"Sino?!" pagdidiin ko nang madakip ang pilit na pagsara ng bibig nito.
Nanlaki ang mga mata nito at agad na napaluhod at yumuko nang magtama ang mga mata namin.
"Si Elise po... ang matalik na kaibigan ng Alpha simula no'ng bata pa s-sila."
Hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin ko. Naikuyom ko ang mga kamay ko at napatingin sa repleksiyon ko.
I saw myself. Nag-iba ang kulay ng mata ko. Nakatitig sa'kin ang mga mata na may pagkakapareho sa nakalaban ko.
Kulay dilaw ang nasa gitna na pinapaligiran ng kulay pula, at kasunod ang itim. Mas dominante lang sa'kin ang pagiging bampira, habang sa kalaban ay halatang lobo ang mas nakakaangat.
"Makakaalis kana."
Walang pagdadalawang isip na lumabas ang babae. Rinig na rinig ko ang bawat paghingo nito kasabay ng marahang nawawala na mga yabag nito.
Pabagsak akong humiga sa kama nang mapagod ako sa kakatitig sa mata ko. Hindi ko man lang ito maibalik sa pagiging purong itim. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.
Muli akong nakarinig ng mga yabag at inakalang bumalik ang may kaedarang babae ngunit tinig ng pamilyar na dalaga ang aking narinig.
"Balita ko gising kana. Sayang, hindi mo naabutan ang seremonya," naaawang na ani nito.
Naiwan na nakabukas ang pinto kaya walang hirap na nakapasok ang babae. Siya ang nagdala ng tray kanina.
"Hindi ka sumipot," blangkong sambit ko. "Elise."
"Saan?" naguguluhang tanong nito at umupo sa gilid ng kama ko habang hinahaplos ang belo na suot niya. "Abala ako sa seremonya ko at wala akong naaalalang napag-usapan natin."
"Pinapunta mo ako sa kakahuyan."
"At nakinig ka naman? Nagbibiro lang ako no'n."
Mariin akong napapikit sa isinagot niya. Nagsisimula na namang matuyo ang lalamunan ko. Huminga ako ng malalim at hindi kumibo.
"Tulog kana ba? Hindi pa nga kita nauutusan, tagapaglingkod na kita."
Ramdam ko ang paglapit nito at umupo sa tabi ko.
"Dapat inisip mo muna kung may sisirain kang nagmamahalan bago ka pumasok sa teritoryo ng sinuman," bulong nito.
Ang salita na maririnig ko kahit nasa labas pa ako ng mansyon kung nasaan ako ngayon.
Napabangon ako nang marinig ang maikling pagtawa nito.
Hinarap ko siya at napalitan ang tawa nito ng takot nang makita niya ang itsura ko.
'Kakaibang mga mata, at nakakadiri na itsura,' sa isip ko.
"Nakakatakot ba?" walang emosyong tanong ko.
Lumapit ako sa maliit na table kung saan naroon ang pagkain at kinuha ang inumin na inihanda sa'kin.
Kitang-kita sa mababasagin na lalagyan ang pulang likido. Marahan ko itong ininum at nang matapos ako ay wala akong pagdadalawang isip na dinilaan ang gilid ng labi ko.
"Alam mo bang napakaespesyal ng ininum ng tinatawag mong alipin?"
Nadakip ko ang pagputla niya nang makita ang ginawa ko.
"Mabuti nga at hindi ka sumipot. Kung ganito ang ginawa sa'kin ng lalakeng hindi ko kilala, pa'no pa kaya sayo? Minalas lang siguro ako at natyempuhan ko siya sa oras na 'yon," ani ko.
"Kung tapos kanang mangamusta, makakaalis kana," pagpapatuloy ko at naglakad papuntang veranda ng kwarto namn ni Drake.
'Kwarto ko nalang pala.'
Pinagmasdan ko ang bintana kung saan ko nakita ang paghahanda na para sa'kin, isang paghahanda na napakadaling baguhin.
Inilipat ko ang paningin sa tumunog na pinto hudyat na umalis na si Elise.
Agad akong napaupo sa sahig ng veranda.
Tama nga siya, masyado kong pinapabayaan lahat na pumabor sa'kin at walang iniisip kung may sasagasaan ba ako.
'Ginagamit lang pala ako ni Drake.'
'Sila talaga ang nagmamahalan.'
"Xiera?"
Nanlumo ako nang marinig ang boses ni Drake.
"Anong ginagawa mo rito?" bulong na tanong ko.
'Para akong nabingi sa isang salita. Asan na ang tawag niya sa'kin?'
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang hindi ko marinig ang palagi niyang tawag sa'kin.
Seryoso pa rin ang boses nito. Walang pagbabago.
"I, Drake Cooper..."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang bagay na kinakatakutan ng lahat ng lobo.
Marahas akong napalingon sa kaniya."D-drake, h-hindi!" sinubukan kong tumayo at agad na naglakad papunta sa kaniya.
"Reject you..."
"Hindi ko kasalanan!" sigaw ko sa kaniya at agad na niyakap siya.
Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, tila ba dinudurog nito ang buo kong katawan.
Nararamdaman ko na rin ang panginginig ko.
"Xiera Devon..."
"Please, 'wag Drake!" hinawakan ko ang magkabiling pisngi nito at agad siyang hinalikan para matigil ang pagsasalita niya ngunit itinulak niya ako na tila ba duming-dumi siya sa'kin.
"As my mate," hindi siya nakatingin sa'kin at walang emosyon ang makikita sa mukha niya.
*snap*
Napadaing ako nang maramdaman ang pagkaputol ng isang bagay sa'min.
'Ang bond!'
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng pagkamanhid. I felt the loneliness that everyone feared.
Then I saw his eyes turned to black.
'He's now a monster, and I will be a monster soon.'
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
"You'll no longer be connected to me. The things which belongs to me shouldn't be touched by you, and you will leave from this place on this day, slut," matigas na sambit nito.
Wala akong naramdaman sa huling sinabi niya. Wala nang nakakonekta sa'min.
Wala na kaming kahati sa buhay na'min.
Everyone will call us a monster with no weakness.
Tumalikod na sa'kin ang lalakeng naglagay ng napakalalim na sugat sa dibdib ko.
A mark.
A mark that symbolizes as unmated.
Everyone will judge me and at the same time despise me because of the scars and a bite-mark which is not belong from my ex-mate.
Walang pag-uusap na naganap. Ganito pala kapuro ang isang Alpha.
'Hindi, iba ang Alpha ko. He accepted us kahit na nagkaanak ang Luna sa isang bampira."
Nanginginig ang buo kong katawan ngunit masyado nang manhid ang sarili ko para alamin ang rason.
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay agadakong tumayo sa may harang ng veranda.
'Both silver nor bane can't kill me.'
"Then I should live," bulong ko at nagpahulog mula sa veranda ngmansyon.
Hindi ako kabilang sa lugar na 'to. Dapat akong umalis.
Agad akong umalis sa teritoryo nila. Hindi na ako mag-aantay na kaladkarin nilaako palabas.
Nakakasobra na.I left his teritory.