"Akala ko 'di mo 'ko papansinin?" parang batang tanong ko sa kanya.
Nagusot ang noo nito na parang ang sinabi ko ang pinakawalang kwentang tanong sa buong buhay niya.
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko.
"Fine! I don't care who the fck you're with after this little wolf. As long as you make this spot safe," turo nito sa kanang leeg ko na hinalikan niya kanina. "I'll mark you, don't let any vampire touch it," patuloy nito.
Sa isang iglap parang nawala ang pagkasweet niya at umiral ang pride niya.
'Alpha talaga.'
"Okay, alis na ako," ani ko at akmang itutulak na siya para makadaan ako ngunit niyakap ako nito ng mahigpit. Napabuntong hininga ako. "Ang gulo mo, alam mo ba 'yon?"
"Just let me hug you. I want my scent to cover you so that no one will give a fcking interest to you," ani nito at sinubsob ang mukha nito sa leeg ko.
"But I do," napalingon ako nang makita si Hector 'di kalayuan sa'min. "She's gonna be our teammate next month."
Naramdaman ko ang pag-igting ng panga ng lalaking nakayakap sa'kin.
"She won't, she's mine," sagot ni Drake. Tumayo ito ng maayos at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin dahilan para mapasubsob ako sa matipunong dibdib nito.
"We'll see," ani ni Hector. Ngumiti ito sa'kin at nawala na.
Agad na lumingon sa'kin si Drake nang mawala si Hector.
"So you're with him awhile ago?" tanong nito sa'kin.
Halos makalusot na ako, nagpakita lang si Hector.
"H-Hindi," tanggi ko.
Napakaseloso niya. Hindi magdadalawang isip na pumatay ang isang Alpha kapag mate na nila ang pinag-uusapan.
"You'll gonna be in my team right? You're a werewolf, you're my little wolf," parang nagmamakaawa ang mga mata nito sa'kin.
"'Di siguro ako kasali, green card ako. 'Di ba games lang 'yon ng gold at red card," pagrarason ko.
Lumamlam ang mga mata nito. Alam niya palang 'di ako nakakapagpalit ng anyo.
"As you wish," ngumiti ito sa'kin ngunit ilang segundo lang iyon. "Once I found out that you chose that guy... I.will.hunt.you."
Alam kong nagbibiro lang siya, pero may kakaiba.
Nanigas ang buo kong katawan nang marinig ko ang nakakakilabot nitong boses kahit na bumulong lang ito. Parang pinagbagsakan ako ng malalaking bato. Nahagip ko ang pangmadaliang pagdilaw ng mga mata nito.
Natulak ko siya nang 'di ko makayanan ang titig niya ngunit hawak niya pa rin ako.
'Nagiguilty ako.'
"Make me calm little wolf. How about a kiss on the cheek?" seryoso nitong suhestiyon.
Ibinaba nito ng kaunti ang ulo niya at marahan ko itong idinampi.
Sa labi.
"Alam kong lilingon ka na naman ulit, kaya tinulungan na kita," pagrarason ko. Pero ang totoo guilty na talaga ako. Kung pwede lang sabihin sa kaniya, kaso natatakot akong baka ireject niya 'ko as his mate.
Nawala bigla ang pagkaseryoso nito at napalitan ito ng pagkagulat na kalaunan ay naging ngiti. Nakahinga ako ng kaunti.
"You love me too," ngisi nito.
Pinakaunang pagngisi niya.
"Hindi!" pagdedeny ko.
Bumagsak ang ngisi nito nang dahil sa sinabi ko. Napahilamos nalang ako sa mood swing niya. 'Di siya pwedeng biruin kahit kailan.
"Oo na! Late na ako!" inis na sigaw ko dito at nagsimula na akong maglakad.
"Do you want a wolfy back?" suhestiyon nito. Napakunot naman ang noo ko. "Not a piggy back because I'm not a pig," seryosong sabi nito.
Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa.
"Oo kaya," ani ko. Nagsalubong ang mga kilay nito. Natawa nalang ako. "Ewan ko sayo, ang dali mong mapikon."
Naglakad na kami papunta sa school. Nais niya sana akong ihatid ngunit tinanggihan ko siya.
Ayaw ko na sanang maalis yung ngiti niya. Kinakabahan lang ako sa susunod na buwan.
Sana naman walang masamang mangyari, ayaw kong talikuran niya ako.
'Bahala na nga.'
Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayan sa pagpasok sa eskwelahan namin na ngayon na pala ang sinasabing event.
"All the students with red, gold, and black card, kindly go to the field."
Tatlong beses naming narinig ang anunsiyo habang nasa loob pa kami ng klase. Sport's month ngayon kaya kailangan naming sumali sa iba't-ibang mga palaro.
Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang ay nag-iisip pa ako kung pwede bang 'wag nalang sumali o mag-absent nalang ngunit kailangan daw para makapagtapos.
Lahat kami ay nagsibabaan na sa building at pumili ng kanya-kanyang sasalihan. Nagpaalam na rin sa'kin ang mga kasama ko habang ako ay pasimpleng dumiretso sa field.
Marahan kong inalis ang green card ko at hinayaan lang na walang palatandaan kung anong kulay ako. Sa pagkakatanda ko ay bawal ipakita ang card ko sa kahit sino mang estudyante.
"Dapat pala hiningi ko na lahat ng kulay," wala akong maipapakitang kulay sa field dahil green card ang matinong na sa'kin.
Lumapit ako sa isang bakal na pinto. May bakod na nilagay dito, nakapalibot ito sa field. Bawal yatang may makakita na normal na tao at kailangan pa talagang isekreto.
Pinakita ko sa lalaking nagbabantay ang tunay na card ko, sinenyasan ako nitong pumasok at hindi inanunsiyo kung anong kulay ng card ko.
Bumungad sa'kin ang dalawang grupo, halo-halo pa ito dahil hindi pa nagsisimula ang palaro.
"Miss, ano'ng card mo?" tanong sa'kin ng isang babae.
Nakita ko ang kulay pulang card nito.
"Gold," sagot ko. Ngumiti ito sa'kin at tinuro kung saan ang base ng werewolves. Nagpasalamat ako dito at nagpatuloy sa paglalakad ngunit hindi ko sinunod ang lugar na tinuro niya.
"Gold card ka rin?" habol sa'kin ng isang lalake. May gold card ito. Napaawang ang bibig ko nang dahil sa tanong nito.
"Hindi eh, red card ako," sagot ko. Napakamot ito sa ulo niya at humingi ng pasensya. May mali raw siguro sa pandinig niya at agad na nagpaalam.
Napabuntong hininga nalang ako.
Hindi ko alam kung saan ba ang base ko kaya naglakad-lakad lang ako at pinagmasdan ang buong field.
Napakalawak nito, tama lang siguro dahil sa mga kakayahan ng mga nandito.
"Go to your respective colors except the black card. The black card has a freedom to choose what team he/she wants to be in. Be it the red or gold card," rinig naming anunsiyo ng parang robot na babae mula sa speakers.