balak sumang-ayon.

"I won't talk to you unless you agree to me," ani nito at nagsimula na itong maglakad papalayo. Walang pasabi namang sumunod ang kambal sa Alpha nila.

Pumasok na ako sa klase at ando'n ang lalakeng sinasabi niyang iwasan ko. Napaka-imposible na maiwasan ko siya dahil bukod pa sa research partner ko siya, seatmate ko rin siya. Ang komplikado naman nito.

Nagpatuloy na ang pagdiscuss ng prof habang ako ay lutang nang dahil sa nangyari kanina. Maganda naman yung pagsama-sama namin kanina, nang dahil lang kay Jayson kaya nasira 'yon. Ngunit wala namang kasalanan si Jayson dahil ginawa niya lang ang dapat niyang gawin as the owner of this school kahit late siya palagi.

"Tinatawag ka ng prof," rinig kong sabi ng katabi ko.

Napalingon ako dito at suot na naman nito ang ngisi na lagi niyang gamit ngunit 'di ko nakita kanina pagpasok niya ng room.

"Huh?" walang kaalam-alam akong inilipat ang paningin ko mula sa kanya papunta sa unahan at nahalatang hindi naman ako tinatawag dahil 'di naman nakatingin sa'kin ang prof.

"Kidding! Here," ngisi nito at ibinigay sa'kin ang isang notebook na may tsokolate sa ibabaw nito.

Kinuha ko na ang notebook at hindi ginalaw ang tsokolate. Nagsimula na akong isulat kung ano ang mga alam ko tungkol sa werewolves at vampires.

Natapos na ang klase at inaantay na ako nina Joan at Kyla sa pinto.

"Sorry kanina, nasira ko moment niyo," rinig kong paumanhin ng katabi ko.

Napangiti ako. Wala naman siyang kasalanan pero humihingi pa rin siya ng paumanhin.

"Anong moment? Wala 'yon, late na talaga kasi para makipag-usap pa habang class hours," ani ko dito.

Ngumiti naman ito sa'kin at pinisil nito ang magkabilang pisngi ko at agad na lumabas sa room, tinawag ko pa ito ngunit wala pa rin.

Napansin ko ang tsokolate na iniwan niya lang sa desk ko. Kinuha ko ito at napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Napasimangot nalang ako.

'Siguro talaga dapat akong lumayo sa kanya, masyado nang nabubugbog pisngi ko sa kanya.'

Pumunta na ako sa may pintuan para sumama sa naghihintay na mga kaibigan ko.

"'Yon pala ang jowa mo, hindi yung vampiee," ani ni Joan.

"Siya ba yung nagtanong sainyo dati?" tanong ko sa kanila.

Umiling naman ang dalawa.

"Siguro may iba pang nagkakaroon ng interes sayo," pabirong sabi ni Joan.

Nakahinga naman ako, siguro kapack ko lang yung nagtanong.

"'Wag kanang mag-astang ganiyan, hindi naman namin sasabihin yung fling-fling mo eh," sabi ni Kyla sabay kurot ng mahina sa tagiliran ko.

"Sabi niyo eh," ani ko.

Sa paglalakad namin, napatigil kami nang may ituro si Kyla.

"Siya yung nagtanong," ani nito at sinunod namin ang tinuturo ng daliri ni Kyla.

Nakatalikod na ang lalake habang naglalakad papalayo. May kahabaan ang dilaw nitong buhok.

"Nagbase ba kayo sa buhok kaya nalaman niyong werewolf siya dahil dilaw buhok niya?" pagbibiro ko.

Nanlaki naman mga mata ng dalawa.

"Hindi ah!" ani ni Joan.

"May yellow card siya sa kanang bahagi ng dibdib niya," patuloy naman ni Kyla habang patango –tango.

Natawa naman ako sa mga itsura nila.

"Oo na, tara na..." alok ko sa kanila hanggang sa makarating kami sa isang kanto kung saan hihiwalay na ako sa kanilang dalawa.

"Ingat ka Xiera," paalam nina Kyla at Joan.

Hindi ko na sila hinahatid sa kanila, dahil dadaanan namin 'yong lugar kung saan ko sila inatake sa panaginip ko.

Mahirap maniwala sa panaginip ngunit wala namang mawawala kung maniniwala ako kahit minsan lang. Lalo na kung mukhang totoo ang pangyayari.

Hinintay ko silang mawala sa paningin ko at nagtungo na ako sa antayan ng sasakyan. Marami-rami rin kaming nag-aantay. Ang iba ay nakagold card at red card.

Kayang kaya ng mga bampira na umalis agad at gano'n din ang mga taong lobo, ngunit para maiwasan ang takot sa mga ordinaryong tao, kailangan nilang itago ang kaya nilang gawin.

Nang bumiyahe na ako ay agad akong bumaba sa tapat ng gubat na lagi kong pinupuntahan para subukan ang kakayahan ko. 'Di naman problema kung gabi na dahil naeensayo ko na rin ang mga mata ko sa dilim.

Inilagay ko ang bag ko sa gilid ng isa sa mga kahoy dito. Nagpakawala ako ng isang hininga at agad na tumakbo. Sinusubukan kong iwasan ang mga puno habang umiikot sa mga ito. At sa tingin ko ay gumagaling na ako sa paggamit ng bilis ko.

Aksidente lang siguro ang nangyari no'ng nag-unahan kami ni Hector.

Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng pagkaputol ng sanga na siyang nagpalingon sa'kin dahilan para mawala ako sa konsentrasyon ko at makabunggo sa isang kahoy. Tinitigan ko ito at gaya ng mga nauna kong ensayo, tagilid ito habang ako naman ay nakaramdam ng kaunting hilo.

Sigurado akong may ibang nakakita sa'kin.

MixedWhere stories live. Discover now