Chapter 34

14 6 0
                                    


Biglaan itong lumundag papunta sa'kin

Sinubukan kong umatras ngunit nahuli ako.

Hindi ko pa naeensayo ang pagiging lobo ko. Kahit mas malaki ako, alam kong mas dehado ako.
Ang mga matang nakita ko kanina. Siya 'yon.

Naramdaman ko ang paginit ng buo kong katawan at nagkaroon ng pwersang itulak siya. Agad akong napaungol nang atakihin ako nitong muli at kagatin ang leeg ko.

'Papatayin niya ako,' isip ko.

Masyadong mabigat ang awra na pinapalabas niya.

'Hindi ko siya kilala, ba't gustong-gusto niya akong patayin?'

Hinila ko ang sarili ko palayo sa kaniya na nagbunga ng paglaki lalo ng sugat ko sa leeg.

Kinagat ko rin ang leeg nito at itinapon siya sa mga puno na naroon.

Rinig na rinig ng tainga ko ang pagkabali ng tagiliran niya sa pagitan ng mga naputol na kahoy ngunit bumangon ito na tila ba walang iniinda.

Nagngingitngit ang mga ngipin nito.

Sinalubong ko siya nang muli ako nitong atakihin at nagtama ang mga ngipin namin. Palakasan yung sino angmatatanggalan ng pangil.

Sa pagitan ng labanan namin, narinig namin ang mga yabag ng mga taong lobo papunta sa'min.
May mga nakapagpalit na rin ng anyo.

Napatigil ako sa ginagawa ko at gusto kong humingi ng tawad nang makita ko si drake na nakatingala sa'min. Agad itong nagpalit aniyo nang makita nito ang malaking sugat ko.

Habang nakatingin ako sa ibang bagay, ginawa iyong pagkakataon ng kalaban ko at walang pagdadalawang isip na tinanggal ang pagkakakagat niya sa mga pangil ko at inatake ang kanang mukha ko.

Agad namang inatake ni Drake ang kulay abu na lobo. nagtamo ng sugat sa likod ang kalaban ngunit agad na napayuko si Drake nang tumingin sa kaniya ito.

Nagpatuloy ang tulo ng luha ko.

Pagmas malakas at mas malaki ang taong lobo, lahat ng kaharap niya ay mapapayuko niya.

Kahit ang isang Alpha.

Mas malaki ako sa lobong nasa harap ko ngunit wala akong lakas upang payukuin siya. At gusto niya akong patayin upang 'di mangyari ang bagay na 'yon.

Muli akong napadaing nang atakihin akong muli at pinalalim ang sugat sa mukha ko.

Nanginig ang buo kong katawan. Siya lang ang nagpababa sa confidence ng lalakeng umaangkin sa'kin.

Sisisihin niya ang sarili niya nang dahil sa kapalpakan ko.

Naramdaman ko ang muling panunuyo ng lalamunan ko sa pagngingitngit sa galit.

ThenI heard it again.

*snap*

In front of everyone. They saw how cruel I am. I attacked his lower abdomen, break his bones, and tortured him in front of others, and my mate.

Wala akong kontrol sa sarili ko. Nangyayari sa'kin ngayon ang nangyari sa panaginip ko, ngunit hindi ang taong mahahalagasa'kin ang inaatake ko.

I saw myself craving for blood.

'Bloodlust.'

He's already vowing his head but I didn't stop sucking his blood out of him.

Then I heard a kid crying.

I snapped at him. Nanlumo ako nang makita ang takot na takot na bata.

Hinuli ng mga taong lobo ang asul na lobo. Pinangungunahan sila ng Beta ni Drake na si Kelvin, kasama ang Omega na kambal niya, si Kenneth.

Lumayo ako kay Drake nang magtangkaito lumapit sa'kin sa takot na atakihin ko siya.

"Can you hear me?" rinig ko sa kawalan.

Napalingon ako kay Drake.

Pareho kaming nasa anyong lobo.

"It's our bond. We can communicate with each other," pagsasagot niya sa naguguluhan kong inaasta.

"It's okay little-wolf. I'm okay. Relax now, close you eyes," ani nito.

Hindi ako marunong sumagot sa kaniya gamit ang bond namin kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko at sumandal kay Drake na nagkaro'n palang ng pagkakataonpara lumapit.

And everything went black.

Nagising ako sa kwarto namin ni Drake. Sa pangalawang pagkakataon, wala na naman siya sa tabi ko.

Tumayo ako at lumapit sa salamin na nakadikit sa pader.

Pinagmasdan ko ang sarili ko.

Naghilom na ang mga sugat. Ngunit may mali.

Isang patak, pangalawa, pangatlo. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko nang makita ang itsura ko.

May apat akong mahahabang peklat sa kanang bahagi ng mukha ko. Mula noo hanngang pisngi. Naghilom na ang kanang mata ko, tanda ko pa ang naramdaman ko nang halos kaliwang mata ko nalang magamit ko dali sa dugo na dumatakip sa kanang mata ko. Hindi ko rin alam kung bulag na ba o natatakpan lang ba talaga.

Ininat ko ang leeg ko at nakitang ang malaking peklat sa leeg ko, may bite-mark din sa gitna nito.

Tumalim ang tingin ko sa salamin na nagpapakita ng repleksyon ng aking sugat.

Para akong baliw na umiiyak ngunit nagpipigil ng galit.

Agad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang paghinga ko nang marinig ang yabag na papalapit.

Iniluwa nito ang isang may kaedarang babae.

Wala mang pinapakita ang mukha nito, ngunit binibigo siya ng panginginig ng mga kamay niya.

Inilapag nito ang tray ng pagkain. May inumin din do'n na amoy dugo. Nagusot ang mukha ko nang mapagtanto kung anong ibigsabihin nilang iparating.

"Sa takot niyo ba sa'kin kaya kailangan niyong maghanda ng dugo mismo sa harapan ko kahit na alam niyong kaka-inum ko lang kanina?" nag-iinit ang ulo na tanong ko.

"P-Pasensya na po," ani nito at akmang kukunin ang dugo upang ilabas nang pigilan ko ito.

"'Wag mong kunin. Nasa'n ang Alpha niyo?" pilit lakas-loob kong tanong.

Wala siya nang magising ako. Kailangan ko siya ngayon, kailangan ko ng madadamayan.

Masyado akong naguguluhan kung sino ang gustong pumatay sa'kin.

"Sa veranda po ng kwarto ng L-Luna," na-uutal na sagot nito.

Nag-igting ang pandinig ko sa narinig.

"N-Nang-ano?!" napalakas na tanong ko dahilan ng biglaang pag-atras ng babae.

"K-Kanina po ang ipinangakong pagpapakilala ng Luna. Hindi pinaasa ng Alpha ang kahit sinu man sa mga inaanunsyo niya. Pagkatapos kang magamot, nalang po namin na, na may iba nang nakabite-mark s-sayo, k-kaya..."

Marahas akong nagpakawala ng hininga.

"Kaya pinalitan niya ako?"

Hindi nakakibo ang may kaedarang babae.

Napaupo ako sa kinatatayuan ko.

'Gano'n lang ba ako kadaling palitan? Nang dahilsa bite-mark?'

'Rules ba na pwedeng palitan ang tinadhana ng Moon Goddess?'

Napahilamos ako sa mga nangyayari.

Akmang lalabas na ang may kaedarang babae nang pigilan ko ito.

"Sino ang ipinalit sa'kin?"

MixedWhere stories live. Discover now